Chapter 18

125 7 0
                                    

Eli

"Okay ganito ang gagawin natin, yung mga maliliit sila ang sa harap tapos tayong malalaki dito sa likod para sa likod ang lakas natin maliwanag. Kita nyo naman may  over size sila. Basta kapag sinabi kong pull hilain nyo ng malakas kuha nyo ba? ". Mahaba kong lintaya sa mga kasama ko. Lalaruin kasi namin ngayon ay bunong lubid -𝘰𝘩 𝘥𝘪𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘳𝘰.
Sabay sabay naman ang mga itong tumango kayat nagsipwestuhan na kami. Dahil ako yung leader nila ay sa unang buhol ng lubid ako pumwesto ganon din si maui sa kabila dahil sya ang katunggali namin.

"Good luck sa inyo couz. Ingat ka baka maputol little Eli mo". Pabiro nitong bulong kaya natawa kami pareho. Nang handa na ang lahat ay pumito na si Mrs. Ocampo kayat todo hila ang ginawa namin. Kailangan lang naming mapalampas sa linyang iginuhit nila yung panyong kulay dilaw.

"Isa dalawa tatlo hilaaa". Sigaw ko sa mga kasama ko. Malapit na sana naming mapalampas yung panyo nang biniglang hinila ng ubod ng lakas sa kabilang grupo yung lubid kaya naisama kaming lahat at bumagsak kami sa buhanginan. Sa huli ay grupo nila Maui ang nanalo kaya todo kantyaw ngayon ito sa amin ni sachie. Sunod na kinalaban nila ay yung mga nanalong ibang grupo hanggat down to two groups na lang ang mga lalaro. Sa huli ay grupo nila ang  nanaig at exempted na sila sa exam ng Misis ko. Speaking of her, bigla bigla na lang itong nawala.

Nang matapos ang mga  laro namin ay nagpasya kaming mag ihaw sa gilid ng dagat. Pasado alas 4 narin kasi ng hapon kami natapos at dama na naming lahat ang pagod at gutom. Since seafoods ang perfect ihawin dito ay nag pabili ako kila Leo ng mga pusit at lobsters sa bayan kanina and it is all my treat dahil wala namang available na stocks yung restaurant dito tsaka mas masarap kung fresh ang iihawin namin.

Kanya kanya kaming prisinta ng gagawin, ako at itong dalawa ay sa pag iihaw samantalang yung iba naman ay sa paghahanda ng lamesa at iba pang mga pagkain.

Habang nag iihaw ako ay panakanaka naman akong tumitingin sa paligid upang hanapin ang babaeng kanina kopa hindi nakikita. Matapos kasi yung laro kanina ay bigla na lang itong nawala, hindi ko alam kung saan nagpunta. Balak ko pa sanang batiin ng Happy Valentine's kanina kaso hindi ko naman ito magawang lapitan dahil kailangan kong alayayan ang mga ka grupo ko sa laro. Akala ko nga kanina ay tinangay na sya ni tukmol pero nakita ko naman itong busy sa pag sisiga ng bonfire. - 𝘚𝘢𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘨 𝘱𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦𝘯𝘨 𝘺𝘶𝘯.   Tanong ko sa sarili ko habang binabaliktad yung mga pusit na iniihaw ko.

" Hoy ! kanina kapa  hindi mapakali jaan. May problema ba"?  Tanong ni chie habang nag gagayat ng mga sibuyas.

"Yanga kanina kapa palingon lingon sino bang hinahanap mo ah? ".  Dugtong pa ni maui na nakaupong  nanonood lang sa amin . Tamad talaga ng babaeng toh kahit kailan.

" Eh kasi kanina kopa hindi nakikita yung misis ko. nakita nyo ba"?  Agaran kong sagot sa mga ito. Nakita ko ang pagngiwi ni sachie habang itong isa ay umiiling.

" Maka misis ka akala mo kasal kayo ". Ani ni maui. Tiningnan ko naman ito ng masama dahil panira sya.

" Bakit ba? Eh sa ayaw at sa gusto nyong lahat ay Misis ko na sya period tska imbes na maging kontrabida ka jan eh bat hindi ka tumulong duon para naman may kwenta kang makikikain mamaya".

Tumawa ito at nagpangalumbaba. "Ang  assuming mong babae ka eh inis na inis nga yong propesora sayo eh".

" Ano naman, the more  you hate the more you love kaya". Sagot ko dito na nag pailing na lang sa kanya. Patuloy lang ako sa pagiihaw habang yung dalawa ay nagpasya munang umuwi sa mga kubo nila ng may lumapit sa aking mga babaeng turista.

Match Made in HeavenWhere stories live. Discover now