Chapter 3

1K 52 70
                                    

Chapter 3: Visit

─────────────

Kinabukasan, napagdesisyunan ni Kieonne na dalawin ang kaniyang ina. Katatapos lang niya kumain ng tanghalian at akmang aalis na siya.

Lumabas siya ng mansion at hinanap ang isa sa mga driver nila. Magpapahatid siya dahil hindi niya gaano kabisado ang daan patungo sa pupuntahan niya.

"Kuya Alvin, alam n'yo naman ho ang address na ito 'no?" Ipinakita niya ang address ng tinutuluyan ng Mom niya.

Ang alam niya kasi ay kay Kuya Alvin nagpapahatid ang kaniyang Mom tuwing pupuntahan nito ang panibagong kinakasama. Paniguradong kabisado na nito ang daan.

Tumango ito, "Opo, ma'am Kieo-" Akmang papayag na si Kuya Alvin nang maudlot ang sasabihin nito.

Kieonne

─────────────

Nagulat nalang kaming dalawa nang may umagaw sa papel na hawak ko na naglalaman ng address ni Mom.

Kumunot ang noo ko at hinarap ang taong 'yon. Mas lalong lumukso ang dugo ko nang mapagtantong si Azarea pala iyon.

"Ako na ang maghahatid sakaniya."

I raised one of my eyebrows at her. Ano kamo? Ihahatid ako ng demonyitang ito?

"Pardon?" Tiningala ko siya dahil sa sobrang tangkad niya.

She smiled at me then looked at Kuya Alvin, "You can go now."

Tumango si Kuya Alvin kay Azarea, "Masusunod po."

Kumunot ang mukha ko nang sundin ni Kuya Alvin si Azarea. Lintek naman oh, ayaw kong magpahatid sa babaeng ito!

"Teka, Kuya Alvin!"

Tuluyan na itong umalis kaya naman naiinis akong bumaling kay Azarea. Nawala na ang mala-anghel nitong ngiti at agad iyon napalitan ng mala-demonyong ngisi.

"Baliw ka ba?!" Bulyaw ko rito nang paalisin niya si Kuya Alvin na dapat sanang maghahatid sa akin.

She scoffed, "Ihahatid kita. 'Wag kang OA." Sabi nito habang nakapamewang.

"Ayok-" I was about to protest but she grabbed me by my hand.

Walang hiya niya akong kinaladkad sa loob ng mansyon. Inis ko siyang tinignan pero hindi umimik, nang marating namin ang living room ay nadatnan ko si Dad na naka-upo sa couch. Nakaramdam ako ng pagka-urat nang makita ko ang pagmumukha niya.

"Darling, can I escort Kieonne? May pupuntahan kasi siya." Nakangiti nitong pagpapaalam kay Dad na kala mo anghel.

I gave her a dirty look and cringed mentally. Disgusting, kala mo naman mabait talaga. Ang galing talaga magpaka-peke ng Azarea na ito.

Dad smile at her and replied, "Of course, baby."

I scoffed in disbelief. Ano ang akala niya, bata para magpahatid sa babaeng ito? Dibale kung kay Kuya Alvin eh dahil driver namin 'yon, pero sa bitchesang ito?

Tututol na sana ako, "But Dad-"

He stared at me sharply, cutting my sentence of silently. Nagkasalubong nalang ang mga kilay ko habang nakaawang ang aking mga labi na kahit isang salita ay walang lumalabas.

I'm old enough to make my own decisions. At desisyon kong hindi magpahatid sa bruhang ito!

"I just want us to have a daughter and mother bonding." Sumabat si Azarea.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Feb 04 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Seductress AzareaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora