CHAPTER 09

3 3 0
                                    

Dumating ang araw ng election ngayon ay Thursday at half day na walang pasok dahil ginawang voting precinct ang mga classrooms at mamayang hapon pa malalaman kung sino yung mga nananalo.


Nang oras na ng aming section na mag vote ay nag proceed na kami sa assigned precinct namin, umupo ako sa bakanteng upuan at nag shade na sa mga palagay ko ay magagampanan ng maayos ang role as student council.


Pagkatapos mag vote ay nagpalagay na kami ng violet sa kamay basta yung sign na nakavote kana. Magkasabay kaming lumabas ni Desiree at inangkla nito ang kanyang braso sa aking braso.

“Goodluck Zielle”


Nagpasalamat ako sa kanya at napatingin sa likod ng magsalita ang kaibigan ko.


“Sure akong mananalo ito” proud na sabi ni Noreen at sinangayunan ito ni Mazie.


“Ililibre kita pag nanalo ka”


“Kung ganon prepare mo na ang iyong pera” sabat ni Noreen sa hamon ni Clayton na kakasulpot lang Kasama ang mga kaibigan nito. Saglit naman kaming nagkatinginan ni Davin ngunit nauna akong bumawi ng tingin.


Nagyaya silang mag miryenda kaya sabay kaming naglakad papunta sa cafeteria at nagusap ng mga random things habang kumakain.


Pagkatapos mag miryenda ay naglakad na kami pabalik sa room dahil bakante naman iyon kasi hindi naman napili as voting precinct ito.

Umupo ako sa aking upuan at tumabi si Davin sa akin habang patuloy parin itong nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigan. Bigla siyang humarap sa akin at tinignan ako sa mata, akmang iiwas ako ng tingin dahil palagay ko ay namumula ako ay nagsalita siya.

“Advance congratulations, alam ko namang mananalo ka”


Ngumiti ako at nagpasalamat sa kanya. Nakatingin parin si Davin sa akin kaya nilibot ko ang tingin sa mga kaklase ko na mayroong kanya kanyang mundo. May naglalandian doon, TikTok dito, Selpon diyan, ML rito at marami pa. Nararamdaman ko parin ang titig ni Davin kaya Hindi ko parin siya hinarap. Act fool kunwari.

Nagpakawala siya ng buntong hininga bago mag salita dahil napansin niya ata na hindi ko siya hinaharap, eh ano ba kasi na hihiya ako na ewan.


“Hey Mirac-“


Naputol ang akmang tawag nito sa akin ng magsalita ang magaling kong kaibigan since kinder, ay joke hindi kami bati noong kinder kasi parati niya akong inaaway kahit wala naman akong kasalanan.


“Guys laro tayo stickman party”
Biglang panghikayat ni Noreen dahil siguro ay bored narin ito kase wala kaming ginagawa.


The both of us really love stickman party dahil yung game na yan talaga ang libangan namin tuwing vacant time noong senior high school kami. Naalala ko nga na ang ingay ingay pa namin noon.


“Ayoko, pang apat lang ang pwedeng mag laro niyan”  kontra ni Clayton.


“Edi among us nalang” suhestiyon ni Mazie, sumangayon sila ngunit wala daw silang app kaya nag nangyari ay nagsi download muna kami.


“Sinong may load?” tanong ni Clayton. “Paconnect naman hindi ako maka download dahil wala pala akong load”


Binuksan ni Davin ang kanyang hotspot at nang maka connect na ay nag download narin si Clayton. Buraot talaga kapag hindi expired ang load nakalimutan namang mag pa load tapos kung makagamit ng data ng kinoconnect-an ay wagas.
Local lang ang nilaro namin at si Mazie ang gumawa ng game. At least four lang ang kailangan para makaproceed sa laro at dahil pito naman kami ay nagstart na kami agad ng makapasok lahat.

Fragments of AffectionWhere stories live. Discover now