9

10.1K 253 24
                                    

MUGTO na ang mga mata pero hindi pa rin matigil si Selena sa pag-iyak habang nakatingin sa kabaong ng asawa. Halos magta-tatlong araw na itong nakaburol matapos itong maiuwi ng mga biyenan niya mula sa ibang bansa pero hindi pa rin siya makapaniwala na wala na si Andy. Ayon sa magulang ng asawa, nasa biglang nag-seizure si Andy, hanggang sa tuluyan na itong binawian ng buhay. Hindi na kinaya pa ng katawan nito ang gamutan at tuluyan na rin itong iginupo ng karamdaman.

"El, you have to eat. Tubig lang ang laman ng tiyan mo simula pa kahapon." ani Greg matapos nitong maupo sa tabi niya. Palaging nakaalalay sa tabi niya ang lalaki simula nang iburol si Andy.

Selena stood up from her seat, saka siya lumapit sa kabaong kung nasaan ang asawa niya. Naramdaman niyang tumayo sa tabi niya si Greg. Hinaplos niya ang salamin ng kabaong kung saan nakahimlay ang asawa.

"B-bakit mo naman ako iniwan agad, Andy?" umiiyak na tanong niya sa asawa na para bang maririnig pa siya nito. Marahang hinaplos ni Greg ang kanyang likod, pilit siyang inaalo.

"Hush, El." tuluyan na siyang niyakap ni Greg habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Hanggang sa maramdaman niya na tila umiikot ang paningin niya.

"Shit! Selena!" naulingan pa niyang sigaw ni Greg bago siya tuluyang mawalan ng malay.

Nagising si Selena na nasa kwarto siya ni Andy sa ancestral house ng mga magulang nito kung saan din nakaburol ang asawa. Nakita niya si Greg kasama ang isang may-edad na babae na kinakausap nito. Nang makita ni Greg na gising na siya, agad siyang inalalayan ng lalaki paupo. Isinandal niya ang likod sa headboard ng kama.

"Are you alright, El? May masakit ba sayo?" sunod-sunod at nag-aalalang na tanong ng binata.

Sinapo niya ang ulo, "M-medyo nahihilo lang. Ano bang nangyari?"

Greg was taken aback, saka nito inabot at hinawakan ang isang kamay niya, "You're pregnant, Selena."

Selena gasp, she was like struck by lightning. Natutop niya ang bibig at nangingig na ibinaba ang isang kamay sa kanyang tiyan, "H-how...P-paano ka nakasiguro?"

Tumikhim naman ang may-edad na babae na nasa loob din ng silid, "Sorry for interrupting, but I'm Doctor Trinidad Domingo and I'm an Obstetrician-gynecologist. Ako ang tumingin sa'yo nang mawalan ka ng malay hija. Family friend ako ng mga biyenan mo. And based on your pulse, pati na rin sa shape ng hips mo, hinala ko na mukhang buntis ka nga. Pero para makasigurado, I recommend na magpunta muna tayo sa clinic ko ngayon para mabigyan kita ng mas accurate na diagnosis."

"O-okay po. Pero sana po, huwag po muna sanang malaman ito ng mga biyenan ko, kung ayos lang po sana." pakiusap niya.

The old woman give her a reassuring smile, "Don't worry hija, hindi ito makakalabas sa ating tatlo nina Greg."

Matapos itong ihatid ni Greg sa labas ng kwarto, muli siyang binalikan ng binata. May bitbit na rin na isang tray ang lalaki kung saan nakalagay ang umuusok pa sa init na mangkok ng sopas, tinapay, isang baso ng tubig at gatas. Inilapag nito ang tray sa side table ng kama.

"Now you should eat. Hindi ka na pwedeng magpagutom." ani Greg habang inaayos nito ang mga pagkain. Itinira nito ang mangkok ng sopas sa tray, kinalong iyon at nag scoop ng sopas sa kutsara. Hinipan iyon ng lalaki at iniumang sa bibig niya.

Nahihiyang isinubo ang pagkain na iniumang nito saka niya inagaw mula sa lalaki ang hawak nitong kutsara, inilagay din niya mismo ang tray na sa ibabaw ng kandungan niya.

"What's your next plan, El?" tanong ni Greg dahilan para sandali siyang matigilan.

"Bubuhayan ko ang baby." sagot niya bago nagpatuloy sa pagkain. Parang gusto niyang sabunutan ang sarili nang maalalang nagpagutom siya. Wala rin siyang sapat na tulog at pahinga simula nang malaman niyang patay na ang asawa. Kahit hindi pa nakukumpirma na talagang buntis na nga siya, hindi na siya pwedeng magpabaya sa katawan niya. Ayaw niyang mag take ng risk kung sakali.

ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon