‹‹2›› |Ang Pag-babalik

6 2 0
                                    


"Ina?"

"Ina??"

"Ina asan na ho kayo?"

"Ina sino ho ang dumati-

Hindi na natuloy pa ng batang si Isa ang kanyang sasabihin sa sobrang bigla sa nakita nito.

"INA!!"

Nakahandusay ang wala nang buhay  sa sahig sa kusina ang katawan ng ina ni Isabelle. Nanginginig na hinawakan ito ng bata para gisingin.

"Ina! Ina! Tayo po kayo dyan marumi dyan eh!"

Bagamat bata pa at wala pang ganong alam sa mga nang yayari, may pakiramdam ito na nasa panganib ang buhay ng kanyang pinaka minamahal na ina.

Napa iyak na nang tuluyan ang batang paslit ng may makitang dugo na kumapit sa kanyang maliliit na daliri ng hawakan ang ulo ng ina.

"Hindi! Hindi!! Inaaaa!!"

Napabalikwas ako ng bangon, hingal na hingal na kala mo eh tumakbo ng pag ka layo layo. Napatakip ako ng mukha gamit ang mga nanginginig na kamay. Pinigilan ko ang aking hilbi pero patuloy lang ito sa pag kawala.

Tahimik akong umiyak sa gitna ng malamig na gabi. Kahit gano pa katagal na iyong nangyari ay ganun parin yung sakit, o mas lalo panga atang lumala sa pag lipas ng panahon.

Patuloy lang ako sa mahinang pag labas ng kalungkutan sa pamamagitan ng mahinang pag iyak at hikbi. Di kalaunay nakatulog nalang ako dahil sa pinag samang lungkot at pagod.

Naalimpungatan ako ng may marinig na kalabog sa ibaba. Pupungas-pungas pa pero bumangon ako para malaman ang sanhi ng ingay sa ibaba.

Napa ngiwi ako ng maiapak ko ang paa sa sahig ng wlang saplot. Ang lamigggg. Agad kong hinanap ang tsinelas ko na napunta na sa ilalim ng kama. Binuksan ko muna ang ilaw bago sinuot ang balabal ko para matakpan ang buo kong mukha.

Sa pag kakaalam ng iba ay may di-
Kaaya aya akong itsura kaya lagi itong nakatago sa likod ng aking balabal. Ngunit ang totoong dahilan ko ay dahil ayaw kong may maka kilala sakin at masangkit na nmn sa gulo. Kuntento na ako sa payapang buhay na mayron ako ngayon. At baka dahil narin sa takot, ang balabal na ito lamang ang nag sisilbing proteksyon ko sa katotohan at mga mapang lait na tao.

Itinali ko ang aking tuwid at mahabang buhok, halos umabot ito sa ilalim ng aking pang upo. Itim na itim ito at sobrang tuwid, nag tataka nga ako dahil makinang ito kahit pa wla nmn akong ginagamit na kung anong produkto para sa buhok, bukod na lamang sa pinapagamit sa amin sa bahay na ito.

Isinaklob kona ang itim kong balabal na natatakpan ang aking buong mukha. Mga mata ko lamang ang nakikita. Oo parang sa muslim, sa totoo nyan ay natutunan kong mag lagay ng hijab dahil may nakilala akong muslim noon naging kaibigan ko ito at ayun nga naturuan nya akong gawin ito dahil narin siguro sa pangungulit ko kaya.

Dahil naka suot nmn ako ng bistidang umaabot sa itaas lamang ng paa ko, spaghetti strap lang ito pero di problema yun dahil may isa pa akong mas makapal na balabal na ginagamit ko tuwing lalabas o kung ano paman. Nang tignan ko ang sarili sa salamin ay medyo natawa ako. Kahit gaano na katagal na ganto ang ayos ko ay hindi parin ako masanay sanay.

Mukha kasi talaga akong tipikal na muslim yung bang makikita mo sa mga palengke. Ganun hahaha. Mukha kasi akong ewan di tulad nung kaibigan ko na kahit mukha nya lang ang kita ay maganda parin. Hayyysss sana ol nalang talaga sa mga pinanganak na maganda.

Matapos sa pag siguro na hindi na matatangal ang balabal ay agad narin akong lumabas ng aking silid. Bumungad sa akin ang malamig at madilim na pasilyo. Napansin kong masyado pang maaga ng mapagawi ang aking tingin sa veranda. Madilim pa mga nasa alas tres plang siguro ng madaling araw.

Binuksan ko ang mga ilaw sa pasilyo para naman makita ko ang daan, pasalamat na lang ako ay nasa tabi lang ng pinto ng veranda ang mga pindutan para sa mga ilaw dito. Bumukas naman agad ang mga ilaw kaya nag patuloy na ako sa paglakad.

Rinig ko parin ang mga kalabog at mumunting mga boses na nag uusap sa ibaba.

Ano kaya ang kaganapan sa ibaba at gayun na lang ang mga kalabog na naririnig ko?

Para maibsan na ang aking pag ka kuryoso
ay napag desisyunan ko nang bumaba. Maingat ang aking pag bukas sara ng pinto upang di gumawa ng ingay. Mas lumakas pa ang ingay na kanina ay medyo kulob pa ang nasa itaas pa ako.

"Bakit ang aga naman napag desisyunan ngi señorito umuwi ang pag kakaalam ng lahat ay sa makalawa pa ang luwas nito galing america."

Nagulat ako sa narinig. Hindi ko alam pero bigla na lamang akong di makagalaw sa aking kinatatayuan at nanlamig.

Andito na ang señorito??

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forgotten Love (Hacienda De Montréal Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon