Dapat kasi sa may likod ng bahay gagawin kaso may duyan doon sina Papa na ayaw naman niyang ipatanggal saka may mga tanim din doon si Mama, mas malawak kasi ang space roon kumpara rito sa may gilid ng bahay, pero okay na rin naman, nagawan naman pala ng paraan nila Ate.

"Kanina pa kayo nag gagayak?"

"Hmm." He nodded. "Kanina pa kaming three AM."

"Eh?" Nilibot ko ulit ang tingin. Kaya naman pala halos patapos na. "Marami nga yatang bisita si Ate ah, masyado siyang nag-abala."

Sabay na tiningnan namin si Ate Jess na nakapusod ang buhok at may pencil pa sa may tuktok noon. May hawak itong cellphone at papel. Mukha siyang busy sa pagtingin sa mga design. Nakasuot pa rin ito ng terno niyang pantulog.

"Hmm! Excited 'yan at pupunta ang ibang instructor namin."

Gulat ko siyang nilingon. "Puwede pala 'yon?"

"Oo naman, kung kaclose mo ang mga teachers mo."

"Ahh, puwede pala siya sa college." I yawned.

"Puyat ka?"

"Hmm, late na ako nakatulog kagabi e."

"Bakit?" He looked at me.

Napanguso ako. "May sinundo lang."

Nanliit ang mga mata sa akin ni Kuya Ron at pagkakuwan ay tumawa.

"Babae?"

"Yup!"

Humalakhak kaming dalawa kaya napatingin sa amin si Jess panget na nakakunot na agad ang noo.

"Oh himala at nagising ka?" Aniya nang makalapit sa amin.

"Tsk. Ang panget mo, mahiya ka nga kay Kuya Ron."

Ngumiwi ito sa akin at agad na lumambitin sa leeg ng nobyo. Nandidiri ko siyang tiningnan.

"Babe, I'm so tired.." dinig ko pang bulong nito sa lalaki kaya tumango na ako kay Kuya Ron at umalis sa tabi nila.

Kadiri naman talaga ang kapatid ko. Masyadong pabebe.

Nilibot ko ang tingin at napangiti na lamang. Tumunog ang cellphone ko sa bulsa kaya taka ko iyong kinuha.

Si Gray pala.

"Oh?" Sagot ko sa tawag niya.

"Ano? Pupunta na ba ako?"

"Tsk. Wala pang niluto."

"Gagi! Manunulungan ako!"

Humalakhak ako. "Wag na, ayos na naman pagkagising ko. Pagkain at bisita na lang ang kulang."

"Ganoon ba? Baka naman nag arkila si Tito?"

"Hindi. Sina Ate Jess pala ang nag-ayos. Himala nga at ang sipag."

"Ikaw lang naman ang tamad, Jetty boy!"

Umirap ako. "Isama mo sina Tita ah?"

"Oo, sasama nga sila mamaya."

"Pati si Calli, isama mo."

He cleared his throat. "O-Oo, isasama ko."

Tumawa ako at nailing. "Para naman makilala ng family mo–"

"Tsk. Isama mo rin si Navi." Dinig ko ang pang-aasar nito.

"Sadya kong isasama at niyaya na siya ni Papa noong isang gabi."

"Eh? Talaga ba? Edi boto na pala si Tito niyan."

"Hmm! Ganoon na nga." Nangingiti kong sagot.

"Sinundo mo na naman si Navi kagabi 'no? Kita ko ang story mo sa IG. Siraulo ka talaga!" Natatawang sinabi nito kaya natawa na rin ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maghihintay (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon