25

6 0 0
                                    

Nang ibigay ko kay Dencio ang pangalawang pagkakataon mas naging malapit pa kami sa isa’t-isa. Lahat na pinangako niya sa akin ay ginawa niya. Minahal niya ako, mas naging sweet pa siya sa akin, araw-araw din kaming nag de-date dalawa para sulitin ang pangalawang pagkakataon ng aming naging relasyon. Wala kaming sinayang na oras dalawa. Tudo bigay kami sa isa’t-isa. Parehong na miss ang isa’t-isa.

“Kayo na ulit!?” Gulat na saad ni Semi nang aminin namin sa kaniya ang relasyon namin ni Dencio. “Kailan lang?”

We interwined our hands in front of Semilliano just to proved to him that we are back again to each other. We smiled at each other ignoring my best friend reaction.

“Totoo na ba ‘yan? Baka eme² niyo lang dalawa ‘yan?” Nakangiwing saad pa niya.

“Semilliano, Semilliano, Semilliano. Mukha ba kaming nagbibiro?” Sagot naman ni Dencio.

“Kung naiinggit ka Semilliano pwede naman tayong dalawa,” singit ni Danial. Natawa kami nila Jakub.

Nasa Computer Lab kami ngayong lima. Kakatapos lang nang klase nang naisipan namin ni Dencio na manatili muna dito ang tatlo para sabihin sa kanila  ang totoong namamagitan sa aming dalawa. Alam kasi namin na kahit anong mangyari susuportahan nila kami.

“Danial sino pala ang babaeng kasama mo last time?” Tanong ko sa kaniya.

Agad namang nag iba ang reaksyon niya. Hindi naman halatang nagulat siya. Hindi niya inaasahan na nakita ko siya nun.

“Ehem!” Parinig ni Jakub. Mukhang may ideya siya doon.

Danial cleared his throat. Halata ding nag-iisip ng reason.

“Saan?” Aniya.

“Sa coffee shop,” sagot ko.

“Wala ‘yun. Kaibigan lang,” tanging sagot niya.

“Wee?” si Jakub.

“Parang kilala ko ‘yun,” kunyaring sabi ni Dencio.

Napakamot ng batok si Danial. Na hotseat agad.

“Ang issue niyo!” Angal niya.

Natatawa kami. “Sus! Kunyari ka pa! Malalaman rin namin ‘yan!” Hinampas siya ni Semi ng Pamaypay nito.

“Bakit selos ka?” Sabat naman sa kaniya ni Danial

“Yan ang hindi mangyayari! Asa ka naman! Ew!” Sukang suka na sabi naman ng kaibigan ko.

Nagdaan ang mga araw na ganun lamang ang naging routine namin ni Dencio. Aral at focus sa relationship namin. Sa bawat araw na nagdaan mas lalo naging matatag ang aming relasyon dalawa. Si Vince nagtatangka pa ring kausapin ako kaso bumabakod agad si Dencio. Pumapagitna agad ako dahil baka mag suntukan na naman silang dalawa.

“Ay salamat! Malapit na ang bakasyon, ano ang plano niyo?”

Nasa Rosales cafe kami ngayon kasama pa rin ang tatlo. Barkada na kami ngayon. You know, I’m so glad dahil ang open minded ng mga kaibigang lalaki namin ngayon.

“Bahay at manuod ng BL ganern!” Sagot ni Semi.

“Baka bold yan?” Asar sa kaniya ni Danial.

“Sapak you want?” Pinakita ni Semi ang kaniyang kamao kay Danial.

Natawa lang kami.

“Join ulit tayo Tournament!” Singit ni Jakub.

Kumislap ang mga mata ni Danial na animoy iyon na ang nakasanayan nilang gawin.

“Meron ba ulit ngayon?” Tanong ni Danial.

“Yup! Mga May ata. I will ask Hendrix again just to clarify it,” sagot ni Jakub.

MAGNIFICENT YOU (GAY Series #3)|️✔Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα