Chapter 16

12 8 2
                                    

PAGKAHATID sakin ni lanz ay nagpaalam nadin siyang umuwi dederetyo nga daw siya sa opisina dahil may importanteng meeting daw sila.
Lumapit naman sakin si mama at kinakantyawan ako,napapangiti nalang ako sa mga sinasabi niya.

"Luna nandito kana pala,kumusta ang pakiramdam mo tanong ni kuya ziggy habang papalapit saamin ni mama.

" Okay na ako kaya ko naman na baka bukas papasok na rin ako sa trabaho sagot ko sa kanya at tila hindi nama sila sang ayon sa sinabi ko.

"Luna diba dapat magpahinga ka muna baka pinapagod mo ang sarili mo kaya nangyari sayo yun.anak mag ingat ka naman,pag aalalang sambit ni mama.

Hindi na nga ako umimik at iniwan ko na sila sa sala medyo inaantok narin ako kaya nagtungo na ako sa kwarto ko.
pagpasok ko ay naupo muna ako at nag iisip isip.

Bakit kaya ako pa ang napili niyang mahalin,samantalang madami naman diyang iba,bakit ako pa alam, naman niyang masasaktan ko lang siya,ayaw ko siyang mahalin dahil sa nakakaramdan ako ng awa sa kanya.pero gustong buksan ang puso ko para sa kanya.

Uminom na nga ako ng gamot at saka nahiga na ako dahil medyo pumipitik pitik na naman ang ulo ko kaya minabuti ko nalang na itulog nalang ang lahat nga iniisip ko.

𝑰𝒏 𝒕𝒉𝒆 𝒎𝒐𝒓𝒏𝒊𝒏𝒈...

Naligo na ako at mabilis na nagbihis,nilinis ko nga lang konti ang sugat sa noo ko at nilagyan ng band aid,saka na ako bumaba,kakain panga sana ako ng umagahan pero hindi na lang dahil nga may kalayuan ang building ng mga montenegro.Nagpaalam na nga ako kina mama at nagmadaling lumabas buti nga at my trycycle agad na naka abang kaya nakasakay naman ako kaagad.

PAGKARATING ko nga doon agad na akong pumasok at pansin ko na nagtitinginan ang mga tao roon sakin.
hindi ko nga alam kung ano na naman ang issue na nalaman nila tungkol sakin hinayaan ko na nga lang iyon at saka nagtungo sa office ni cedrix.

"Goodmorning sir sorry I'm late,bati ko sa kanya at nakayuko akong dumeretyo sa table ko.

Hindi nga siya umiimik at busy lang sa pagtatype sa laptop niya,hindi ko na siya inistorbo at baka makulitan siya sakin ay baka masigawan pa niya ako.Pero paano nga ako makaka pag start kung wala naman siyang pinapagawa sakin ni hindi nga rin siya nag uutos.

" Guyz I'm back,sabi ko sa gc namin nina ram at sabay send ng selfie.

tuwang tuwa naman sila dahil buti nga ay nakabalik nadaw ako.
Muntik ko na ngang nahulog ang selpon ko ng pumasok si erica na agad lumapit kay lanz.hinalikan niya ito sa pisngi at saka naupo sa lamesa sa harapan ni cedrix.

"Hey, get me some coffee right now, hurry up, she ordered while sitting at the table in front of cedrix.

Tila wala ring paki alam si cedrix dahil tila busy parin siya sa kanyang ginagawa pati si erica na nagpapapansin sa kaya ay binabalewala niya.

Lumabas na nga ako at kumuha ng kape,pagkatapos ay bumalik na ako at tyaka ibinigay iyon kay erica.

" Aray ang init nito,arteng sigaw niya,
At bigla nalang niya iyos itinapon sakin buti nga ay naka ilag ako pero ramdam ko ang mainit na tubig na tumama sa braso ko.

"Aray sigaw ko na agad namang lumapit si cedrix sakin at tinignan ang braso ko.

"Erica why did you do that?hindi ka ba nag iisip alam mo namang mainit yun,sigaw ni cedrix sa kanya.

" Erica sumosobra kana wala naman akong ginagawa sayo pero bakit galit na galit ka sakin sigaw ko rin sa kanya.

"Because I don't like you,and i hate you,nag iinarteng sagot niya.

" Alam mo lumayas ka nalang dito at wag ka nang babalik kung mag gugulo kalang naman.you have no right to hurt my staff here kahit sino sa kanila,galit na sabi ni cedrix kay erica at saka niya ito kinaladkad palabas.

The Two Brothers are My Lovers[𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎1]𝙘𝙤𝙢𝙥𝙡𝙚𝙩𝙚𝙙Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz