Ikalimang Kabanata

Start from the beginning
                                    

Pag labas ko, inayos ko yung lalagyanan ng plates ko making sure na hindi iyon mahuhulog kapag nasa daan ako. Ilang weeks ko rin yon pinaghirapan, noh! At hindi rin madali itong kursong to. It's tough to take architecture. 

I always had sleepless nights for my thesis, lalo't patong-patong lagi yung designs na binibigay sa'yo ng prof, maloloko ka na lang sa dami mong ginagawa. And unfortunately, sa mata ng iba walang pangarap ang mga kumukuha ng art courses. 

Maliit ang tingin sa'min ng iba. 

Madalas lang ma-recognize ay yung mga Engineering, med courses, and business courses, hindi sa nangmamaliit ako but it's kind of unfair na ibang courses lang ang na-rerecognize. Sana lang, bigyan din kami chance. Na hindi naman talaga mapupunta sa wala yung kursong ito. 

So whether you're an Interior Design student, Fine Arts student, Fashion designing student or Architecture student, ipagmalaki mo yung kurso mo at ipakita mo sa kanilang kaya mo. Na hindi patapon ang art course, may pangarap ka don. 

Believe in yourself. 

Habang nasa daan ako, may nakita akong babae. Parang late na siya. She's wearing a black casual long sleeves along with brown corporate pants. 

Sa taas ng heels na suot nung babaeng yon, I can already tell who is it. Kaya naman pumarada ako sa harap niya. 

"Sakay."

"What?"

"Get in. Ma-late ka pa. I heard it from Galileo, you have research in human nature and it's free will. Kaya ka may laptop na dala di'ba?" Tanong ko 

"Fine!"

Kaya naman umusog ako and I waited for her to get in. Nung makasakay na si Serissa, I put her arms around my shoulders at ngumisi ako sa kanya. 

"Kumapit ka."

She nodded quickly at tsaka kami umalis. When we entered the university, agad kami bumaba pareho na agad kinagulat ng iba. Some of them are already whispering. Yung ibang babae naman ay masama ang tingin kay Serissa. 

"Una na ako sa klase–"

"Wait. You have a subject about Philippine History, right? Kailangan ko ng partner. And, let's swap our topic. Ikaw na ang mag-report kay Apolaki. I'll choose to report Mayari instead." Sabi ko na lang

Architecture student ako, that's what I know. Pero kahit saan na lang talaga, pilit pinag-krus ang landas naming dalawa and I absolutely hate it!

 Kaya nga ako nag-shift ng History from Architecture para iwasan tong subject na to, pero masyadong masama sa'kin ang tadhana. 

Serissa kept quiet and she just smiled at me, "Sige, ako na ang gagawa ng research sa kanya. It was my forte, though. Teka, Philippine Mythology din ang topic ng research niyo?" She asked. 

"Unfortunately, yes. And you already know my reasons when we're in LA, I'll leave everything to you."Sabi ko 

She doesn't seem to lash out at me just like before. Nakakapagtaka naman. 

Nung pumasok ako sa klase, agad bumungad sa'kin si Sir Alvarez. He's one of the strict professors in our Building Technology 3 and Architectural Design 5 in our subject.

"I've got my designs."Kinuha ko yung drawing plates ko at saka ko binungad yung plate designs ko sa kanya. 

Naniniguro pa naman yan kung tama yung sukat, hindi lang basta drawing. Na dahil architecture students nga kami, dapat siguraduhin namin kung ano yung tamang materials na bubuoin namin.

Dahil kapag konting paling mo lang sa guhit ng sukat, ending niyan uulitin mo yung kahirap-hirap na plates na yon. Mukhang satisfied naman siya sa pinakita ko so dumiretso na ako sa upuan ko.

Crimson Nemesis (Mitolohiya Series #3)Where stories live. Discover now