Kabanata 7

560 16 6
                                    

Innocent


Kahit naiilang ay nagpatuloy kami. Ilang hiyawan ang narinig ko ng sinabi niya iyon kanina. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar, ang sarap magtago! Nakakainis, ano bang sira ng tuktok niya at nagpapakilig siya ng ganun? Hindi manlang ako binigyan ng time para mag-ready?!

"So, after tomorrow ay magpapasukat na tayo para sa damit natin. Sakin niyo na ibigay ang bayad kung ayaw niyong 'wag masuklian ng mga hudas dito." sabay tingin sa parte nila Dwane na agad umapela.


"Grabe, Luther. Ginastos naman natin 'yun sa kakainin natin pagtapos natin.."


Tumaas ang kilay ni Luther. "Masyado kang guilty."


Tumawa si Kirt. "Ayan, explain pa more!"


"Isa ka pa. 500 sa'yo." Seryosong sabat ni Clae. "Ang laki-laki mong tao. Ang hirap maghanap ng sapatos sa'yo! Imbis na whole sale nalang tayo sa divisoria, nagpapasadya pa kami para sa'yo!"


Nagmaktol si Kirt. "Eh, sa kanila magkano?"


"200." walang halong biro ni Luther.


Nanlaki ang mga mata ni Kirt. "Edi dapat mga 250 o 300 lang ang sakin. Grabe naman 'yung 500! Fruta!"

Napapatawa nalang ako sa mga kakulitan nila. Wala talagang araw na hindi nila pinagti-tripan si Kirt. Napagpasyahan naming umuwi na.


"Hatid kita a?"


"A-h. Hindi na, kaya ko naman."

Ngumuso siya. "Please.."


Pumikit ako saglit. Iyan naman ang hindi ko kaya. Kaya wala akong nagawa kundi ang umoo siya naman ay parang bata na tuwang-tuwa. Buti nalang hapon palang kaya siguradong nasa school pa rin sila mama. Ngunit nagulat kami ng may naghihintay samin sa may kanto. Hindi ko siya kilala at ngayon ko lang rin siya nakita. Nakita ko ring ibang uniform ang suot niya, 'yung isang school na malapit lang din samin. Nagulat ako nang mapatigil si Luther sa paglalakad kaya't naiwan namin siya. Nilingon ko ang babae at nakita kong humahakbang na siya papalapit samin. Sosyal ang pagkakabitbit nito sa bag na halata mong may tatak din.


Nang makalapit ay lumapit siya kay Luther na kunot ang noo. "Long time no see, Lutz"


Lutz? As in Latz? Iyon ba ang palayaw ni Luther? Sino kaya ito?...

Tumitig lang si Luther sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" I saw his jaw tightened.


Naramdaman ko nalang ang kamay ni Vann sa balikat ko at inaaya akong maglakad na. Napahiya naman ako doon. Nakita ko ring nauuna na sina Kirt at parang wala lang sa kanilang may maiwan. Narinig ko ang hagikhik niya sa tabi ko ngunit mas maliwanag ang sinabi ng babae bago kami makalayo.


"Wow, that's so warm welcoming, honey."


Hindi ko na narinig kung anong sinagot ni Luther. So, girlfriend niya iyon? May girlfriend pala siya. I suddenly felt the curiosity, ang alam ko kasi ay bawal silang mag-girlfriend, para daw hindi sila ma-distract at hindi mamatay ang mga fangirls nila. It's unfair for me, paano kung may mahal na sila hindi pa rin pwede?

Just A ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon