11

8.3K 239 29
                                    

MARAHANG hinaplos ni Selena ang kanyang hindi pa kalakihan na tiyan. Tatlong buwan na ang ipinagbubuntis niya. So far, maayos naman ang kalagayan nila ng baby niya lalo na at todo alaga sa kanya ang mga biyenan, especially Greg. True to her words, hinayaan niya na alagaan siya ni Greg. Halos lahat ng check-ups niya kasama niya ang binata, even her food cravings, ito rin ang nagluluto o bumibili.

"Sa tingin mo ano ang mas bagay na kulay para kay baby, El? Maganda itong color blue pero cute rin itong color yellow." ani Greg habang hawak nito ang dalawang pares ng medyas na para sa new born baby. Kasalukuyan kasi silang nasa mall, sa mismong section kung saan nandoon ang mga gamit at damit pambata. Kakagaling lang nila sa clinic para sa monthly check-up niya at wala na siya nagawa nang yayain siya ni Greg sa mga boutique pagkatapos nila kumain.

Hindi napigilan ni Selena ang mapangiti sa ka-cute-an ng binata. Pinagmasdan niya ang gwapo nitong mukha, nakakunot pa ang noo nito habang pinagmamasdan ang dalawang pares ng mga medyas na hawak.

"Greg-"

"What if white na lang? Para neutral?"

"Greg, listen-"

"O kaya bilhin na lang natin lahat ng kulay para may pagpipilian si baby..."

"Greg!" natatawang saway ni Selena sa binata. Parang bata naman na sinaway ng magulang niya si Greg na napatingin sa kanya.

"Yes, El? I'm sorry?"

Kinuha niya mula sa mga kamay nito ang dalawang pares ng medyas at maayos na ibinalik sa estante kung saan iyon nakalagay, "Kahit na hindi pa muna tayo bumili ng mga yan, hindi pa naman natin alam ang gender ni baby."

"But it's cute. For sure babagay iyon kay baby..."

"I know. Pero may mga gamit na rin para kay baby sa bahay na galing sa parents mo, right?" marami na rin kasing binili na gamit para sa baby ang parents ni Greg, especially his mother. Excited na excited ito para sa unang apo.

Greg heaved a deep sigh, tinapunan nito ng nanghihinayang na tingin ang mga medyas na nasa estante, "Fine," inabot nito ang isang kamay niya at pinagsalikop sa kamay nito. Nagsimula silang lumakad palabas ng boutique.

"But how about crib? wala pang crib si baby." anang binata nang may madaanan silang mga crib. Sa huli, walang nagawa si Selena nang bumili si Greg ng crib para sa baby. Bakas ang tuwa sa mukha ng binata habang binabayaran nito sa cashier ang binili. Napailing na lang din si Selena habang pinapanood si Greg habang kuntodo bilin ito sa mga staff na ingatan ang crib sa pagde-deliver sa bahay nila.

Muli niyang nahaplos ang tiyan at mapait na napangiti. Talagang mahal na mahal nito ang anak. Kahit hindi pa man lumalabas ang anak nila, sigurado siya na magiging mabuti itong ama.

"El? Are you alright?" untag sa kanya ni Greg, mabilis siya nitong sinulyapan bago muling ibinalik ang tingin sa daan.

"Huh? Oo naman, ayos lang ako. Sorry if I'm spacing out, did you say something?"

"Nothing. Napansin ko kasi na kanina ka pa tahimik simula nang umalis tayo sa mall, perhaps, are you mad at me? Galit ka ba dahil nagpumilit akong bumili ng crib para kay baby?"

Mabilis na umiling si Serena, "Hindi. Hindi ako galit."

"Then what is it? May masakit ba sa'yo? Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mong bumalik muna tayo sa clinic?"

"Naku hindi. Ayos lang ako. May...may iniisip lang ako."

Para namang nakahinga nang maluwag ang lalaki nang marinig na ayos lang siya, "Gusto mo ba i-share kung anong iniisip mo? I'm here, willing ako makinig."

ContractWhere stories live. Discover now