03

12 3 3
                                    


Months passed mas lalong dumami 'yung mga nangyari, isa sa mga 'yon ang pagsisimulang panliligaw ni Jian. seryoso talaga siya, nagawa niya pang puntahan sila mama at papa para magpaalam. una ayaw ni papa kaso wala naman siyang magagawa, matanda na raw naman kasi ako basta hindi ko mapababayaan ang pag-aaral.

“Kaya pala ayaw maghanap ng chix netong si Jian kasi may natitipuhan na pala.” asar ng isa sa mga barkada ni Jian.

“Stop it, guys.” tumawa naman ang mga barkada niya.

“Ellie, Look at him. Namumula.” ani ng isa at malakas na tumawa, lumingon naman siya sa'kin at inikot ang kamay sa mga bewang ko.

“Inaasar nila ako, Babe.” sumbong niya at nagawa pang sumandal sa mga braso ko.

“Ang pababy naman niyan, Jian!” singit bigla ni Carmz na may dala-dalang pagkain.

“Tulungan na kita.” sabi nung isa sa mga kaibigan ni Jian, namula naman si Carmz at tumango.

“T-Thanks, Riconiel” ngumiti naman ito.

“Rico nalang, Carmillz.” ngumiti naman ang kaibigan ko at pabirong hinampas ang binata.

landi.

“Carmz nalang o kaya baby. bulong niyang saad sa huling salita, ngumisi naman ako.

“O kaya ano?” mabilis na umiling ito at tumabi sakin.

”Low.” bati niya.

pulang pula.

“Kamatis ka ba?” nagsalubong naman ang kilay niya.

“Ha? bakit?” tanong niya sa'kin, ngumisi naman ako.

“Pulang-pulang ka kasi e.” nanlaki naman ang mata niya at napahawak sa pisngi. 

“Weh ba? omygosh.” tinawanan ko naman siya.

“Guys! May bagong tayong resto, puntahan natin?” yaya nung Rico.

”Sure!” agad na sagot ni nino pa ba? edi si Carmz.

“Talandi.”  bulong ko sakanya, inirapan naman niya 'ko.

“Aba, hindi lang ikaw ang dapat lumandi rito ah.” natawa naman ako bago ibaling sa isa pang katabi ang tingin, nakayapos pa rin sa bewang ko ang mga braso niya habang nanatiling nakapatong ang ulo sa leeg ko.

“Hindi ka ba nangangawit sa posisyon mo?”  nagtaas naman siya ng tingin at ngumiti sa'kin.

“Okay ako sa kahit anong posisyon, Babe. ikaw ba?” aniya, nagsalubong naman ang kilay ko.

bakit parang double meaning 'yon.

“Ha?” ngumiti siya at bahagyang pinisil ang ilong ko.

“Wala, sabi ko labyu. ngumuso pa siya kaya bigla kong tinaas ang kamay at mahinang tinampal 'yon.

Mahabang oras pa ang natapos bago naming maisipang magpunta sa resto na sinuggest ni Rico, dun na rin kami nag-dinner lahat. masarap ang pagkain.

Si Rico ang tila nag-asikaso sa'min lahat dahil nakapunta na pala siya before, kilig na kilig naman si Carmz. pero syempre hindi nagpatalo ang manliligaw ko, Inasikaso niya ang ayos ng pagkain ko at pinupunasan ang gilid ng labi ko sa tuwing pagtapos kong sumubo.

ginawa akong bata.

“Ang kalat naman kumain ng baby ko na 'yan.” aniya habang nagpupunas, nakatitig lamang ako sakanya.

Sa mga oras na 'yon bumalik sa alaala ko ang mga araw na inaasikaso niya 'ko, kung pano niya 'ko kalaruin nung mga bata kami. kung pano niya 'ko itrato, at sa mga oras na 'to masasabi 'kong ang swerte 'ko. 

“Babe, alam kong pogi ako kaya wag mo 'kong titigan.” natawa naman ako bago ibaling ang tingin sa pagkain.

Mabilis lamang natapos ang oras at nagp-paalam na kami sa isa't-isa, si Rico na ang nagsuggest na ihatid si Carmz para makapag-solo raw kami ni Jian. 

“Paki-ingatan si Carmz, Rico.” ngumiti naman ang binata sa'kin at tumango.

“Paki-ingatan din ang baby ko, Jian!” aniya habang nakapameywang, natawa naman sakanya si Jian.

“Opo, Mama Carmz.” inirapan naman siya nito na ikinatawa namin.

Matapos magpaalam sa isa't-isa, kanya-kanya na kaming punta sa mga sasakyan. pinagbuksan naman ako ni Jian.

“Thank you.” 

“Labyu.” napailing naman ako.

Habang nasa byahe kami ay puro kwentuha lang kami about sa'min at nung mga bata pa kami.

“Nagkaproblema kasi si Dad sa company, Kaya naisipan namin ni Mom na lumipat muna sa Manila. hindi na 'ko nakapag-paalam kasi agaran 'yung decision nila. pero hindi kita nakalimutan, crush kasi kita simula pagkabata kaya 'yung features ng mukha mo naaalala ko pa rin.” lumingon siya saglit sakin bago muling ibaling ang tingin sa daan.

“Yung nunal mo sa labi, Makapal na kilay. Medyo singkit na mata.” aniya.

“Cute ka nung bata, Tapos ang ganda mo na ngayon.” natawa naman ako.

“Sus, Bolero.” tumingin naman siya sa'kin dahil nag-stop sign. 

“I'm not kaya.” mas lalo pa siyang tumitig sakin.

“Ang ganda mo, Ellie.” napaawang naman ang labi ko, hindi inaasahan.

“Thank you.” ngumiti siya at lumapit, hinalikan niya bahagya ang noo ko. 

“I love you, Ellie. Mula noon, Hanggang sa magiging huling hininga ko. Mamahalin kita palagi, aalagaan. p-protektahan, pags-silbihan... alam mo kung bakit?” umiling ako.

“Kasi mahal kita.” nagsimula namang mangilid ang luha ko. “At palagi kitang mamahalin sa mga oras na lilipas, Ellie. ikaw lang, ikaw palagi.”  

Tunay nga, na ang swerte ko sakanya. kung paano niya 'ko alagaan, gabayan, at mahalin. ramdam ko ang pagiging sincere at genuine niya sa pinapakita at alam ko... na sa mga oras na 'to, nasisigurado ko na. 

“Mahal din kita, Jian.” nagulat pa siya at bigla nalang naiyak habang nakangiti, umamba siya ng yakap pero bago 'yon ay naramdaman ko ang pagbunggo samin nang kung ano. bumaliktad ang sinasakyan namin. sinubukan akong yakapin ni Jian at nagawa niya.

At hanggang sa huling pagkakataon, tulad ng sinabi niya... nagawa niya pa rin akong protektahan.

Just You and IWhere stories live. Discover now