"Mainit."

Agad ko sinabi na ayaw ko. Nahihiya na ako.

"Fine lalabas na muna ako. Ubusin mo 'yan. Lumabas ka din diyan sa comforter," ani ni Fabian at tumayo. Napatigil ako at tinanong kung galit si Fabian or naiinis ito dahil nagiinarte ako.

Lumingon si Fabian then binigyan ako ng matamis na ngiti sinabi niya na hindi iyon mangyayari.

"Ayoko lang na uncomfortable ka. For sure mga 5 or 10 minutes okay ka na. Nahihiya ka sa akin ano pa magagawa ko?"

Hindi ko alam ano naisipan ko at bigla ko nabanggit ang ex wife ni Fabian.

"Maswerte ang first wife mo sa iyo for sure."

Nagbago ang expression ni Fabian. Hindi ko alam kung imagination ko lang ngunit—

Umupo si Fabian sa tabi ko at sinabi na hindi siya kasal.

Napatigil ako at naguguluhan na nakatingin sa kaniya.

"Dapat siguro sabihin ko na sa iyo before mo pa makilala parents ko," ani ni Fabian at napakamot sa ulo.

"May twin brother ako. Identical twin kami  at siya ang tunay na ama ni France. Wala ako asawa," ani ni Fabian at pinakita ang kaliwang kamay niya.

Hindi ko alam kung saan ako magugulat. Doon sa hindi talaga ama ni France si Fabian or doon sa wala itong asawa talaga.

"See? May problema ako sa pakikipag-interact sa mga babae. Ikaw lang nahahawakan ko," ani ni Fabian. Doon tinanong ko siya kung bakit.

"Dahil sa will ko," ani ni Fabian. Then inutusan na ako ni Fabian tapusin ang pagkain at mag-shower na ako.

"I think mga 4 hours na lang darating na sina mom."

Muntikan ko na maibuga iniinom ko after marinig iyon.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Wait! Mamaya na ako kakain."

Tumayo na ako at dahil nakabalot pa din ako sa kumot muntikan na ako masubsob kung hindi lang nahawakan ni Fabian ang bewang ko.

"I think mas need ko i-improve pa reflexes ko. Lagi ka na lang nasubsob," ani ni Fabian. Agad na namula ang mga pisngi ko at bahagya siya tinutulak.

Natawa si Fabian at tumayo. Inalis iyong comforter na nasa ulo ko itinapon iyon sa kama.

"Kumain ka na muna. 4 hours pa naman isa pa wag ka na mag-alala. Magluluto ka na lang ako na naglinis kanina sa baba."

Umupo ako sa gilid ng kama then inabot niya sa akin iyong bowl ng soup.

Naiinis ako sa idea na napakabait ni Fabian. Sa sobrang perfect nito natatakot na ako.

"Paano kapag hindi ako nagustuhan ng parents mo or in future hindi ako maging mabuting asawa sa iyo," bulong ko. May anak na ako, divorce tapos ganito pa mukha ko.

Tapos nalaman ko pa na wala pa nagiging girlfriend si Fabian at— napatigil ako sa pago-overthink ng mahina na pinitik ni Fabian ang noo ko.

Napaangat ako ng tingin. Ngumiti siya and may isang scenario pumasok sa isip ko.

Isang guy at naka-school uniform. Malabo ang mukha niya. Nailing-iling ako at hinawakan ang noo ko.

"Wag ka na masyado mag-overthink. Trust me magugustuhan ka nila," ani ni Fabian. Sinalubong ko ang tingin niya at tinanong kung paano nalaman  nito.

"Dahil gusto kita. Special ka— ang they always respect my decisions and choices."

Ngumiti si Fabian at kahit sabihin iyon ni Fabian hindi ko pa din maiwasan kabahan. Bumaba ang tingin ko. Wala akomg confidence. Hinawakan ni Fabian ang kamay ko dahilan para napatingin ulit ako sa kaniya.

The Billionaire's Ugly WifeWhere stories live. Discover now