Napapikit sya ng mariin bago huminga ng malalim at tumayo kaya napa hinto ako sa pagtawa.
" You know what forget it, pumunta kana sa inuutos ko sayo dahil wala na kong mood i share sayo ang pagkain ko".

Sagot nito bago lumikod at hahakbang na sana palayo ng agaran kong hablutin ang kamay nya. Tumayo ako tsaka ko inabot ang mga braso at pinaharap sa akin. Nakita ko ang kunot at naiinis nitong mukha kaya nginitian ko na lang ito ng tipid dahil sa totoo lang iba talaga ang kabang nararamdaman ko kapag ganito ang itsura nya.

"Eto naman hindi na mabiro. Lets eat na sayang yung foods oh. Sige na ma'am sorry na po di na mauulit pramis last na yun". Panunudyo ko rito bago sya paupuin sa inupuan ko kanina at tinabihan ito.
Hindi na sya umiimik kaya ako na lang ang nag presentang kumuha ng mga utensils at maglagay ng pagkain sa plato nito. Binuksan ko yung mga Tupperwares at tambad sa akin ang nakakatakam na mga pagkain.
Chicken Adobo, Spicy buttered sprawn and a Pad Kra Pao Moo - para syang bicol express ng mga thai.
Tinanong ko kung anong gustong una nitong kainin ngunit inagaw nito yung untensil na hawak ko at hinayaang sya na mismo ang kumuha ng pag kain nya habang ako ay ngingiti ngiting pinagmamasdan ito.
Matapos nyang lagyan ng mismong yung tatlong pagkain yung plato ay inilapit nya ito sa akin kayat taka ko syang tiningnan.

She looked at me and motioned me to eat. "Now eat". Sabi nito.

" Huh, ma'am ano paano ka?". Tanong ko

"Eat that dahil kakain na rin ako". Sagot nito at kinuha yung plato ko tsaka tumusok sa may adobo.

We started eating peacefully. Sobrang sarap nong foods kaya enjoy na enjoy ako sa pagkain.

" Ang sarap ng foods, sinong nahluto nito? ".

"Me". Maikli nyang sagot habang maingat na kumakain.

" Weh dinga totoo ikaw?". Hindi makapaniwala kong tanong dito na syang nag pa frutrate sa kanya.

" If you don't believe me at all then better not to ask questions". Masungit nyang turan kaya napa tango ako at ngumiti ng matamis rito.
Grabe ah matalinot ubod na nga ng kagandahan, marunong pang mag luto. Wife material she swerte ko naman kung sya mapapangasawa ko.

"Ang wife material mo naman pala ma'am baka pwedeng huwag na nating patagalin toh. Pakasal kana sakin". Tudyo ko na nahpairap sa kanya.

" Dream high Monterey but that never gonna happen". Sagot nya kaya napatawa na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

After naming kumain kanina ay as usual ako ulit ang nagligpit. Nag pahinga muna ako ng ilang minuto bago sundin yung inuutos nya kaina dahil may ilang minuto pa naman bago ang uwian.
Nang lumabas ito galing banyo ay may dala itong sweat shirt na green. Lumapit ito sa kinauupuan ko ang lend me it to me na syang taka kong tinanggap. Buong araw atta akong magtataka sa may kabaitan nitong ugali ngayon.

" Change your clothes, pawis na pawis ka kanina". Sabi nito bago ako talikuran at bumalik sa table nya.

"Eh ma'am i have my spare clothes sa office ko po so no need". Tanggi ko dito na inilingan nya lang kaya wala na akong nagawa kundi sundin ito. Naglakad ako papasok sa comfort room nito at nagpalit sa damit na inilahad nya. Kasyang kasya ito sa akin kaya comfortable ko itong isinuot at ayusin bago ako lumabas. Mula sa pagtitipa sa desktop computer nya ay napatigil ito at lumingon sa akin. Nakita ko ang pamumula ng magkabilaang pisngi nya kasabay ng pagiwas nito at marahang paglunok. Naglakad ako pabalik sa sofa at tinupi ang damit na hawak ko bago ito hinarap.

"Ahmm ma'am may ipapagawa paba kayo sakin after neto? ". Mahinahon kong tanong. Hindi ako nito nilingon bagkos ay umiling lang ito at palipat lipat ang tingin sa computer at sa librong masa ibabaw ng mesa nya.

" Wala na. Why"?. Maikli nyang tugon.

"Baka pwedeng sa office na lang po sana ako dadaretso ma'am para you know mag shower pero kung ayaw nyopo ay pwedeng dito na lang ako mag shower tapos sabay ka hehehe". Mapang asar kong sagot dito na ikina buntong hininga nya at lumingon sa akin na walang emosyon. Inayos nito ang supt nyang salamin before she leaned in her table.

" Hindi ka ba nag sasawang asarin ako Monterey". Magkasalubong na kilay nitong sambit kaya napatawa ako ng wala sa oras at umiling.

"Hinding hindi ma'am lalo nat ikaw na yan tsaka hindi asar yun".

" Ano panlalandi". Inis nyang sagot bago bumalik sa ginagawa nya.

"Its called panlalambing, panliligaw pambibingwit ganon ma'am".

" I'm not a fish Miss Monterey para bingwitin mo". Pambabara nya na syang nagpatawa sa akin.

" Wala naman akong sinabi ma'am". Sagot ko sa kanya. She looked at me with a frown face.

" You know what, pumunta kana lang sa inuutos ko bago pa ako mawalan ng pasensya't umuwi kang kulang yang ipin mo". Masungit nitong pagkakabigkas kaya agaran ko itong sinunod dahil baka mawalan talaga ako ng tatlong ipin dahil sa sama na nito makatingin. Bago ako lumabas ay ipinaalala ko rito yung dinner date namin bukas ng gabi at sinabing susunduin ko na lang sya para sabay kaming pumunta sa restaurant na pina reserve ko tsaka palusot ko na rin iyon para malaman yung address ng bahay nila.

Lumabas ako sa opisina nya hawak yung mga documents na nakalagay sa isang brown folded envelope na kailangan kong idala sa dean. Nag lakad ako papasok sa isang bakanteng elevator at pinindot ang unang palapag.
Pinuntahan ko ang opisa ng dean na Hindi kala yuan sa office ko tsaka inilahad sa kanya ang folder na dala ko bago nagpaalam na pupunta na sa sarili kong lungga.
Pumasok ako sa office ko at dumaretsong banyo para maka ligo at makapagpahinga muna bago umuwi.

_________________________________________
:)






Match Made in HeavenWhere stories live. Discover now