Epilogue

12 2 1
                                    


“Aalis ka uli?” bungad na tanong ni Mama pagbaba 'ko pa lang  galing sa kwarto.

“Opo, b-bisita uli ako Ma.” napabuntong-hininga naman siya tsaka binaba ang mga gamit na dala.

“Anak, alam 'kong masakit pero kailangan na nating tanggapin.” umiwas ako ng tingin.

“Sinusubukan 'ko naman po, pero mahirap po.” lumapit naman siya sakin at niyakap ako, yumakap ako pabalik.

“Mahal kita, Anak. at alam 'ko kung nasan ’man siya ngayon, ginagabayan ka niya.” aniya.

“Opo ma, Mahal din po kita. Una na po ako.” ngumiti naman siya.

“Ingat ka, Nak.” tumango ako tsaka humalik sa pisngi niya.

Isang taon na bago mangyari ang aksidente, marami nang mga nangyari't nagbago. 

“Hi, nandito na naman ako.” panimula 'ko bago maupo sa tabi ng puntod niya.

“Ang hirap pa rin pala, Isang taon pa lang pero parang kahapon lang 'yung nangyari.” nagsisimula ng magluha ang mata 'ko.

“Ang sakit sakit pa rin pala.” iyak 'ko, pinunasan 'ko naman agad 'yon at paulit-ulit na huminga. bigla namang humangin ng malakas kaya napapikit ako.

pakiramdam 'ko isa 'tong yakap.

habang nage-emote ay may nagchat sakin, nagpunas muna ako ng luha bago kunin ang cellphone. bigla akong nabuhayan, tila nawalan ng isang tinik na nakatarak sa puso 'ko.

carmz❤️

             “he's awake! Ellie, gising na si Jian!” 

mas lalo akong naiyak at hinarap sa puntod ang cellphone 'ko.

“Papa, look. gising na si Jian.” 

isang taon nang mangyari ang aksidente, akala 'ko katapusan 'ko na namin ni Jian, pero niyakap niya 'ko at pinakita na handa niya 'kong protektahan. 

at sa isang taon na nakalipas ay inatake sa puso ang tatay 'ko na nagpaguho rin sa buhay 'ko, habang comatose si Jian. ay ako ang madalas na magbantay sakanya. kasi minsan binibisita 'ko si papa. at palaging sinasabi sakanya na wag niyang kunin si Jian sakin. 

Nang mabasa ang text ni Carmz ay agad akong nagpaalam kay papa at nagtungo sa Ospital kung san siya nakaconfine. bumungad agad sakin ang nakangiti niyang mukha pagpasok 'ko sa kwarto niya.

“Hi, love. antagal mo.” aniya na nagpaiyak sakin, agad akong yumakap at sa leeg niya umiyak. 

“I miss you too.” humiwalay naman ako at hinawakan siya sa pisngi, nakangiti siya sakin habang inaayos ang ilang takas na buhok 'ko. inipit naman niya yon sa likod ng tenga 'ko.

“Nakita 'ko papa mo..” aniya, ngumiti siya sakin at hinalikan ang tuktok ng ulo 'ko. “Sabi niya bantayan kita, at maghilom na. wala man siya sa tabi mo pero lagi siyang nakabantay sayo. mula sa taas, mahal na mahal ka raw niya.” aniya.

”Wag kana po umiyak, love 'ko. papanget ka niyan.” hinampas 'ko naman siya ng mahina. 

“Eh, ano naman kung pumanget ako? hindi mo na 'ko mahal?” natawa naman siya ng mahina bago yumakap uli sakin. 

“Asus naman, Mamahalin kita hanggang sa mangulubot mga balat natin. Mamahalin kita walang labis, at walang kulang.” ngumiti ako at gumanti ng yakap.

“Mahal na Mahal din kita, Jian. Simula noon, hanggang sa huli.” 

at mamahalin 'ko siya gaya ng pagmamahal na binibigay niya sakin, mawasak man ang mundo. siya lang, at siya palagi.

Just You and IWhere stories live. Discover now