Lumiko ako ng tingin para tignan si Ali ng wala akong nakita doon.

"Nasan si Ali?" Tanong ko kay Asher.

"Nursery Room." Nakatitig lang siya sa akin.

"Mag-isa?!" Napalakas ang tono ng boses ko dahil sa pagkagulat. Pwede naman niya akong gisingin bakit niya pa hinayaan si Ali mag-isang lumabas.

"No, chill she's with her nurse." Kumalma lang ako ng hawakan niya ang kamay ko. "Don't worry she's okay, actually she insists not to bother you while sleeping." Ngumiti siya sa akin. I really feel comfortable with him.

"Hi!" Bati ni Ali ng makapasok siya sa kwarto kasama ang nurse niya. Tumakbo siya palapit sa akin at yumakap ng mahigpit. "I love you ate Xia." I felt my heart melt when I heard her say my name. It's like Xiara's calling me.

My tears fall down when she kisses my cheek. Ngumiti siya at niyakap ako ulit.

Nagpaalam ng lumabas ang nurse at kumandong naman sa akin si Ali. Hindi siya umalis sa tabi ko hanggang sa kumain kami. Umalis lang ako ng mag shoshower na ako. Nag suot ako ng pajama na pink at binihisan rin si Ali ng kaparehas na pajama.

"Bakit wala ako?" Tanong ni Asher ng makita kami. I heard Ali chuckled.

"Here." Binato ko sa kaniya ang isa pang pares ng pajama. Ngumiti naman siya at tumungo na ng cr.

Nagtawanan kami ni Ali ng lumabas si Asher. Pink iyon at medyo manipis ang tela kaya kitang kita ang hubog ng kaniyang katawan.

"The color pink really suits you kuya." Tumawa muli si Asher ng kumunot ang noo ni Asher sa sinabi ni Ali nang tumingin siya sa akin ay bigla niyang tinakpan ang maselang parte ng katawan dahil sa nipis ng tela. Feeling ko ay namumula ang pisngi ko dahil sa nakita ngunit tinakapan ko nalang ng tawa iyon.

Nanood kami ng tom&jerry hanggang sa makatulog si Ali. Sa kama kami ni Ali at si Asher naman ay sa couch. Kitang kita ko na nahihirapan si Asher sa paghiga sa kama dahil sa haba ng binti niya.

"Gusto mo palit nalang tayo?" Tanong ko sa kaniya dahil mas nahihirapan ako kaysa sakaniya.

"I'm okay, just sleep Xiana you might get nightmares again." Tumango ako sa sinabi niya.

"Good night." Sabi ko bago tumalikod sa kaniya at niyakap si Ali.

"Good morning!" Pagdilat ko ng mata ay ang magagandang ngiti ni Ali ang una kong nakita. Napangiti narin ako dahil siya ang una kong nakita.

"Good morning baby." Niyakap niya ako ng mahigpit bago ako tumayo. Si Asher ay tulog pa sa couch...

Pinagmasdan ko siya habang natutulog. I didn't get nightmares this time. It's my first time. Sana ganito nalang palagi.

It's already december 24 kaya kailangan kong umuwi dahil panigurado ay may dinner kami mamaya kasama ang family ni Rayden at Zaniah.

Ilang minuto pa lang ay nagising na si Asher. Sinabi ko sa kaniya na uuwi na ako dahil may family dinner mamaya kaya sinabi niyang ihahatid na raw niya ako. Nagpaalam na ako kay Ali bago kami umalis ni Asher.

Nang makapasok sa sasakyan ay biglang nagsalita si Asher.

"You didn't get nightmares."

"Huh? Is that a question?" Umiling lang siya at ngumiti.

Weird handsome guy. What the hell Xia?

Hinintay muna ako ni Asher makapasok ng gate ng makarating kami sa bahay bago siya umalis. Naligo ako at naghanap ng masusuot para mamaya ng mahanap ko ang dapat na suotin ay nahiga ako sa kama.

Stay With MeWhere stories live. Discover now