Kabanata 21

341 10 0
                                    

See you again


Grabe ang landi naman niya! Damn her to death!..

Paniguradong inakit niya lang si Luther!..

Idol pa naman kita :(

Yeah, looks can be deceiving... go to hell!

Paalisin na 'yan sa Eastrad!...

Kawawa naman si Vann at Luther. She's a slut!

Bitch! Ok lang, hindi naman kayo bagay ni Vann kahit ni Luther!..


Muli ay tumulo ang luha ko sa bagong mga messages na natanggap ko sa facebook. Agad akong nag-out ng may dumating nanamang bago. Puro ganun lahat. Kahit saan, mga personal accounts ko at pages ng Eastrad.. ganun lahat. Pinunas ko ang luha at napatitig sa pintuan ng kwarto ko. Ilang araw na kong hindi lumalabas miski pumasok ay kinatatakutan ko na kung hindi lamang ako hinahatid ni mama sa school ay hindi talaga ako papasok. Nalaman niya kasing hindi ako pumasok ng dalawang linggo kaya't pinatawag siya ng teachers ko. She got mad kaya grounded ako.


"Bahay at school lang, Caeslei Rehm!"

"Ma!"

"Anong ma, ma. At iyang pagsasayaw mo! Stop that nonsense! Nangako ka samin ng papa mo. Anong nangyari. Ano, Caeslei Rehm!"

"Ma.." humihikbi kong sabi.

"Puro ma nalang? Tigilan mo ako. Ako ang masusunod ngayon! Malalaman ito ng papa mo, at sisiguraduhin kong hindi na siya papayag diyan sa kalokohan mo na magsayaw!"


Very depressive. Hindi ko na alam kung paano pa ako haharap sa isang araw. Lahat sila ay nahusgahan na ang pagkatao ko. May mga lumabas na rin kasing pictures, 'yung mga time na kami lang ni Luther ang magkasama habang kami ni Vann. Magaling ang mga kuha dahil kung hindi mo talaga alam ay maghihinala ka sa mga litrato. Pansamantalang dene-activate ang mga page dahil puro pamba-bash na ang nandoon.


Kahit saan ay wala akong takas sa mga matang mapanghusga. Pero isa lang ang pinaghuhugutan ko ngayon. Si Vann. Patuloy pa rin kami, walang nagbabago at hindi niya pinaparamdam na katulad ako ng mga sinasabi ng mga tao. Pero mas naging mahirap ngayon dahil sa tuwing may makakakita samin ay kung ano-ano ang sinasabi nila. Kahit nandyan siya ay hindi ko maiwasang masaktan, lalo pa't nadadamay na lahat. Pati ang mga miyembro na ipinagtatanggol ako ay naba-bashed na rin.


Si Luther naman ay saglit na nawala pero pagbalik niya patuloy pa rin siya sa pang-gugulo. Kaya minsan naiisip kong umalis nalang pero pinipigilan nila akong lahat. They make me feel that I'm a real princess, hindi nila ako pinapabayaan. Dahil si Dwane lang ang kasama ko sa campus ay siya ang kasabay ko sa lunch at kasama ko palagi. And that made another story. Nakakabagsak ng pagkatao ang mga paratang nila. Tila wala na kong lugar para magpaliwanag.


Narinig ko ang cellphone ko na nagri-ring kaya agad kong inayos ang sarili. Si Shon ang tumatawag, roaming nanaman ang gamit. Simula ng pumutok ang issue lagi niya na akong tinatawagan, mapa-umaga doon o gabi at sobrang nagpapasalamat ako sa kanya. Sinagot ko iyon.


[Caes!]

Nabahala ako sa boses niya dahil halatang natataranta iyon at mababahiran ng hindi magandang balita.

[Nakita mo na?]

Kahit kinakabahan ay pinanatili kong natural ang boses ko. "Ang alin?"

[I knew it! Magbukas ka ng instagram. Tignan mo 'yung pinost ni Vann, dali! Oh my gosh.. this can't be!]

Nanginig ang kamay ko pagkarinig ko palang sa pangalan ni Vann. We didn't seeing each other for two weeks dahil busy siya sa finals nila. Nasa isang tenga ko pa rin ang cellphone habang nagla-log in. Nanlaki ang mata ko at bumagsak nalang ang mga naipong luha. Bumungad ang isang picture. It was Eastrad, kumpleto kami at masaya. And the caption was..


SEE YOU ALL AGAIN.


[Caes..] mahina ang boses ni Shon pero parang nabibingi ako. [Can you talk to him? Please, I know what he's up to.]

"Shon.." kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang paghagulgol.

[Caes. Please, ikaw lang ang inaasahan ko. Please. Nag-give up ako para sa grupo, Caes. Please..] umiiyak na ring sabi niya.

"I don't know what to do. Ako ang may kasalanan nito!"

[Don't say that. Kailangan mo lang siyang kausapin ngayon. Please do everyting, Caes.]

"Susubukan ko."

[Salamat. Are you ok?]

"Oo.."


Pagkatapos ng ilang oras na pag-uusap ay ibinaba na niya ang linya. Agad akong tumipa upang tawagan si Vann. Agad niya iyong sinagot.


"Please—

[Buo na ang pasya ko, Rehm. I'm quiting. Hindi ko na matatagalan ang nangyayari samin ni Luther.]

"I'm sorry.."

[No, baby. It's not your fault and will never be. Ako ang pumili nito, so don't be.]


"Please, 'wag ka na umalis. Ako nalang. Payagan mo na ko." hindi ko na napigilan pa kaya humikbi na ko.

[Sshh. Kapag hindi ka tumigil, pupuntahan kita diyan at papatahanin. Wala na kong paki kung magagalit ang mama mo basta 'wag ka lang umiyak.]

"Vann.. please be serious."

[I'm serious. I can lose anything, but not you. I can't lose my everything..]


Natunaw ako sa sinabi niya at lalo akong napaiyak. Pinapatahan niya ko pero ayaw pa rin tumigil kaya binabantaan niya pa ako na pupunta talaga siya dito. Pinagaan niya ang nararamdaman ko sa mga sinasabi niya. Tila gusto ko nalang mabuhay sa ganoon.


[I'm serious about the marriage, Rehm. Kung pwede nga lang ay bukas na gagawin ko kahit hindi ka pa pumayag. Pero kailangan ko munang hingin sa parents mo ang mga kamay mo.]


At doon ay may pinal akong napag-desisyunan. Kung siya ay kayang i-give up ang mga bagay na matagal niya ng pinaghirapan ay dapat matapang ko ring harapin ang bagay na kahit may hindi matutuwa at sasang-ayon ay panindigan ko pa rin.


"Ipapakilala na kita.."

A moment of silence. [B-baby.. hindi kita mina—

"Ipapakilala kita. At ako ang pumili nito."

[But if—

"Vann please. Just trust me, alright?"

[I will always trust you.]

"Thank you."

[Always remember this. No one can break us, ok? Hindi ko hahayang masira tayo. Ganun kita kamahal. Please be mine always.]

Napatawa ako. "I'm yours."


[I love you..]


Napatigil ako. Minsan niya lang sabihin 'yan dahil kapag daw palaging sinasabi nawawalan ng sense kaya ngayon ay ang lakas-lakas ng impact sakin. Kaya ko na atang mabuhay kahit iyon lang ang maririnig ko sa buong buhay ko. I will trust him, we will make this. Me and him. Hindi ko siya bibitawan kahit lahat ng planeta tutol samin. He is the one I wanted. I promise that.


"I love you too."

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon