Kabanata 1

155 4 0
                                    

Nerd

Malakas na hiyawan at tawanan ng mapadaan kami sa hallway ng mga seniors. Parang mayroon silang pinalilibutan at iyon ang nagiging dahilan ng kanilang tawanan at hiyawan.

"Ano 'yan?" Tanong ko kay Yuri.

"Binubully yata." Sagot niya at hindi naman binigyan pansin yung nagkakagulo roon.

Napalingon ulit ako sa nagkukumpulan roon. Napansin ko ang isang matabang lalaki na magulo ang buhok at basag ang isang salamin. Siya ata ang pinagkakaguluhan.

"Si Na Hee!"

Napansin ako nung isang lalaki doon sa kumpulan kaya napatingin sila sa gawi namin.

Kaagad sila umayos at humarap sa akin na animo'y ako ang boss nila. Kaagad kumunot ang noo ko nang mapansin ko ang mga lalaking nagkukumpulan.

Mga barkada ito ni Jun Ho.

Napansin ko rin si Jun Ho na hawak ang collar ng uniform nung matabang lalaki. Kumpara kay Jun Ho. Walang panama yun lalaki kay Jun Ho.

Binitawan ni Jun Ho ang collar nung lalaki kaya napaupo yung lalaki sa sahig. Nagpunta naman sa gawi ko si Jun Ho habang inaayos ang sarili.

"Napadaan ka rito, Na Hee." Medyo natatawa niyang sabi.

Lumingon ako doon sa lalaki sabay baling kay Jun Ho.

"Sino siya?" Ignoring his question.

"Kaibigan namin." He answered.

"Kaibigan? Mukhang binubully niyo siya.." I said. Tinaasan ko ng kilay si Jun Ho.

Napakamot ng ulo si Jun Ho at lumingon doon sa lalaki.

"Minseok, diba magkaibigan tayo?" Si Jun Ho.

Kaagad umiling si Minseok sa tanong ni Jun Ho. Bumaling si Jun Ho sa akin nang  natatawa.

"Joker din 'tong si Minseok." He said while laughing.

Umirap ako rito. "Kapag nahuli pa kita na nambubully ka. No choice ako kundi ipadampot kita sa Guidance." I said at nilagpasan sila.

Nanliligaw si Jun Ho sa akin since Grade 7. Dahil sa ugali niyang pambubully ay hindi ko siya sinasagot pero pursigido siya lagi sa akin.  Minsan na lang ay hindi ko siya pinapansin. No choice lang ako na magpunta sa building nila dahil SSG officer ako.

"Yuri, may kukunin lang ako sa headquarters." Paalam ko sa kaibigan.

Tumango naman siya at nagpatuloy sa pagsuklay ng buhok.

Kaagad ako nagtungo sa headquarters. Bago ka makarating sa headquarters ay madadaanan mo ang mga garden at benches.

Wala naman masyadong tumatambay doon kaya nagtaka ako na may matabang lalaki na nakaupo roon. 

"Bawal pumitas ng bulaklak dyan." I said without thinking.

Napalingon siya sa akin. Namukhaan ko itong lalaki. Ito yung binubully ng kabarkada ni Jun Ho. What is his name again?

Umirap siya sa akin at naupo doon sa benches. Hindi ko alam bakit hindi pa ako umaalis doon at mukha naman wala rin siyang balak magsalita.

"Binubully ka pa ba nina Jun Ho?" Tanong ko.

Tumingin siya sa akin. "Hindi na." Malamig niyang sabi.

Ngayon ko lang napansin na bukod sa mataba siya ay yung buhok ay mahaba na halos matakpan ang ang kanyang tainga. Mukhang emo kumbaga. He's not wearing glasses dahil siguro sa nangyari last week.

FlippedWhere stories live. Discover now