Chapter 30-War

2 2 0
                                    

Lynn's POV

Ayan dito kami ngayon sa office kasama yung malanding Eylah.

Tapos nagpacute pa ang gaga kasi dito na ulit mag aaral pero mabuti nalang Section Star ang gaga para di niya malandi si Paul. Team LevRel lang malakas!

"May gf na pala si Paul? " tanong ni ni Eylah

"Natural kita mo naman eh" pabalang na sagot ko rito

"Bakit ba ganyan kana sakin Lyn, dahil ba sa impaktang Snow na yun! " galit na sabi ni Eylah

"Excuse me? Wag mong idadamay ang bestfriend ko dito! " galit na sabi ni Yna

"Oh, bestfriend mo pala and malandi na yon? " sabi niya at hinead to toe look si Yna

"Parehas nga kayo" dagdag nito at tumawa

Sasampalin na sana ito ni Yna pero napigilan ito ni Luke at kinaladkad paalis

"For your information , hindi malandi si Snow. Magkaiba kayo maarte ka at selfish" Sabi ko at sinampal siya

"Yan para sa ego mo" sabi ko at umalis.

"Hon, stress ka na naman" malambing na sabi ni Clyde habang nakahawak sa kamay ko

Inirapan ko siya sa inis. Pero agad ding napawi yun ng tumawa ito. Shocks ang gwapo niyang tumawa

Natawa ako bigla ng maalala ko dati kung bakit ayaw ng parents ni Paul kay Eylah. Yes hindi gusto nina Tita Gina si Eylah para kay Paul

Alam niyo kung bakit?

Kasi maarte, mataas ang standards at mang iiwan

Kaya tuwang-tuwa ako na tanggap ng pamilya ni Paul si Snow

"Lindey, wag kang tumunganga diyan " sabi ni Gian

Napahiya naman ako don kasi hindi na pala ako nakikinig sa usapan nila

Snow's POV

Sinabi sakin ni Lyn kanina na kaklase ko si Eylah at wala parin ang teacher

Bigla namang pumasok si Eylah at tiningnan ako mula ulo hanggang paa

"So ikaw ang bago ni Paul? " tanong niya

"Bakit angal ka? " Mataray na sagot ni Yna

Tahimik lang ang mga boys at nakikiramdam

"Ikaw ang tinatanong? " pabalang na balik nito kay Yna

"How could he love a trash? Ni hindi ka nga marunong gumamit ng makeup" Asar na sabi nito sakin

"It's simple" sabi ko at tumayo.

"May makeup man o wala, mas maganda ako sayo" sabi ko

"At is apa hindi ako gaya mo na naghahabol sa ex kahit may girlfriend na ito" dagdag ko at inirapan siya saka umupo

"Yan oh!! " Sigaw ng mga boys

Nakanganga pa eto sa umpisa pero pasabog ding umupo ng dumating ang prof

But I know this is not the ending. The real war just started and I will make sure I win

SNOW REL:A MODERNIZED FAIRYTALE(Completed) Where stories live. Discover now