"Maeve, paki-handa ang gamot ni Ayama. Maliligo ka ba muna?"

Tumango ako. "Oo, Elyse." sagot ko at pumasok sa banyo. Hinubad ko ang aking saplot sa katawan at binasa iyon. Nakita kong umilaw ang marka, hindi masakit iyon. Tila kumalma ang katawan ko. Nawala ang kanina ko lamang iniisip.

Bumuntong hininga ako at tinapos na ang pagliligo. Nagsuot ako ng uniform at lumabas. Nadatnan ko sina Maeve sa hapag, naghahanda ng mga pagkain. Wala yatang breakfast morning ngayon sa dining hall? Hindi nila kami tinawag eh. May nagbago na talaga. Mas naging mailap ang Hitmiton. Siguro dahil iyon sa paparating na digmaan.

Nagpakawala ako ng hininga. Nilahad sa akin ni Elyse o Elysa ang halamang gamot. Tinanggap ko naman at hinintay na medyo lumipas ang init non. Hindi pa naman kami late, sobrang aga pa para sa unang subject.

Nandun na kaya ang mga mages? Tagal ko nang hindi naaamoy ang Klonarths. Nakakamiss pumasok. Dahil sa nangyari ay nakalimutan ko na ang buhay studyante ko. Pumasok ako dito para mag-aral, hindi ko inaasahan na hahantong ako sa ganito.

Kamusta na kaya si Esmee? Kamusta ang kanyang pag-aaral? Paborito parin ba siya ng lahat?

Pumikit ako. Dahan-dahang inangat ang hawak na baso at ininom iyon lahat. Narinig ko ang singhapan nina Maeve pero sinawalang bahala ko iyon.

Nang maramdaman ang pagdaloy ng gamot sa aking lalamunan may kakaiba akong naramdaman. Parang may enerhiyang pumasok sa loob ko kasabay nun ang pag-ilaw ng marka. Naging kulay pula iyon at nakita nina Maeve.

"Shit! Elyse!" natataranta silang lumapit sa akin. Tinaas nila ang palad ko, sinuri kung anong dahilan bakit naging pula ang marka.

I gulped. Hinayaan ang mga kaibigang suriin ang marka ko. Hindi masakit, naging pula lamang ang kulay. Ano na naman kaya ang ibig sabihin nito?

"I remember what Weston's said..."

Napalingon kami kay Elyse. Namutla bigla ang kanyang mukha. Unti unti niyang inangat ang kanyang tingin hanggang sa dumako ito sa aking mga mata. She looked at me, directly into my eyes. Naramdaman ko ang init ng aking mga mata, nakita ko ang mata ko sa kanyang dalang mata, nagkagulo ang tubig sa aking dalawang mata.

"This is not good!"

"The elders are here! They're coming here!"

"Stay calm, Maeve. Hintayin natin ang mga mages! Sigurado akong papunta na iyon dito! Imposibleng hindi nila mararamdaman ito!" bakas ang takot sa boses ni Elyse. She held my both hands, sinara niya iyon at tumayo.

"Stay in your room, Ayama. Hindi ka maaamoy ng mga elders dahil sa halamang gamot. Kaya naging pula ang marka dahil naramdaman nila ang presensya ng sanggol. We can't hide your child from them! The child is so strong, hindi kaya ng halaman ang kapangyarihan ng marka. Hindi nito kayang lamangan!"

Muli na namang nanumbalik ang kaba sa aking dibdib. Kinuyom ko ang aking kamao. Hindi alam ang gagawin. They can't sense my power but they can see my mark! They knew.

"Hide her, Maeve, ako na bahala sa mga paparating na—" Elyse didn't finish her words nang biglang bumukas ang aming pintuan at isang malakas na hangin ang pumasok sa loob ng kuwarto.

Rinig ko ang malakas na mura ni Elsye. Kitang-kita ko ang takot at kaba sa kanyang mga mata. Muli ay binalik niya sa akin ang tingin. I saw her eyes change a bit. From black to yellow.

"Hindi ka pa puwedeng lumaban, Ayama. I'm sorry. You need to hide habang hindi pa naaayon ang oras. You need your child to defeat them,"

"Maeve, I trust you. Take her out of this room and call Ferron! We don't have much time left! Go!"

Nanginginig ang kamay ko. Pilit inaabot ang kamay ni Elyse but she didn't let me.

"Y-You can't do this, Elyse! I won't let you!" unti-unti nang naging totoo ang mga panaginip ko. Ngayon nasaksihan ko na.

Elyse smiled at me kasabay non ang pagpatak ng kanyang mga luha sa pisnge. "I'm sorry, Ayama. Ginawa ko ang lahat para protektahan ka, ngayon...huli na ito—" she walked out.

"N-No! Maeve, stop her! She will die there! Hindi niya kaya ang mga elders! Maeve!"

Parang walang nariring si Maeve. Umiling-iling siya. Hinawakan niya ako at ginamit niya ang kanyang kapangyarihan para makalabas sa aming kuwarto. I heard everyone screams. Takot na takot ang mga iyon, sinasabayan pa ng langit ang takot ng lahat.

I cried. Nagsipatakan din ang ulan na ngayo'y sumasabay sa sigawan ng lahat.

"Hindi mo kasalanan, Ayama. Ito ang gustong mangyari ng propesiya."

***
Don't forget to vote and leave a reaction. Thank you!

Sorry for the long wait, bbies. Naging busy kasi ako dahil sa school. I'll try na mag-update kapag hindi na busy.

Again, hanggang chapter 20 lang po ito. Don't expect for part two dahil hindi ko na po siya gagawin. Keep safe everyone and stay healthy! Don't let yourself be dehydrated lalong-lalo na ngayon na hindi maganda ang panahon. If may concerns man kayo sa story ko don't hesitate to send me a message.

Hitmiton Academy: The Last GirlWhere stories live. Discover now