CHAPTER4: NICO

302 10 0
                                    

LUKE'S POV

 Woah! Nicolai Ann Vandross. What a beautiful lady, from a duckling, she really became a swan, a beautiful swan. Well, I know her personally. She's actually one of my friends from the past. Her nickname is Nico.

 Magkaibigan kami nung mga bata. At dahil sa alam niyong makulit ako, ikukwento ko sa inyo ang pinaka una kong partner in crime. She is Nico. Tombs ang tawag ko sa kanya noon kasi, tomboyin sya masyado. Sobrang daldal, tapos ang lakas pang mambara, at kahit pa anak-mayaman sya, wala syang breeding. As in, WALA ! nagkakamay kapag kumakain, umiihi sa tabi ng puno,kahit kasama pa niya ko. Pero gentleman pa rin ako kahit noon pa. Kaya di ako tumitingin. HAHAHAHAHA.. Maniwala kayo magalang ako. At dahil ganun si Nico, madalas syang loner kasi ayaw makipagkaibigan sa kanya ng mga babae, at ayaw din syang lapitan ng mga lalaki. Kaya simula noon we became bestfriends. Na dahil sa sobrang close kami ay napagtitripan na kami ng mga magulang namin tuksuhin.

 Paano ba naman kasi, minsan, sa kanila ako nakikitulog, minsan siya naman. Depende yun sa mga yaya namin, kung kelan ang day-off nila. Madalas kami maglaro, sabay pa kami maligo. Pero 7 years old lang kami non. Tapos nung nagtwelve na kami, umalis sila ng bansa. Hindi na siya bumalik pa. Tinanong ko sina mama kung saan na sila nagpunta. kasi syempre namimiss ko na sya, at dahil sa tagal ng pinagsamahan namin, nahulog na din ang loob ko sa kanya. Puppy love kung baga.

 Sabi ni mama at papa sa akin, wag ko na daw silang hanapin. Pag graduate ko ng elementary, sobrang lungkot ko. Pero nakabawi ako sa freshmen year ko dito sa Ward Academy dahil nga naging Prince ako at dahil na din sa mga naging kaibigan ko. Pero kahit ganun, di ko pa rin makalimutan si Nico, at ngayong bumalik na sya, gusto ko sana syang kausapin kaso parang nagbago na sya.

  Naaalala pa kaya niya ko?

 Galit kaya sya sakin?

 Ano kayang mangyayari kapag kinausap ko sya?

Hay, ang hirap naman. Bukas ko na nga lang siya kakausapin.

--------------------------------------

The first event in the past was revealed. gather all informations and clues..

KEEP SILENTLY IN-TOUCH.

THE SILENT TRANSFEREEWhere stories live. Discover now