Chapter 2 - Mistaken Identity

Start from the beginning
                                    

Bago pa ito makalayo ay muling humarang si Ace sa unahan ng babae at tinitigan ito. "Alam kong nagpe-pretend ka lang na hindi mo 'ko kilala para matakasan mo ang atraso mo sa 'kin."

"Again, mister–"

"Ace. My name is Ace."

"I really didn't know you, Ace. I haven't seen you before," she answered irritably.

"You did. I'm sure we'd met before," puno ng kombiksyong sagot ni Ace.

Hindi siya maaaring magkamali. Sa loob ng pitong taon ay hindi na niya mabilang ang mga kulot na babaeng nakita. Ang ilan nga sa mga iyon ay nakarelasyon pa niya. Pero ni minsan ay walang nakapagpabagal ng ikot at nakapagpatahimik sa mundo niya.

"You must have mistaken me for somebody else," dismissive na sagot nito saka muling sinubukan na lampasan siya.

Ace had no intention of letting her get away. Kaagad siyang humarang sa harapan nito. "It's you. I can bet my life on it."

Sa tanang buhay ni Ace ay dalawang beses pa lang itong nangyayari—ang parehas na insidenteng 'yon ay dahil lang nasulyapan niya ang mukha ng magandang estranghera sa harap niya.

Humalikipkip ang babae saka siya matalim na tinitigan. Hindi natinag si Ace. Nilabanan niya ang matiim na pagtitig nito. Ilang saglit silang tahimik na nagsukatan ng tingin.

"I think I know to whom you'd mistaken me." Pakiwari ni Ace ay lumundag ang puso niya nang unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi ng babae. "You said we met in a bar, right?"

Ace nodded. He's looking at her smiling lips, mesmerized.

"Am I heavily intoxicated?" tanong nito na itinuro pa ang sarili.

"Nakainom ka, pero sigurado akong hindi ka lasing. We talked for quite some time that night."

"I kissed you, you said?" tanong nito na gumawa pa ng air quotation nang sabihin ang salitang 'kissed.'

Muling tango ang naging sagot ni Ace.

"I kissed you. Twice, you said. That means I'm so into you. Why haven't we seen each other after that night? I'm sure we exchanged contacts."

"We haven't gotten to that part. You suddenly disappeared that night."

An amused smile curved her lips. "I disappeared? I ghosted you?"

Umigting ang mga panga ni Ace, napipilitan siyang tumango.

"Why, am I not surprised? It's her classic move. I should have connected the dots earlier," she murmured while shaking her head. "It was my twin sister you'd met. Siya ang extrovert at mahilig mag-party sa 'ming dalawa." She shrugged her shoulders before she looked directly into his eyes. "I can only speculate why my twin sister ghosted you. To be honest, all speculations running through my mind right now are entirely against you."

Nagsalubong ang kilay ni Ace. Magtatanong sana siya nang itaaas ng babae ang kamay.

"Oh, save it. Alam ko na ang mga gusto mong itanong. Pare-parehas ang laging tanong sa 'min ng mga tao every time malalaman nila na kambal kami. Save your breath; I'll just answer them."

Itinaas nito ang kaliwang kamay, nakataas ang hinliliit. "'Are we identical?' Obviously, yes. Heto nga't nalito ka sa 'ming dalawa." Itinaas nito ang palasingsingan, tanda na nasa ikalawang tanong na ito. "'Can we read each other's minds?' Obviously, not. Kung nababasa ko ang isip niya'y siguradong noon pa lang ay nalaman ko na kaagad ang kalokohang ginawa niya." Muli nitong dinagdagan ang nakataas na daliri. "'Who is the first to be born?' Her. But I can assure you, I am the mature and responsible one. I'm not the type to go around kissing random dudes."

MISSION 4: Pleasing YouWhere stories live. Discover now