Confrontation

52 4 0
                                    

Becky's POV


Its been a week since I left there. It's hard but I have to do it. Masakit lalo na para sa kanya pero kailangan ko gawin ito.


Kailangan ko munang patawarin ang sarili ko para matanggap ko ang lahat ng nangyari. Ni hindi ko pa nadadalaw ang puntod ng anak ko after siya ilibing.Alam ko na sa loob rin ng isang linggo pinupuntuhan ako ni Freen pero di ko pa siya kayang harapin.


"Anak!" tawag sa akin ni mommy.


Kasalukuyan akong nagpapahangin sa veranda ng kwrato ko.


"Nakaalis na siya."pagpapatuloy niya. Habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ko at umupo sa isang upuan na nasa harap ko.


Hinawakan niya ang kamay ko at muling nagsalita.


" Hanggang kelan mo siya titiisin nak?" tanong niya sa akin.


A sad smile form on my lips.Yeah until when?...


" Di ko alam mom. Di ko pa kayang harapin siya."sabi ko sabay iling.I bow my head and bit my lower lips just to stop my tears whose about to fall.Ayokong makita ni mommy ang mga luha ko pero alam kong nararamdaman niya ang nararamdaman ko.


" Wag mo nang siyang pahirapan pa nak, lalong lalo na ang iyong sarili. Di man madali pero kailangan mong tanggapin sa puso't isip mo na minsan sa buhay natin may mawawala at may dumarating. Malay mo balang araw may mas na dadating pa sa inyo. Gusto mo bang umiiyak at nasasaktan rin ang baby nyo habang nakikita kayong nagkakaganito?"


Umiling ako sa sinabi niya. Humihikbi na ako sa pagkakataong ito dahil sa mga sinasabi niya. Nagpatuloy siya sa kanyang pagsasalita habang hawak pa rin ang aking mga kamay.


"Kahit anong gawin mong pagtataboy sa kanya, she will never give up on you, on your relationship. She never and will never give up on you, tandaan mo yan.Pakinggan mo ang sinasabi nito," turo niya sa puso ko.


Tuluyan na akong napaiyak dahil niyakap niya ako pagkatapos niyang sabihin iyon.


"May dala pala siya para sayo, paborito mo", sabi niya habang hinahagod ang likod ko at pinapatahan ako.


"M-mommy....." umiiyak kong sambit sa kanya habang mahigpit na nakayakap sa kanya.


No one's gonna replace the love of this woman. The love of a mother to her daughter or her son.

 Ang swerte ko dahil siya ang mommy ko.


"sssssshhhh...Tahan na... Fix yourself na dahil kakain na tayo, sumunod ka na, ok?."she said while patting my head and kiss me in the forehead before she leave my room.


I sighed when mom left. Hanggan kelan nga ba? Tanong ko sa sarili ko na kahit ako ay hindi ko alam ang sagot.

HEAVEN KNOWSWhere stories live. Discover now