3

12 1 0
                                    

Nagising ako sa malabot na higaan ko dito sa bahay ni Xavier alam kong sya ang naghatid sakin dito pero sino ang nagpalit ng damit ko? Wag mong sabihing sya?

"Gising na po pala kayo"

Si manang yun may dalang tray ng pagkain inilapag nya yun sa may maliit na table sa gilid buti nalang may ininom ako kagabi na iwas hangover kaya hindi ako pinapatay ng sakit ng ulo ko ngayon

"Manang, Ikaw ba ang nagpalit ng damit ko kagabi? ikaw diba?" tanong ko sakanya nangunot naman ang noo nya kaya medyo kinakabahan na ko

"Opo ma'am pero si sir po ang nagbura ng make up nyo" pagkwekwento nya

Nakahinga ako ng maluwag at ngumiti kay manang. Akala ko may ginawa ng mali ang lalaking yun e, pero sya ang nagtanggal ng make up ko? Marunong sya? Malamang kasi sa dami ba naman nyang babae siguradong professional na sya sa pagtatanggal ng make up.

"Did xavier sleep here last night?" I asked

But i felt disappointed when manang shook her head. But why do i feel disappointed? 

"Umalis din po sya agad kagabi, ibinilin ka pa nga po nya samin e"
dagdag ni manang i just rolled my eyes and nod.

Pinaalis ko na si Manang at naligo nalang para mawala sa isip ko ang lalaking yun at sa sinabi nya kagabi. Kalokohan naman kapag sinabi kong nagseselos sya kila Von diba? Playboy sya kaya hinding hindi sya makakaramdam nun baka trip nya lang sabihin yun.

Natapos na kong maligo kaya nagalmusal na ko. Bakit nga ba di sya natutulog dito? May pasabi sabi pa syang nasa kabilang kwarto ang room nya at wag akong papasok dun e hindi naman sya nauwi at sinabi din nyang kailangan nya kong kilalanin pero asan sya? Wala diba? memasaurus sya!

Ano nga bang laman ng kwarto nya bakit ayaw nyang papasukin ako dun? Baka puro malalaswang picture ng babae nya ang andun kaya ayaw nya magpapasok.

"Bat ba ko nagiisip ng kung ano ano sa lalaking yun? Nakakairita sya"

Dumaan ang ilang araw at sa Designer Company na ko pumapasok as CEO may mga empleyado narin dun busy si Xavier ngayon dahil may ibang project pa syang tatapusin may naituro narin naman sya sakin at andito naman ang secretary ko kaya may gagabay din sakin.

"Ms.Castillo,Ire-remind ko lang po yung meeting nyo with Mrs. Holton mamayang 9am sa may Solace Cafe" paalala sakin ni Hannah my secretary nginitian ko sya at bumalik sa pagdra-drawing ng bago kong naisip na wedding gown.

Busy ako sa pagdradrawing nang magring ang phone ko it was Xavier napairap muna ako bago yun sinagot at niloud speaker dahil hinding hindi ko ititigil ng kahit isang segundo sa pagdradrawing para lang sa kanya noh.

"Why?"

"How's work? Is it tough?"

Umiling ako na parang nasa harap ko sya atsaka sumagot

"No but there's too many appointments with my clients. My feet is tired" reklamo ko

He just chuckle.

"You'll get used to it soon"
pagchecheer up nya sakin pero inirapan ko lang ulit yun at nagdrawing nalang

"Sige na, I'm busy kaya"

"Okay, let's eat lunch together! I'll fetch you up" pahabol nya bago inend ang call napatitig naman ako sa phone ko atsaka umiling iling feeling nya boss ko syang dapat laging sundin?

Kainis.

Naglalakad na ko papuntang elevator para sa meeting ko with mrs. holton sya yung client ko na matanda na pero ikakasal ulit sa mas bata sakanya. Minsan natatakot talaga akong maging matandang dalaga pero wala din naman akong matipuhan na lalaki. Wala na kasi ngayong matinong lalaki lahat habol sex (like Xavier).

Chasing Her Donde viven las historias. Descúbrelo ahora