END

8.2K 255 53
                                    

NAGMAMADALING bumalik si Greg sa likod ng university kung saan siya nag-aaral. Pero nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang isang dalagita na hawak ang MP3 Player niya. Doon naka save ang lahat ng mga na-produce niyang kanta, he's a frustrated musician that's why.

"Hey kid, that's mine." anya sa babae matapos alisin ang suot nitong earphones. She must be twelve or thirteen years old. If he's not mistaken, base na rin sa suot nitong uniform, she's a high school student. Imbes na matakot sa kanya, nginitian siya ng babae saka inabot sa kanya ang MP3 player niya.

"Ikaw ba nag produce ng mga kanta na naka-save dyan, kuya? In fairness, ang gaganda ah!" anang babae. Hinablot naman niya ang MP3 player mula dito at saka siya tumalikod, naglakad siya paalis.

"Ang cool mo kuya! Ipag-pe-pray ko na sana maging sikat na producer ka! Hihintayin ko yung mga mapapasikat mong mga kanta ha? Fighting!"

Hindi na nag-abala pa na lingunin ni Greg ang babae. But there's something in her words that struck him. It was like a wake up call for him. Parang iyon na ang sign na matagal na niyang hinihingi para i-pursue talaga kung ano ang passion niya. Doon siya nakapag decide na mag shift ng kurso na hindi alam ng parents niya kahit malapit na siyang grumaduate sa pre-med course niya. Buong pamilya kasi niya ay nasa medical field, board member din ang parents niya sa kilalang ospital.

Patihayang bumagsak si Greg sa sahig nang suntukin siya ng ama nang malaman nito na nag shift siya ng kurso.

"Such a disgrace! Hindi ko susuportahan ang kalokohan mo, Greg! Magtino ka muna kung gusto mo na ibalik ko ang credit cards mo!" bulyaw sa kanya ng ama. Binawi ng ama niya ang credit cards niya, maging ang kotse niya hindi na pinagamit sa kanya. Kaya naman napilitan si Greg na maghanap ng part-time jobs. Siya na rin ang nagbabayad ng tuition fee niya.

Natigilan si Greg sa akmang pagsindi sa sigarilyo na nasa labi nang mahagip ng tingin niya ang pamilyar na mukha na papalabas ng gate ng university. Iyon 'yung babae na nakita niya sa likod ng university na may hawak ng MP3 player niya. Nakangiti ang babae kasama ang ilang kaibigan nito.

Hanggang sa hindi na lang niya namalayan na naging hobby na pala niya ang pagmamasid sa babae mula sa malayo. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng nararamdaman, pero kuntento na siya habang tinatanaw ito mula sa malayo. He's contended watching her smiling face.

Selena Marie Quirino. That's her name.

Naging iregular student siya dahil sa mga back subjects niya kaya naabutan pa niyang maging college student si Selena. Naalala niya, sixteen years old noon pa lang noon si Selena nang magsimula siyang palihim na maglagay ng mga rosas sa locker nito.

Bago ang araw ng graduation ni Greg, bitbit ang tatlong tangkay ng mga rosas, nagdesisyon siya na magpakilala kay Selena. Nag-iwan pa siya ng note na magkita sila ng alas-singko ng hapon sa harap ng locker nito. Pero nang dumating siya, hindi niya inaasahan ang maabutan niyang eksena sa tapat ng locker ng babae.

"I'm Anthony Dylan Rodriguez but you can call me Andy, nice to meet you Selena." anang nakababatang kapatid niya habang may iniaabot nito kay Selena ang isang bouquet ng mga rosas.

"N-nice to meet you rin. Pero totoo? Ikaw ba yung nag-iiwan ng mga roses sa locker ko?"

"Roses?"

"Oo," inilabas ni Selena ang note na sinulat niya para dito, "Ito oh, sabi mo pa nga, magkita tayo ngayon."

Nawala ang kalituhan sa mukha ni Andy, saka ito muling napangiti, "Yes. That's me. I'm your secret admirer. Did you like the roses?"

Mapait na napangiti si Greg habang nakatingin sa dalawa. Bigo siyang umalis. Tinanggap agad niya ang pagkatalo niya, naisip niya na siguro, hindi sila ni Selena ang itinadhana. Damn. He's hopeless romantic as fück. Bakit ba niya naisip na magugustuhan siya ng dalaga eh halos ilang taon ang tanda niya dito? At isa pa, Andy is good for her. They're perfect match. Nursing student si Selena samantalang magdo-doktor naman ang kapatid niya.

ContractTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang