Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

Start from the beginning
                                    

Sadyang hindi nagsasalita si Jojo kaya naman kapwa na lamang napatingin ang naguguluhang sina Sisa at Ponzi sa TV.

"Maria Ozawa will be on a horror film with Robin Padilla?" Kunot-noong sambit ni Sisa matapos basahin ang nakalagay sa headline ng balitang pinapanood na ni Jojo.

Bigla na lamang tumawa si Ponzi, "'Nilalang' ang title? Jojo di kaya ikaw ang nilalang na tinutukoy? Masamang nilalang!" Pang-aasar nito kaya maging si Sisa na ngayo'y tawa na ng tawa ay agad nakipag-high five sa kanya.

"At sa karagdagang balita; Ayon mismo sa Japanese celebrity na si Maria Ozawa, bukas siyang makipag-date kay P-Noy."

Napasinghap si Sisa dahil sa narinig mula sa telebisyon at magkasabay silang napatingin ni Ponzi kay Jojo na animo'y pinagsakluban na ng langit at lupa dahil sa narinig.

"Baby, wag kang titingin kay lord of the rings." Bulong ni Ponzi habang tinatakpan ang kaliwang tenga ng sanggol na karga niya. Dali-dali namang lumapit si Sisa para takpan ang kanang tenga nito.

"Putanginangpanotkanghaliparot!" Umalingawngaw ang napakalakas na danguyngoy ni Jojo at bigla na lamang naglupasay at nagpagulong-gulong sa sahig habang hawak-hawak ang kanyang puso.

"Tone-toneladang sperm cell ang sinayang ko sayo pero ipagpapalit mo lang ako sa isang naglalakad na bayag?!" Pagwawala pa ni Jojo.

"What the fuck bruh! Calm down! Baka makasuhan tayo ng wala sa oras dahil sa pinagsasabi mo!" Bulyaw ni Sisa at lalapitan sana ito pero bigla na lamang tumayo si Jojo at nagtatakbo papunta sa banyo.

"Ponzi sigurado ka bang nasa katinuan pa 'yon?" Napatingin ang naguguluhang si Sisa kay Ponzi na tawa lang ng tawa. Naghintay si Sisa ng sagot pero tawa parin ng tawa si Ponzi kaya inirapan na lamang niya ito. Susundan sana niya ang umiiyak na si Jojo pero bigla na lamang itong bumalik dala ang isang maliit na blade.

"Teka sandali!" Agad na natigil sa pagtawa si Ponzi nang mapagtantong blade ang hawak ng binata, "Jojo madami pang babae! 'Wag kang magpapakamatay!" Giit ng natataranta nang si Ponzi.

"Don't be stupid! Madami pang pornstar sa mundo!" Giit naman ni Sisa.

Umiling-iling ang umiiyak na si Jojo at itinaas ang hawak na blade at itinutok sa ulo niya, "Hindi ako magpapakamatay! Kakalbuhin ko lang ang sarili ko! Gusto niya ng panot?! Sige! Panot na kung panot!" Lumingon si Jojo sa tv, "Humanda ka Pnoy! Mas pogi ako sayo!" Sigaw pa nito.

Sa isang iglap ay kapwa nagtawanan sina Sisa at Ponzi. Sa sobrang pagtawa ay halos naiiyak na ang mga ito.

"Oh my God, I need to film this." Sambit ni Sisa sa pagitan ng bawat tawa niya.

"Magiging hit to sa youtube! Sige Jo, simulan mo nang kalbuhin ang sarili mo gamit ang blade!" Biro naman ni Ponzi na halos mamula na kakatawa.

Napaungol ng napakalakas ang umiiyak na si Jojo at muling naglupasay sa sahig. Dumapa siya at paulit-ulit na pinaghahampas ang mga kamay at paa sa sahig kaya muling nagkatinginan sina Ponzi at Sisa.

"Mukhang pagod na si Twinkle, patulugin na natin siya sa taas." Yaya ni Ponzi.

"Tara, tatapusin ko rin homeworks ko." Sabi pa ni Sisa at hinalikan sa pisngi ang sanggol na karga ni Ponzi.

"Teka iiwan niyo ako dito? Di niyo ako dadamayan?!" Inis na sambit ni Jojo.

"Da-downloadan nalang kita ng porn." Biro na lamang ni Ponzi.

"Thanks for cleaning the floor bruh!" Biro pa ni Sisa.

***

"Ano bang meron siya na wala ako? May buhok naman ako, mas bata, mas pogi, oo nga hindi ako president ng bansa pero presidente naman ako ng hentai club." Paghihimutok ni Jojo habang sinisipa ang lata sa tuwing humahakbang siya.

Never Cry MurderWhere stories live. Discover now