PART II: RECONNECTION

45 5 4
                                    

BUM AT BONG

PART II: RECONNECTION

WARREN

Putsa, totoo na ba ito?

Mula sa pagdating niya, hanggang sa unang beses naming magka-usap at magkayakap, at ngayong naka-upo siya sa harapan ko at kumakain, on my birthday, I still can't believe this is happening. May pupwede kayang sumampal sa akin para magising ako kung panaginip man ito?

After that birthday cake candle blowing, Wynter sat on the vacant chair in front of me. Pinuri siya ng mama at papa kung gaano ito kagwapo sa gabing ito. Nagtanong din ang kanyang mga magulang kung kumusta ang naging byahe niya.

Mas masarap ang kwentuhan ng mga matatanda kung kaya puro pakikinig lamang ang aking ginawa. Nakikita ko rin na pasulpot-sulpot ang sagot ni Wynter sa mga tanong sa kanya sa gitna ng kanyang pagkain. Matatas pa rin sa kanyang pananagalong si Wynter pero may punto na rin siya. Nagta-Taglish din. Pinili ko na lang na manahimik at hindi sumali sa usapan unless kausapin ako.

Pero kami ni Wynter na magkatapat? Wala. Kahit nga kanina na magkakasabay kami na kumuha ng pasta gamit 'yung iisang malaking serving fork, nagpaubaya siya. But I insisted na mauna na siyang kumuha pero pinauna niya pa rin ako dahil birthday ko raw. After that, as far as the night goes, we didn't have much interactions.

"What do you pala?" Narinig kong boses ng katapat ko.

Napatingin ako sa kanya. Tinatanong niya ako habang nagrorolyo ng pasta sa kanyang tinidor.

"Graphic artist ako." Maikli kong sagot. "You?"

"I'm a registered nurse." Then kinain niya 'yung pasta.

Ngumuso ako't tumango-tango at bumalik sa pagkain. May tinanong si Tita Gladys sa akin kung kaya sa kanya ako napabaling ng atensyon. May dinagdag din ang mama kung kaya sa mga matatanda ako nakatuon.

"The food's good here." Komento ni Wynter. Nasabi niya lang ito sa kanyang sarili pero nang tumingin ako sa kanya ang siya ring tingin sa akin. "How did you know about this place?"

"Online." Sagot ko. "When I first tried here, binalik-balikan ko na rin kapag may time. Worth going back naman."

"I seldom see this kind of cafe back home. This is a good one. The homey and rustic ambiance makes you feel the comfort of your home." Aniya na bumaling sa paligid at muling bumalik sa akin. "Thank you for bringing us here."

Tumango ako't maliit na ngumiti. "Wala 'yon."

Even these short conversations feel awkward to me. Ramdam ko naman na sinusubukan niyang magsimula ng conversation amid the obvious awkwardness from me and I appreciate that. Ako lang itong nahihiya na makipag-usap. I should step up and try to reciprocate.

"I hope we got to spend time while we're here." Ani Tito Cesar. "Palawan? Boracay? I haven't been to a good beach in a while."

"Baka matulungan tayo ni Bong na mag-ayos ng trip na 'yan," Pagbibida ni mama sa akin. "Tuwing summer na lang ay naroon 'yan kasama mga katrabaho niya."

"Sadly, we won't be here in summer." Sambit naman ni Tita Gladys na bumaling kay Tito Cesar.

Napatingin ako sa kanila. Ibig sabihin, bakasyon lang ang pinunta nila rito. Na aalis rin pala sila. Aalis na naman si Wynter. That thought saddened me inside. Kakarating lang niya, hindi pa nga kami nakakapag-usap ng maayos at nakakapagbonding at nagkukumustahan ng matagal, nalaman ko agad na aalis din pala siya. Ba't ko ba naman naisip na for good na sila rito, eh, ang ganda na ng buhay nila roon?

Bum at Bong (An LGBTQ+ Christmas Short Story Special)Where stories live. Discover now