Kabanata 1

4 0 0
                                    


Target

"Shet! Ang pogi talaga ni pangarap!" Masayang saad ni sachi habang nakahalumbaba sa may mesa, I don't know where she's looking or who was she referring to as her dream. Nandito kami ngayon ng mga dashmates ko sa garden ng campus dahil break namin.



"Look niyo 'yong mga engineering student sa gilid natin super yummy! Sila ang tunay na pangarap!" Thalia pointed out while looking intently at our side. Tinignan ko naman ang tinuro niya at nakita ang grupo ng mga engineering student na mukhang nag bibiruan, they're cute but not my type tho.



"Hard pass! Mukhang mga bata pa at kailangan alagaan," Natatawang saad ni Avi, also my dash-friend. Naka-ugalian na ata namin na sa tuwing may vacant kami ay mag h-hunting kami ng mga pangarap or pogi, ginawa na nilang ritwal kahit saan man kami mag punta.



Our group consists of eight people, 3 boys and 5 girls. Madami kami sa circle namin at minsan ay buong dash pa namin ang mga kasama namin kaya naman sa tuwing mag kakasama kami ay walang dull moments, halos puro kahihiyan at kabaliwan ang ginagawa nila. College is tough but they make it easier and bearable for me, I enjoyed their company but I still set boundaries.



I am at my happiest when i'm with them, I find them comfortable and I find their company amusing. There are times nga lang na medjo nakakahiya na silang kasama—sino bang hindi? I mean, there this one time na bigla nalang silang sumasayaw o hindi kaya ay kumakanta, may music man or wala, sa public man or sa private, wala silang pinipiling lugar.



"Hindi na daw makakapasok si Sir von, may biglaang meeting daw siya with dean." Anunsyo ni Benj na ikinatuwa namin.



Walang pasok means more time to gala! Nag announce nalang si benj sa gc bago namin pinag usapan kung saan kami pupunta ngayon.



We decided to go nalang sa SM Skyranch since malapit lang na rin naman daw mag hapon, lilipat nalang kami kapag ayaw na nila doon. Mabuti nalang James brought his car kaya hindi na namin p-problemahin ang transpo, mainit pa naman.



Pag dating sa SM ay kumain muna kami bago nag libot-libot, I bought new skin care and few make ups like powder, foundation, and lipstick since mine was already ran out. After namin sa watson ay nag tingin naman kami ng shoes and bags on a certain stores.



"Deserve ko naman siguro 'to, 'diba?" Tanong ko sakanila nung kumuha ako ng new pair of shoes and a new bag, at dahil pinalaki silang mga sulsol kaya naman nag agreed sila lahat.



"Deserve mo 'yan ante ko! You got the highest score sa Anaphy exam natin kaya deserved mo 'yan!" Saad ni benj, agad naman itong ginatungan ni James at avi.



"Deserve mo 'yan because you are breathing!"



"Deserve mo 'yan 'cuz y nort?"



"Ate ko, hindi mo deserve 'yan dahil wala tayong ginawang good today," Prankang sagot ni sachi bago kinuha sa'kin ang shoes at binalik sa lagayan. Tama na daw ang pag waldas ko ng pera dahil baka mag water therapy na niyan ako the whole school year. "One item at a time, 'nak," dagdag niya pa.



Malungkot kong tinanaw ang shoes bago binayaran ang bag na dala ko. I should probably thank sachi for limiting me into buying a new shoes dahil naalala ko na may parcel pala akong darating ngayon at sapatos rin ang laman non.



After namin mamili ay naisipan na naming kumain, we're all hungry so we decided to eat nalang sa feast & fire, an eat-all-you-can buffet. Why do I have this bad feeling na parang malulugi ang feast & fire sa'min? Matatakaw pa naman mga kasama ko.



Waves of FateOn viuen les histories. Descobreix ara