Ghost no.4.2

11.4K 305 27
                                    

** Ghost 4.2

"Gusto mo bang makakita ng multo??"

HUWAAT?!! Ano ba! Tinatanong pa ba yan?!

Kelangan pa bang imemorize yan?! Syempre !!!!!

"Err ... Ayoko po." tumawa naman si Sir Gray. Shocks! Totoo ata yung usap-usapan na nakakakita siya ng ghost pero .... sa tingin ko parang totoo rin yung tsismis na baliw na siya =_=

"I knew you would say that. Bakit naman?"

"Actually sir hindi po ako naniniwala sa mga multo--"

"That's good! Gusto mo bang buksan natin yung third eye mo para makakita ka ng multo? That would be fun!" FUN?! Anong masaya sa pag-kakaroon ng third eye at makakita ng mga white lady, multong pugot ang ulo o kaya naman yung mga multong puro dugo yung suot! Anong fun doon?!

"Eh S-sir ... Wag na lang po. Hayaan na lang po nating dalawang mata lang ang gamit ko at patulugin ang third eye ko hanggang sa mamatay ako."

"haist .. ganun ba? Sayang naman. Hihingi pa naman sana ako ng tulong sayo..." biglang tumingin si SIr sa likod ko kung nasaan yung tinted na bintana. Dahil tsismosa ako-- este curious pala. Lumingon din ako...

And guess what! Si Gwapings yung nakatingin samin. Teka.... pano nya kami makikita eh tinted nga yung salamin.. Kapag nasa labas ka ng faculty room hindi mo makikita yung nasa loob pero pag nasa loob ka, makikita mo yung nasa labas. Magkasalubong yung kilay niya habang nakatingin kay ........ Sir??? tapos nun bigla na lang siyang umalis.

"Tsk.tsk. Pasaway talaga ang lalaking yun."

"Kilala niyo po yun??"

"Sino?"

"Yung pogi pong lalaki kanina sa labas.."

Bigla namang nanlaki yung mata ni Sir. "NAKIKITA MO SIYA?!!!"

Napatakip naman ako sa tenga ko. "Sir. Eardrums ko. Baka mabasag.. Chillax lang Sir. Syempre nakikita ko siya. May mata po ako eh. Hehe.. tsaka nakikita ko naman po lahat ng estudyante sa labas eh."

Natigilan siya saglit tapos bigla siyang ngumiti. "Anong gagawin mo kapag nakakita ka ng multo?"

"Hmmm.... Suicide???" tumawa lang si Sir. Mga 5 minutes .. Joke XD After nung tawa niya may binigay siya saking card.

"Ano po to?"

"Plane ticket. Trip to korea."

"...." =___=

"Joke! Haha. Calling card. Tawagan mo ako kapag may kailangan ka. Sige na. You may go." nag-thank you lang ako tapos lumabas na ako ng faculty room. NIlagay ko sa loob ng wallet ko yung calling card.

-------------

*Kriiing! Kriiiiing!*

Bakit katunog ng bell ng school yung ringtone ni Milo? Anyway, Uwian na! Nagligpit na ako ng gamit ko tapos nilapitan ko si Kieffer.

"Kieffer Sabay tayo uwi?" magkatabi lang kasi yung subdivision namin.

"Oh sure. Asan si Milo? Gagu yun ha. Bat di ka hinahatd pauwi?"

"Nambababae. Haha. Joke. Busy daw siya. Emergency. ULET."

"Tss. Hayaan mo na nga siya." ginulo niya nanaman yung buhok ko tapos inakbayan ako habang palabas kami ng room. "Namiss kita Yum. Hindi na tayo nag-bobonding eh."

"Magbo-bonding pa tayo eh magkasama na nga tayo sa classroom. Magsawa ka naman sa mukha ko." pabirong sabi ko.

"KIEFFEEEEEEER!!" may babaeng tumatakbong lumapit papunta samin. Dejavu??

"Oh Charline. Bakit?" pinipilit kong alisin yung braso niyang nakaakbay sakin pero inaakbayan niya rin naman ulet ako. Yaan na nga. Nakakapagod eh.

"Sabay tayo umuwi?"

"Ha? Hindi pwede eh. Kasabay ko ngayon si Channa."

Tinignan naman ako nung babae. "Ah.. Channa, ayos lang ba kung sakin na lang sumabay si Kieffer?"

Napataas naman yung kilay ko. Maldita tong babaeng to ha.

"Diba may boyfriend ka naman. Kay Milo ka na lang magpahatid." sabi niya habang naka-smile. Tse! Plastik!

"Maka-Channa ha! Close? Hahaha! Yoko nga. Baka mamaya rape-in mo pa si Yum ko eh." bigla namang natawa si Kieffer.

Ngayon halatang pilit lang yung ngiti ni Charline. Feeling ko kung wala si Kieffer dito sinabunutan na ko nento eh. "Grabe ka naman Channa. Hehe." Close??

"Joke lang." tinapik ko si Kieffer sa likod. "Sige na Kief's sabayan mo na yan."

"P-pero --"

Tinulak ko siya papunta kay Charline. "Go na. Ayos lang ako." nagpeke naman ako ng ngiti kay Charline "Alis na ako. Masyado akong hot. Baka malusaw ka." tumalikod na ako tapos nag flip ako ng hair.

Mag-isa na lang akong naglalakad sa hallway. Hapon na rin kasi eh pero napatigil ako sa isang room nang makita kung sino ang nandoon.

Its Violet and Milo .....

KISSING????

DAFUQ!

He's a GHOST [COMPLETED] - EpilogueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon