Chapter 11: Nothing Left

873 14 0
                                    

Still Five Years Ago...

Pinilit kong bumangon kahit napakasakit ng katawan dahil bugbog na tinamo ko mula sa mga lalakeng iyon. Kailangan kong makuha si Lucianna, sasaktan nila ang asawa ko roon.

"Magpahinga ka muna, Julian," sabi ni Sister Cara nang subukan kong bumangon.

"Kailangan kong puntahan si Lucianna, sister. Kailangan niya ako roon," sabi ko at napahawak sa tiyan. Tangina!

"Hindi mo pa kaya, Julian. Huwag matigas ang ulo mo. Ayos lang si Lucianna roon, apo siya ni Donya Amor. Hindi siya mapapahamak. Kung nandito si Lucy ay gugustuhin din niyang magpahinga ka at magpagaling."

Hindi na ako nakipagtalo sa madre dahil totoo namang hindi kaya ng katawan kong kumilos pa at kailangan kong magpalakas para mabawi ko ang asawa ko. Hindi ako sigurado kung hindi siya sasaktan ng mga tao roon sa mansyon. Nakita ko kung paano siya sampalin ng nanay niya kanina at nandoon pa yung Simon na iyon, baka kung ano ang gawin niya kay Lucianna.

"Kuya Julian, okay ka lang?" Lumapit sa akin si Lilibeth at hinawakan ang noo ko. "May kaaway ka po?"

"Okay lang ako, wala akong kaaway." Nginitian ko siya, ayokong pati siya ay mag-alala pa sa akin.

"Nasaan na po si Ate Lucy? Bakit wala po siya sa tabi niyo?" tanong niya ulit.

Bumuntonghininga ako. "Umuwi muna siya sa kanila. Babalik din 'yon." Sana nga ay makabalik pa siya sa akin.

Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Bridgette na maluha-luhang lumapit sa akin. Pinaalis ko muna si Lilibeth at sinabihang bumalik na lang siya mamaya.

"Sorry, Julian." Iyan ang una niyang sinabi bago umiyak sa harapan ko.

"Sorry para saan, Bridgette?" Kumunot ang noo ko.

"K-kung a-alam ko lang na mangyayari ito ay hindi ko na sana kayo sinumbong ni Lucy kay Ma'am Lorraine. Kasalanan ko kung bakit ka nabugbog. Sorry, Julian. Hindi dapat ako nangialam sa inyo ni Lucy. Patawarin mo ako." Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero iniwas ko iyon.

"Umalis ka na," walang emosyon kong sambit.

"Julian--"

"Umalis ka na, Bridgette, habang kaya ko pang magtimpi. Akala mo madali kitang mapapatawad, baka hindi na kami magkita ni Lucianna dahil sa ginawa mo. Umalis ka na!" sigaw ko.

Tumayo siya at nagdalawang-isip kung aalis na ba talaga pero sa huli ay tinalikuran niya ako. Tama lang 'yan, hindi ko na alam kung paano pa siya pakikitunguhan pagkatapos ng ginawa niya. Tinuring ko siyang kaibigan at pinagkatiwalaan ko pa rin siya kahit ginagago lang pala ako ng tatay niya.

Hindi ako nakatulog dahil sa sakit ng katawan at pag-iisip kung nasa maayos na kalagayan ba ang asawa ko. Lagi kong pinipilit na tumayo at maglakad pero bugbog na bugbog ang buong katawan ko. Hindi rin ako makakakain nang maayos dahil putok ang labi ko, bali rin ang ilong ko, at namamaga ang buong mukha ko.

"Mahal, hintayin mo ako. Sandali lang at magpapagaling lang ako ng kaunti pagkatapos ay lalayo tayo. Lalayo tayo sa kanila, bubuo tayo ng magandang pamilya," bulong ko habang nakatitig sa kisame. Nakatulog ako na ang mukha ng pinakamamahal ko ang nasa isip ko.

Kinabukasan kahit may masakit pa sa akin ay pinilit ko na talaga ang sarili kong bumangon at maglakad. Hindi ko na kayang maghintay pa ng ilang minuto, mababaliw na ako sa kakaisip kung ano na ba ang nangyayari sa asawa ko.

"Julian, may bisita ka," tawag sa akin ni Sister Cara.

Lumapit sa akin ang isang matandang lalake at babae, mukha silang mag-asawa. Mayaman sila base sa kanilang postura at tindig.

"Ano po ang kailangan niyo sa akin?" Imposibleng gusto pa nila akong ampunin sa tanda kong ito.

"Julian, sila ang mga magulang mo," sabi ni Sister Cara na ikinagulat ko nang husto.

"Ano po?" Nabingi yata ako.

"Mahabang kwento pero salamat naman at nakita ka na rin namin. We almost lost hope, we've been trying to find you almost all of our lives since you went missing. I'm sorry that it took us so long to find you," sabi ng ginang at hinaplos ang mukha ko. "Ano'ng nangyari sa iyo, anak? Bakit ganito ang itsura mo?"

Napapikit ako nang mariin. Hindi pa tapos ang problema kaya wala pa akong oras para sa ganitong bagay, kailangan ko munang puntahan ang asawa ko.

"Pasensya na ho kayo pero kailangan ko pong puntahan ang asawa ko. Kailangan niya po ako ngayon." Hawak ko ang tagiliran kong kumikirot at nilagpasan sila.

"Julian!" rinig kong tawag sa akin ni Sister Cara.

"May asawa na siya? Bakit gano'n ang itsura niya?" tanong pa ng matandang lalake kay Sister Cara.

"Mahabang kwento po pero hayaan niyo muna siya." Iyon na ang huli kong narinig sa usapan nila dahil nakalabas na ako ng pinto ng daycare.

Hindi ko inaasahan na makikita ko si Ma'am Tarra na namumutla ang buong mukha at nanginginig ang kamay na may hawak na cellphone.

"Miss Tarra, kumusta si Lucianna? Ayos lang ba siya" Ayan kaagad ang tinanong ko sa kanya. Marinig ko lang na nasa maayos na siyang kalagayan ay magiginhawaan ako.

"Julian, p-pinapasabi niya na huwag ka na raw magpapakita sa kanya kasi magpapakasal na siya kay Simon," sabi niya.

Kumunot ang noo ko, naguguluhan ako. "Hindi niya iyan masasabi. Baka sinabi lang niya 'yan dahil ayaw niya akong mapahamak. Sabihin mong ayos lang ako at kukunin ko siya roon. Hintayin niya lang ako." Naniniwala akong hindi niya iyon magagawa, mahal na mahal ako ni Lucianna.

Umiling siya at pinakita sa akin ang screen ng cellphone niya. Doon na gumuho ang mundo ko at sumabog ang galit sa puso ko.

Napailing ako at hindi ko na alam kung ano pa ang pagpipigil na gagawin ko. Putangina nila! Putangina mo, Lucianna!

"Pampalipas-oras ka lang niya, Julian. Sabi niya iyon sa akin. Natatandaan mo ba noong nasira ang phone niya, dahil sinira mo 'yon, ikaw ang naisip niyang maging libangan. Bago pa man siya magpunta rito, nakatakda na siyang ikasal kay Simon. Pinaglalaruan ka lang niya kaya huwag mo na siyang puntahan, sasaktan mo lang ang sarili mo," sabi ni Miss Tarra at saka umalis.

Pinipigilan ko ang sarili kong magwala dahil sa galit. Nandito ako sa daycare at makikita ako ng mga bata. Parang nawala lahat ng iniinda kong sakit at mabilis akong bumalik sa kwarto kung saan ko naibuhos ang galit ko.

"Julian!" Kinatok ako ni Sister Cara.

Pagkatapos ko siyang ingatan, pagkatapos ko siyang mahalin ng buong-buo ako, handa akong mamatay para sa kanya, ganito lang pala ang mapapala ko!

Pampalipas-oras lang pala ang lahat ng iyon! Putangina!

Hindi maalis sa isip ko ang video na iyon kung saan sarap na sarap siyang nakikipagtalik sa Simon na 'yon. Puta siya! Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagtataksil na ito!

"Julian, ang mga magulang mo, gusto ka na nilang isama at ibigay ang buhay na nararapat sa iyo," sabi ni Sister Cara.

"Isa kang Cabrini, Julian. Babawi kami sa 'yo, anak. Pangako, 'yan." Niyakap ako ng mag-asawa.

Wala ng natira sa aking kaligayahan. Gusto ko na lang umalis dito at kalimutan ang lahat. Hinding-hindi na ako babalik.

Your Lips All Over My SoulWhere stories live. Discover now