➴ Chapter 4: What to Say

109 9 3
                                    

《 After Cupid's Wings Were Clipped 》

#AntonCaloyWP

Pa-donate po ng punong-kahoy kahit 'yung emoji lang. Ipangsisiga ko lang ng apoy, baka sakaling makakuha ako ng inspiration at motivation sa usok. This chapter is curated with Mahal na Mahal by Sam Concepcion kasi I don't know why~ bakit nga ba? :>

»»——————««

Anthony's Point of View

"Hoy, p'wede bang kumain ka nang maayos?" 

Tumaas ang tingin ko sa harapan nang marinig ang isang mabigat na boses. Gamit ang tinidor niya, agad akong dinuro ni Enrique habang masama ang tingin.

"'Yung mangga mo nangingitim na! Kanina pa 'yan!" angil niya sa 'kin. Wala sa oras akong napapitlag nang pinigilan ko ang tinidor niya na tutusok na sana sa pagkain ko.

"Saglit nalang 'to," nakangiwing sagot ko kung saan naningkit agad ang mga mata niya.

"Dude, sa first period napurga na ako sa Pre-Calculus. Kasing kapal ng budhi ni Mrs. Fajardo 'yung libro do'n! Pati ba naman dito 'di ako tatantanan n'yan?"

Nanindig agad ang balahibo ko. Sa pagngiwi ko nang matindi ay hinampas ko sa kaniya ang librong hawak ko't kunot-noo akong naglibot ng tingin sa cafeteria. Buti nalang halos mga limang lamesa ang layo ng ibang estudyante para marinig siya.

"Mag hunos dili ka nga." Nagpantay ang mga kilay ko sa kaniya dahilan para agad siyang ngumiwi habang sapo-sapo ang ulo.

"Totoo naman, ah?" angil niya sa 'kin. "Makapal naman talaga budhi no'n!"

"Enrique, school officer ka." Nagpantay lalo ang mga kilay ko. "She's still the school director, anong tingin mo mangyayari kapag narinig ka nila?"

"Wala akong naririnig, muted ka ata," sarkastikong aniya bago prenteng tumingin sa pagkain niya.

"Gusto mo ba'ng ma-petsa peligro 'yang graduation mo?" angil ko.

Sa tanong ko na 'yon ay pag-ismid ang ginawa niya. "May magagawa ba talaga sila d'yan kung okay naman performance ko? Unless i-fabricate nila records ko, malabo 'yan."

Nanatiling pantay ang mga kilay ko't wala sa oras akong napatikom ng bibig. Sa kakaibang kabig ng dibdib ko, may mabilis akong naalala. Ako lang pala 'yung naiiba sa 'min. Kung may magagawa man si Mrs. Fajardo o kung sinong teachers dito, sa 'kin lang applicable 'yon.

"Why do you need communication skills?" Bumaling ang tingin ko kay Jane na nasa gilid niya. "Is it for the kid you asked for, last time?"

Mabilis na bumaba ang tingin niya sa gilid ko dahilan para sundan ko 'yon. Ang mga librong nakatambak sa gilid ng plato ko ang una kong nakita, saka ko lang napansin ang dami. Huminga ako nang malalim.

Puro public speaking at communication tips. Ang karaniwang titles ay may 'introvert' na kung anong nakalagay. Meron din ata na naligaw dahil para sa corporate job at team communication ang title. Dinampot ko lang naman kasi ang una kong nakita kanina sa library.

Naramdaman ko ang mabusising tingin ni Enrique. "What kid? Ano 'yan?" 

Wala sa oras akong pumwersa ng ubo. "What's going on with the alleyways? Makakapunta ba tayo ngayong araw?" Pagbabago ko ng usapan bago pasimpleng kinapa ang yellowpad na nasa gilid ko.

"Ah, si Villanueva ba?"

Halos malukot ko ang yellowpad nang matindi akong napangiwi sa binalik niya sa 'kin. Wala sa oras kong sinarado ang libro ko sa yamot dahil narinig ko ang bungisngis niya. Bukod sa away at tsismis, d'yan lang ata natural na mabilis utak niya.

Backfiring Cupid's Arrow (Marahuyo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon