Ghost no.26

10.2K 327 33
                                    

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

He's a GHOST 

By: LalaLove_00

 

** Ghost 26

 

[ PATRICK'S POINT OF VIEW ]

"Doctor how's my daughter? Is she suffering from a disease? What happened to her? Is she gonna be alright? Please answer me doctor!" kanina pa iyak ng iyak yung Mama ni Channa.

Nandito na si Channa sa kwarto niya. Buti na lang dumating agad si Vest. Nag-alala daw siya kay Channa dahil bigla na lang itong nawala sa party. Nung makita niyang buhat-buhat ko si Channa, tinawagan agad nila ang parents nila at yung family doctor nila.

Nilapitan naman nung matandang lalaki, na papa ata ni Channa, yung asawa niya. "Calm down.. Walang magagwa kung iiyak ka dyan.."

"Dont worry Madam. Mataas lang po ang lagnat ng anak niyo. Basang-basa pa siya kanina kaya lalong lumala ang lagnat niya. She just needs to rest and drink the medicines I gave you."

"Thank you doctor. Ihahatid ko na kayo palabas." lumabas na ng kwarto yung Papa ni Channa at yung doctor. Naiwan si Vest - na nakatingin lang kay Channa- at yung Mama nila na nakahawak sa kamay ni Channa. Habang si Channa. Natutulog.

"Ma.." lumapit si Vest sa Mama niya at hinawakan ito sa balikat. "Wag na kayo masyadong mag-alala kay Channa. You heard what the doctor said. She'll be fine. Konting pahinga lang ang kailangan niya."

"I hope so Silvester but I'm still worried. Bukas aalis na ulit kami ng Papa mo para ayusin ang business natin sa ibang bansa. " Ohh~ So aalis na pala ulit sila at maiiwan ulit sina Channa dito. "I wanted to stay longer at alagaan ang kapatid mo."

"I know Ma. Dont stress your self to much. I'll take care of my sister." napatingin kaming tatlo sa pinto ng bumukas iyon at muling pumasok si Mr.Sarino.

"Let's all get to sleep at hayaan na nating magpahinga si Channa jan. I know pagod na rin kayo sa party kaya mabuti pa matulog na rin tayo."

"Sige Pa.. I'll stay here just a little longer then matutulog na din po ako."

"Oh sige." they both kiss Channa in the forehead before they leave the room.

Nang sumara na ang pinto, saka naman tumingin sakin si Vest.

"I dont know what to say Tricks... Thank you for saving Channa. Baka kung ano ng nangyari sa kanya kung wala ka."

"Nah~ Ayos lang yun..."

"Hmm.. wala bang nasabi si Channa sayo kung anong nangyari sa kanya at bigla siyang umuwi galing sa party? Tapos basang-basa pa siya samantalang di naman umulan."

"Ahmmm.." sasabihin ko ba? "I think she's the one you should be asking... I'm not in the position to answer your questions."

He's a GHOST [COMPLETED] - EpilogueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon