Chapter 21

230 8 0
                                    

𝘌𝘭𝘪

"Misis ko kausapin mo naman ako, let's talk what happened between us". Nakauwi na kami galing ng siargao noong Martes ng tanghali kayat, ilang araw nya na rin akong iniiwasan simula noong gabing may mangyari samin.

Nagising na lang ako sa sarili kong kama na wala na ang katabi ko. Kinabukasan noon ay sinubukan ko itong kausapin at sinadya ko pa itong puntahan sa opisina nya nang makabalik kami pero hindi ko ito naabutan.

Kapag oras naman ng klase ko sa kanya ay hindi man lang nya ako matapunan ng tingin, I also tried to approach her after our class pero hindi pa man ako nakakatayo sa upuan ko ay nakalabas na ito.

She looked at me straight to the eyes without any emotions. "Wala dapat tayong pagusapan Miss Monterey and what happened between us is just a mistake, you should forget it."

"Mistake! So you mean to say na wala lang sayo Yun!" Hindi makapaniwalang sabi ko rito.

"Yes". Maikling sagot nito.

"You're truly unbelievable, paano ko makakalimutan yun if I know I am your first night." I said teasing her but wrong move dahil inirapan ako nito.

"And you should be thankful because I didn't sue you for taking advantage of my drunken body ". Sagot nya kaya napanganga ako rito. kakaiba Talaga ang babaeng ito.

"Taking advantage of you? Baka nakalimutan mo misis ko na ikaw ang unang humila sakin  at ikaw rin ang unang humalik, I even ask you if you're sure about it and you answered wholeheartedly". Nakangising sabi ko rito dahil totoo naman diba. Kahit basahin nyo ulit yung POV nya.

" Ang kapal mo naman Miss Monterey, I was drunk that time that's why I am not in my proper mind.... stupid ."

"Okay sige but the sound of your voice while you know 'moaning my name' will be my favorite sound. Hmm hmm misis ko".

Saad ko habang tinataas baba ko ang mga kilay ko na may nakakalokong ngiti pa. Namula naman ito at umiwas ng tingin, hahaha hangkyut nitong mapapangasawa ko - oo sya ang gusto kong maasawa dahil desisyon ako.

" You know what! You're so dumb stupid. Bahala ka na nga jaan ". Pairap nitong sagot at dali daling umalis sa harap ko.

Tumawa ako ng malakas habang tinitingnan ang papalayong pigura nya.
'I swear Dion Jeazca Del Fuego, you will be mine and know one can stop me'. Sabi ko sa sarili ko bago ako umalis.

Dumaretso ako sa loob ng opisina para magpalit ng damit dahil pawis na pawis ako. Ang init kasi ng panahon kaya tumatagiktik rin ang pawis ko.

Tumambay muna ako dito sa loob ng ilang minuto bago napagpasyahang tumungo sa cantina dahil nag text itong si maui na may nag hahanap daw sa akin.

Dumaretso ako sa bakanteng elevator tsaka pinindot ang ibabang building. Pagkababa ko ay lumabas na ako mula rito tsaka naglakad patungong cafeteria.

Nang makarating ako dito ay agad kong hinanap yung dalawa mula sa mga nakaupong kumakain. Agad ko silang nakita sa mismong pwesto namin na abalang kumakain. May kasama ang mga ito na sa tingin ko ay yung babaeng ikinasal namin kay maui. Nag aaral din kasi sya dito at scholar bukod pa duon ay pumapasok din sya bilang isang vocalist sa bar ni Sachie.

Linapitan ko ang mga ito at nagtungong likod ni maui bago ko ito tinampal sa may bandang balikat nito. Napadaing naman ito at kamuntikan ng mabulunan dahil sa ginawa ko.

"Aray ko ! bwesit ka papatayin mo ba ako". Inis nitong wika habang sinasamaan ako ng tingin kaya tinawanan ko ito.

" Sensitive mo naman cous, ang hina kaya non". Ngisi kong sambit habang hinihila ang upuan sa tabi ni Sachie na ngingisi ngisi.

Match Made in HeavenWhere stories live. Discover now