Chapter 23: Completely Depleted

Начните с самого начала
                                    


Ikinuwento ko ang nangyari sa'kin kay Aling Myrna, ang matandang babae na tumulong sa'kin. Buti na lamang at papunta siya ngayon sa bayan ng Quezon kaya makakasama ako at makakahingi ng tulong dun. Mahirap daw humanap ng signal dito kaya hindi ko agad matatawagan sina Mama na nasa Batangas, at isa pa ay wala rin daw phone si Aling Myrna kasi nasira na ito.

“Paris!” sigaw ko dahil bigla siyang natumba kaya naman tumakbo na ako papalapit sa kaniya. Nakarinig ulit ako ng putok ng baril at nakita ko na lang na bumagsak ang katawan ni Ms. Joy malapit sa katawan ni Sir Quira.

It's finally done.

“Paris, gumising ka!” sigaw ko at pinipilit ko na pakalmahin ang aking sarili. Marahan kong tinapik ang kaniyang mukha pero nanatili pa rin siya nakapikit. Napatingin naman ako sa direksiyon ni Jaxx na patuloy umaagos ang dugo mula sa kaniyang katawan.

“Aza...” naparinig kong nagsalita si Paris kaya itinuon ko ulit ang atensyon sa kaniya. “Maze was dead a year ago...” sabi niya na para bang nahihirapan siyang huminga.

“Huwag ka na munang magsalita, mamaya mag-usap tayo. Kapag okay ka na, kapag okay na ang lahat.” sabi ko at mapait siyang nginitian. “That's Mazeghiel, Maze' twin brother. Be caref—” hindi niya na natapos ang kaniyang gustong sabihin dahil biglang bumilis ang kaniyang paghinga. Tinawag ko ang ibang mga pulis dahil hindi ko na rin alam ang gagawin pero bago pa sila makadating ay nawalan ulit si Paris ng malay.

Pero totoo bang wala na si Maze? Kailan pa?

Tang ina! It feels like someone is stabbing my whole body, a lot. It hurts seeing my friends like this. Tsaka asan ba si Jeya?

Habang nakaupo ako at hawak-hawak ang kamay ni Paris, nakita kong ang mga pulis ay nagsimula ng mag-ikot para siguro  maghanap ng iba pang nakaligtas. I doubt kung may mahanap pa sila. Sunog na sunog na nga ang SHS building tapos sobrang gulo na ng labas nito na mukhang pinasabog yata.

Pero kung may makita man silang nakaligtas sana isa dun si Jeya. Hindi pa tumatagal nang isang oras ay napansin kong may buhat na katawan ang isang pulis. Maingat niya itong inilapag at laking gulat ko ng makita ang mukha at ulo ni Jeya na duguan.

“Jeya! Paris! Jaxx! Ano ba?! Gumising nga kayo diyan!” pagmamakaawa ko sa kanila, hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko dahil sa nakikita ko ngayon. Sakto namang pagdating ng mga ambulansya.

Inilayo ako ng mga pulis mula sa katawan nila. Kahit medyo malabo na ang aking paningin dahil nabasa na ito na aking mga luha, nakita kong may mga paramedic at doktor na agad tiningnan ang pulsuhan ng aking mga kaibigan pati rin si Maze o Mazeghiel, Ms. Joy at Sir Quira. Pinunasan ko ang mga luha ko at pinanood ang ginagawa nila.

Napansin kong isinakay na si Mazeghiel sa ambulansiya. Pero 'di gaya nina Sir Quira at Ms. Joy na tinalukban nila ng puting tela. Inilipat ko naman ang aking mga mata kay na Paris, gaya ni Mazeghiel ay isinakay na rin sina Paris at Jaxx sa iba pang ambulansiya. Kahit na mugto na ang mata ko sa kakaiyak ay nakita ko kung paano naging malungkot ang mga mukha ng paramedic at doktor. Pailing-iling ang kanilang ulo at mukhang dismayadong tinakpan ng puting tela ang katawan ni Jeya.

Umalis na ang mga ambulansiya at iniwan na lamang ang katawan ni Ms. Joy, Sir Quira at Jeya.

“Ano ba? Bakit hindi nila dinala si Jeya? Hahayaan na lang ba nila siya?!” galit na sabi ko. “She's gone. I'm sorry for your loss, Aza.” sabi sa'kin nung isang pulis. Napaupo na lamang ako dahil sa panghihina.

Trust No One Место, где живут истории. Откройте их для себя