Chapter 12

13 7 1
                                    

LUNA'S POV...
••••••••••••••••••

Habang natutulog ako ay naramdaman ko ang liwanag mula sa bintana na siyang gumising sakin mula sa pagkakatulog,late na pala akong gumising buti nalang at sabado ngayon kahit magdamag pa akong matulog,bumangon nga ako at naupo saglit ng biglang mag ring ang cellphone ko tinignan ko kaagad sino ang tumatawag si ram lang pala.

"Girl nakapag ayos kana ba?susunduin ka namin jan otw na kami sabi sa kabilang linya.

Naalala ko nga pala na may lakad kami gusto daw kasi nilang mag swimming kaya diko alam kung san kami pupunta,dahil nga susunduin nila ako rito sa bahay ay nagmadali narin akong naligo at nagbihis,nagdala rin ako ng konting damit at saka na ako bumaba,nagtungo nga ako sa kusina para magpaalam kina mama at papa na busy sa paghigop ng kape.

"Hindi kaba uuwi?baka ilang araw na naman kayo dun ah sambit ni mama,at nagpaliwang naman ako sa kanya,buti nalang at pumayag din sila.
Paglabas ko nga ay saktong dumating naman na sina ram,nagpaalam na ako kina mama at sumakay na pagkasakay ko ay agad kong napansin si lanz na siyang nagmamaneho niyaya pala nilang sumama ito.
Tumingin ako agad kina ram at pinag taasan ko ng kilay tyaka ko sininyasan kung bakit meron siya,nagtititigan nga lang kami ni ram na tila nag uusap ang mga mata,dahil nandyan naman na siya ay hinayaan ko nalang sabagay mas masaya naman pag maraming kasama.

Dahil nakatulog nga ako hindi ko namalayan na nakarating na pala kami,naramdaman ko ngang ginigising ako ni mikay.
Paglabas ko ay diko alam kung nasang lugar kami pero namamangha ang mga mata ko dahil sa ganda ng resort na ito,pagkatapos namin magbayad ng entrance fee ay nagsitakbuhan na kaming parang bata papunta sa loob,kahit saan ka nga tumingin ay talagang mamamangha ka sa sobrang ganda.

Nagtungo nga kami sa isang cottage kumpleto na iyon, pwede kana rin kumanta dahil may karaoke naman,sumunod naman kaming pumunta sa pinaka main house ng resort para mag book ng kwartong matutulugan namin mamayang gabi.

Bumalik na kami sa cottage at nag ayos ng mga gamit,inayos narin namin ang mga pagkain na dala ni ram,dahil nga parang kulang samin yun ay mag oorder nalang sana kami ng may dumating na tatlong lalaki na may dalang mga pagkain si kelvin nga yung isa,medyo nakaramdam ako ng kaba ng makita ko si kelvin baka kasi kasama niya si cedrix mag bestfriend kasi silang dalawa ni cedrix,pero nakahinga naman ako ng wala naman akong makita na cedrix.
dahil tanghali naman kami nakarating ay kakain na muna kami,habang kumakain nga kami ay pinakilala nga ni mikay ang dalawang lalaki na manliligaw pala niya at manliligaw din ni haidi yung isa,okay nga lang daw yun kay kelvin dahil tropa naman daw niya ang lalaki na yun.

Nakaramdam naman ng inggit si ram dahil bakit daw hindi sila nagsabi na magdala ng partner,tinawanan na nga lang namin siya,pagkatapos nga namin kumain ay sinimulan na ni ram kumanta hindi pa nga siya nakuntento at nagpa order na nga siya ng alak,pinigilan ko nga siya na wag muna uminom dahil medyo maaga pa naman pero mas maganda daw kumanta pag nakainom mawawala daw ang hiya,kaya hinayaan ko nalang bahala siya.

Pinipilit ako ni ram na uminom ng alak pero tinatanggihan ko wala kasi talaga ako sa mood uminom ngayon,pero dahil lagi naman ako sinasamahan ni ram kapag niyayaya ko siyang uminom pinagbigyan ko na siya kahit ayaw ko sana ay hindi na ako nakatanggi sa kanya.

"So kelvin bakit wala kang dalang babae,pabirong tanong ko sa kanya.

"Why would I bring another girl when sam is there seryosong sagot niya sakin na ipinagtaka ko naman.

Napatingin nalang ako kay sam dahil sa sinabi ni kelvin,napa ngiti naman sina mikay sakin,parang may alam sila na hindi ko alam.

"B-Bakit ganyan kayo makatingin saakin?mayroon ba kayong tinatago na hindi ko alam?-nauutal kong sabi.

The Two Brothers are My Lovers[𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎1]𝙘𝙤𝙢𝙥𝙡𝙚𝙩𝙚𝙙Where stories live. Discover now