"Huwag na, kaya umuwi ako ng mag isa." pagtanggi ko nang huminto ako sa paglalakad. 

Pagkatapos ay humakbang si Andre. "Hindi, Maxine, hindi pa rin tayo sigurado na hindi alam ng tropa ni Baldo ang nangyari sa kanya." Nag-aalalang sabi ni Andre.

Tama siya. Sa huli. Hinatid nila akong dalawa sa dorm ko. Pero hindi man lang sila nag-uusap. Ewan ko ba kung dahil ba sa biro ni Hiro, o dahil sa akin. Ayokong mag-assume at pagod na akong mag-overthink ngayon. 

Kinabukasan, nagsuot ako ng simpleng damit at maagang umalis. Sobrang tamad at pagod na ang nararamdaman ko. Hindi ako makatulog ng maayos kagabi dahil sa nangyari. Nag-aalala rin ako na baka bigla na lang sumulpot si Baldo at ang tropa niya at habulin na naman ako. 

Sumakay ako ng taxi at pumasok sa loob ng campus. Pero sa hindi kalayuan habang naglalakad ako, nakita ko si Hiro na papalapit sa akin. Siya ay may karaniwang ngiti sa kanyang mukha tuwing nakikita ko siya. This is the 4th week of the semester at marami na agad ang nangyari. Ngunit nananatili pa rin si Hiro sa dati. 

"Max! Good morning, nag breakfast ka na?" Hiro asked softly.

Agad kong pinikit ang mata ko. "Ikaw ba si Hiro? Ano bang nakain mo at ang bait-bait mo ngayon?"


Umiling siya sabay tawa, habang umiling din ako at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa assigned building ko.

"So... kumain ka na nga?" Tanong niya ulit.

I shook my head slowly, and just in time, my stomach started to growl.  Narinig kong tumawa si Hiro habang pinanlakihan ko naman siya ng mata.

Lalo pa siyang natawa ng makita ang asar kong mukha.

"Lah, happy s'ya, oh, happy ka?" I grimaced and asked him with a pissed off face.

After a few seconds, hinayaan ko siyang tumawa ng malakas habang nakatitig sa kanya. I swear to god, gusto ko siyang sampalin. Ang aga aga pero ang lakas mang bwisit!

Pagkatapos ay tumigil siya sa pagtawa para pakalmahin ang sarili. Tumingin siya sa akin na may nakakalokong ngiti at tango. Tiningnan ko siya ng nakakunot ang noo na may kasamang pagngiwi. He's so weird, and I feel so annoyed for some reason.

"Nakasinghot ka ba? Sinasabi ko sa'yo, Hiro, tumama ka na kakasinghot." I said boldly but with annoyance.

"Tanga, hindi ako sumisinghot, sobrang saya ko lang ngayon." Mapaglaro niyang sabi na may ngiti sa labi.

Hindi ko pa rin alam kung bakit, pero sobrang inis lang talaga ang nararamdaman ko ngayon. But then I realized na lagi akong naiinis kapag nagugutom ako. Hindi ko mapigilan na umirap at lumulad palayo. I ignored Hiro and headed straight towards my classroom.

Naguguluhan siyang tumingin habang pinapanood akong umalis. At oo, wala akong pakialam doon sa ngayon. Nagugutom ako, naiinis ako, sa totoo lang galit ako, at pagod na ako!

Nang makapasok na ako sa classroom nilapag ko ang bag ko, lumabas, at tumungo sa canteen. I ordered one tapsilog as usual, at pagkatapos kumain ay bumalik na ako sa classroom.

Tulad ng lagi kong ginagawa ay nagte-take notes ako tuwing discussion. After discussion, ay quizzes naman. Paulit-ulit lang din lagi.

Nasa kalagitnaan kami ng discussion nang maramdaman ko ang pananakit ng puson ko. Shit, this must be the fucking reason kung bakit kanina pa akong wala sa mood.

Lost Love In Silence | College Series 1Where stories live. Discover now