Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

Start from the beginning
                                    

Nang makarating sa bus stop ay agad siyang napaupo sa isang bakante at mahabang upuan. Mag-isa man at gabi na, walang pakialam rito si Jojo. Tila ba napakalalim ng iniisip niya, nakatitig lamang siya sa kawalan, ni hindi na niya napapansin ang bawat bus na humihinto sa harapan niya.

"Walang tigil ang gulo sa aking pag-iisip

Mula ng tayo'y nagpasyang maghiwalay

Nagpaalam pagkat di' tayo bagay

Nakapagtataka"

Napukaw ang atensyon ni Jojo nang may marinig siyang kumakanta malapit sa kanya. Agad siyang napatingin sa kanyang tabi at nagulat siya nang makita ang isang dalagang tila ba kaedad lamang niya. Deretso lamang ito ng tingin sa kalsadang nasa harapan nila, may suot itong glasses at earphone. Napapasabay na pala siya sa pagkanta sa musikang pinapakinggan lamang niya. Wala siyang kamalay-malay na nalalakasan na pala niya ang boses niya.

"Kung bakit ganito ang aking kapalaran,

Di ba ilang ulit ka ng nagpaalam

Bawat paalam, ay puno ng iyakan

Nakapagtataka, nakapagtataka"

Pagpapatuloy pa ng dalaga sa pagkanta, natigil lamang siya nang bigla na lamang siyang sinabayan ni Jojo.

"Hindi ka ba napapagod

O di kaya'y nagsasawa

Sa ating mga tampuhang,

Walang hanggang katapusan

Napahid na'ng mga luha

Damdamin at puso'y tigang

Wala ng maibubuga

Wala na akong maramdaman!"

Bigay todo at Hugot kung hugot si Jojo sa pagkanta kahit pa nakatingin lamang siya sa kawalan. Wala siyang pakialam kahit pa nasisintunado na siya sa lakas ng boses niya, napapahawak pa siya sa dibdib niya at maya't-mayang napapapikit.

Nagtaka si Jojo nang hindi na ulit kumanta ang babae kaya naman agad siyang napatingin dito.

"Nakalimutan mo ang lyrics no?" Walang emosyong tanong ni Jojo.

"Ba't mo ako sinasabayan? Ano 'to, high school musical?" Sarcastikong sambit ng babae at tinaasan pa ng kilay si Jojo.

Biglang huminto ang isang bus sa harapan nila kaya naman agad na kinuha ng dalaga ang kanyang backpack. Sasakay na sana siya nang bigla na lamang siyang mabangga ng isang pasaherong bumababa dahilan para malaglag ang salamin ng dalaga at mahirapan itong makakita.

"Sorry." Sabi ng nakabangga sa dalaga pero ni hindi man lamang ito nang hindi tunutulungan ang dalagang ngayo'y nakaupo na sa sahig habang hinahanap ang salamin niya.

"Yan ang taray mo kasi girl labo." Napangisi na lamang si Jojo at inunahan pa ang dalagang sumakay ng bus.

Maghahanap na sana si Jojo ng mauupuan nang mapansin niyang tila ba napakasama ng tingin sa kanya ng driver at pati narin ng iilang pasahero sa loob.

"Wala akong hinihipuan! 'Wag kayong ganyan!" Bulalas ni Jojo.

"Hindi mo man lang ba siya tutulungan?" Sarkastikong sambit ng driver saka itinuro ang dalagang nakaupo parin sa sahig habang kinakapa-kapa ang sahig para sa kanyang salamin.

Napabuntong-hininga na lamang si Jojo at muling bumaba. Wala siyang magawa kundi iabot na lamang ang kamay sa dalaga upang matulungan itong tumayo.

"Tumayo ka na. Ako nalang ang maghahanap." Nakangiwing sambit ni Jojo kaya napabuntong-hininga na lamang ang babae. Nahihirapan itong tumayo lalo na't napakalabo ng kanyang paningin kaya wala itong magawa kundi abutin na lamang pabalik ang kamay ni Jojo habang nakatingin parin sa sahig ngunit sa hindi inaasahan, hindi ang kamay ni Jojo ang naabot ng dalaga—aksidenteng tumama ang kamay ng dalaga sa mismong gitna ng hita ni Jojo.

"Oh my God! Sorry!" Agad na napatili ang dalaga nang mapagtanto ang kamalian at dali-dali niyang inilayo ang kamay mula dito.

"Shit." Nanlaki ang mga mata ni Jojo sa gulat ngunit hindi nito maiwasang mapangisi, "Bilog nga ang mundo! Pagkakataon ko na to, ako na ngayon ang biktima!" Mangha nitong sambit.

"Manyak! Rape! Tulong!" Sumigaw ng pagkalakas-lakas si Jojo kaya naman agad na napatili ang dalagang nakaupo parin sa sahig.

END OF SPECIAL CHAPTER #2

Note: Hope u guys like this special chapter. Hahahaha.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT

g�p3��

Never Cry MurderWhere stories live. Discover now