Kabanata 2

151 4 0
                                    


Contest

My parent raised me well. Hindi nila ako tinuruan magsinungaling at magpahamak ng kapwang tao. Bukod pa roon ay binigyan nila ako ng sapat na pagmamahal na bininigay ng isang magulang.

Isang linggo kami hindi nagkikita ni Minseok. Hindi ko alam kung busy siya o ano. Okay na rin siguro iyon dahil isang linggo na rin ako kinukulit ni Yuri tungkol sa pinag usapan namin nung last week.

"Na Hee.. Hindi ako makakasabay sayo ngayon. May aasikasuhin kami ni Jessica.

Jessica is her team member in thesis.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Kaagad naman siya nagtungo kung nasaan ang grupo nina Jessica.

Naglakad na ako papunta sa headquarters. Naalala ko yung garden. Madalas ko nakikita roon si Minseok ma nakatambay. Pero nitong linggo ay hindi ko siya napapansin doon.

Bumuntong hininga ako. Why do I feel like I missed him?

Palapit na ako ng garden nang may napansin ako na isang lalaki na nakatalikod mula sa akin. Hindi siya naka uniform. Nakasuot siya na cream knitted sweater at maong pants. Mukhang pinapakialamanan niya yung mga bulaklak.

"Bawal pumitas diyan!" Sigaw ko sabay lapit sa lalaki.

Tumayo siya at humarap sa akin. Sakto naman na nasa harap niya na ako. Nagulat ako sa nakita ko at napaatras dahil doon.

Hindi ko namalayan na may naapakan akong maliit na bato na dahilan ma-a out balance ako. Mabuti nalang at maagap si Minseok at hinawakan ang baywang ko para mapigilan ang pagkalaglag ko.


"Na Hee.." Mahina niyang sambit.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bukod pa sa hawak niya ako sa baywang ay ang lapit ng kanyang mukha.

He has a thin eyebrow, pointed nose, a cat-like eyes and thin lips. His face is chubby like na lalong bumagay sa kanya. Hindi maipagkakaila na gwapo siya lalo na kapag malapitan.

"Are you okay, Na Hee?" He looked concern.

Doon lang ako natauhan at lumayo sa kanya. Napahawak ako sa akin dibdib dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.

"Are you okay?" Tanong niya ulit.

Tumingin ako sa kanya. Medyo nakakunot ang kanyang noo. Hindi ko siya namukhaan dahil iba ang panamit niya. Napansin ko rin na nagpabawas siya ng buhok. Mahaba pa rin pero hindi na kagaya nung dati.

"H-hindi kita namukhaan." Tanging nasabi ko.

Napakamot siya ng ulo bago sumulyap sa akin.

"Naging busy kasi ako sa sinalihan kong contest tapos naisipan ko rin magpabawas ng timbang." He said.

Napatango ako.

"Kaya ba hindi kita nakikita sa school?" Tanong ko.


"Uh, pumapasok naman ako kaso kapag nagpapasa lang ako ng requirements para hindi ko na ulitin ang second semester." Sabi niya.

"Kaya pala hindi ka nakauniporme.." Puna ko.


Naupo siya sa bench kaya naupo na rin ako roon sa tabi niya.

"Sa Wednesday papasok na ulit ako. May inaasikaso kasi ako ngayon kaya nagpunta lang ako para magpasa ng requirement."

"Buti... Pinapayagan kayo ng teacher niyo sa ganoong set up?" Tanong ko.

FlippedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora