PROLOGUE

1 0 0
                                    

"Kaya po ba?" Mahina kong tanong kay Dad, hoping for a positive response

"Kakayanin anak, as long as nandito ako supportahan ko ang pangarap niyo"

"Pero Dad, mahal po yung pagmemed School, then si irene papasok na sa college."

May halong kaba, pagasa at guilt ang nararamdaman ko ngayon habang ibinalita kina Mama at Daddy na nakapasa ako sa pagapply ko sa Medicine School. Kaso hindi pa ako sigurado if makakaenroll ako sa kadahilanan ngang napakamahal neto at hindi naman kami mayaman. May scholarship akong nakuha pero malaki parin ang keylangan na pera, magasto ang med school. Pero sinisigaw talaga ng puso ko ang pangarap kong maging doctor.

This was my lifelong dream. Alam kong hindi ako ganon katalino pero masipag akong mag aral kaya nga deans lister ako noong college at noong kumuha ng board exam ay nasa TOP 8 ako.

Lucky, some people say dahil binayayaan ako ng kasipagan sa pagaaral at ni minsan hindi ako nakakuha ng below 88 na grade. Pero mabuti pa sila may roong nasabi tungkol dun, pero si mama, ni congrats wala ako narinig noong grumaduate ako at kahit noong naging TOP 8 ako sa Board Exams na may General average na 90.88. Ang sakit dahil sarili kong ina hindi man lang proud sa mga achievements ko.

Pero yun nga, hindi ko alam if kakayanin namin financially, si irene mag sisimula na sa college, si Xia nasa high school pa. Hindi basta basta ang mga gastusin sa pag memedschool. Kahit ilang part time pa pasukan ko hindi parin kakayanin.

"Go lang anak, marami ngayong project si daddy. Wag mo na isipin ang bayarin, ang importante mag aral lang kayo ng mabuti at matupad niyo ang mga pangarap niyo" nakangiting sabi ni Daddy, naiiyak ako at niyakap ko siya ng mahigpit

"Sigurado kaba diyan, nako akala ko pa naman ay may makakatulong na tayo sa mga gastusin dito sa bahay, sa pagpapaaral kina irene" sambit naman ni mama habang tinatahi yung punda ng unan, nawala agad ang ngiti sa mukha ko at napabitaw sa pagkakayakap kay daddy dahil sa sinabi ni mama. Bakat sa itchura niya na di siya masaya sa ibinalita ko, and it broke my heart, again like always.

One of the reasons why I'm also hesitant if itutuloy ko ba to, ay dahil din kay mama. Unlike dad, she's never vocal sa mga gusto niya towards me. She never pays attention to me. It feels like I'm not her own daughter.

Sa kanila ni Daddy, siya yung strikto. Lalo na sa akin, strict in a way na dapat ang bawat kilos at decisions ko ay para dapat sa pamilya at mga kapatid ko,dahil nga ako na ang panganay, dapat unahin ko palagi ang pamilya namin, not myself. Yung kaligayahan nila, at hindi yung akin.

Her priority is always my siblings, minsan mas gusto ko pa nga mapagalitan dahil it kinda makes me feel na she cares about me.

Napupuna bawat galaw ko, she always take it in a bad way. Bawal mag reklamo, sumunod lang dahil para kina irene at xia to.

'Wag kana bumili neto, mas kailangan ng kapatid mo' her concern is always for my siblings, keylan naman ako? Keylan niya din maiisip na keylangan ko din siya? Keylangan ko din ang pagiging ina niya.

I'm always the giver, I couldn't find the courage to say No. Kaya kinalakihan ko na, kahit minsan I know that people will take it for granted. Even to my own emotions. I'm always fine, I'm always okay with it kaya minsan napapatanong ako if I'm genuinely happy, hindi ko na rin kasi alam minsan.

Okay lang na sila muna, okay lang na sira sira muna yung gamit ko, pwede pa naman to, ako kase ate eh, ako ang dapat magsakripisyo.

Yung masakit lang, when I finally took that courage to ask her for something, nababalik sa akin na maluho daw ako, na hindi ako marunong mag tipid, why am I even asking for it, for what?. Yan ang parati kong maririnig sa sarili kong nanay, kaya simula nung high school ay nagsumikap na ako at gumawa ng paraan para kumita ng pera by tutoring lower grades at minsan ay mag part time sa kung saan saan kahit pagod na ako from school, kahit maraming aralin. I'm proud of myself dahil kahit binugbog ko sa pagpapart time ang sarili ay matataas parin ang mga marka ko.

Hard to LoveWhere stories live. Discover now