" Yan kasi ang nauna couz sya pagsabihan mo". Sumbong nito sa kanya kaya inirapan ko na lang. Sumbungerang isip bata.

"Enough lets go". Malamig namang sabi ng isa kaya sumunod na lang kami.

Rinig mula dito sa hindi kalayuan ang malakas na  tugtog at mga nagsasayang sigawan ng mga tao. Literal na Pool party talaga toh na may mga alak at malakas na musika. Hindi naman yung sobrang lakas dahil sakto lang, tsaka nakakahiya naman sa ibang mga turista.

Pumayag na din kasi ang skwelahan sa hiling ng mga studiyante kanina kaso may limit. Dapat pagsapit ng alas dose ng umaga  ay naka balik na  sa mga hotel rooms ang lahat ng studiyante para maiwasan din ang disgrasya. Bawal ding may lumahok na ibang mga turista dahil alam nyo na, for goods din.

Nang makarating na kami dito ay samut saring mga papuri ang natanggap naming tatlo. May ilan pa ngang mga studiyante ang naka tulala at nakakanganga ng makita kami. Suss that's how a Monterey's charm work.  

Sa Hotel lobby kasi namin ito napagpasyahang gawin since malaki naman yung pool. May mga nag abot pa sa amin ng mga drinks at nang makarating kami sa may pool area ay wala na ang Maui na kasama namin kanina.

Umupo kami ni Chie sa gilid ng pool at nakipag kwentuhan sa mga babaeng nakababad malapit dito.
Palinga linga din ako sa paligid upang magbakasakaling makita ang taong hinahanap ko. Asan kaya yun? Hindi ba sya pupunta o makiki join dito? Ano kayang suot nya? Sunod sunod kong tanong sa sarili ko ng maramdaman kong may humalos sa hita ko. Pag tingin ko ay si Travis na halatang may tama na. Agad kong tinampal ang kamay nya na syang ikinangisi ng manyak nato.

" Hi baby, you're so hot tonight". Nakangiti nitong bungad sa akin habang malagkit ang tingin nitong hinahagod ang katawan ko.

   " Pwede ba travis lumayo layo ka sakin, ang sagwa mo". Inis kong  sagot dito at umusod pa lalo sa katabi kong busy sa pakikipag kwentuhan.

" Come on baby just one night and i swear ill make you feel good". Malandi nitong bulong sa tenga ko  at biglang hinimas nito ang hita ko. Agad akong napatayo mula sa aking pag kakaupo at inis ko itong sinipa pabagsak  ng pool.

" What the fuck is wrong with you". Inis nitong sigaw na nakapag pabaling ng ilang malapit na  taong nakarinig nito. Agad akong dinaluhan ni Sachie at lumapit din si Maui sa akin. Pagalit ko itong tiningnan habang pinipigilan  ang sariling ipukpok sa kanya itong boteng hawak ko.

" What is wrong with me? Well i tell you! Stop annoying me or else ipapakaladkad kita sa mga tauhan ko palabas ng hotel ko at ipatapon sa dagat upang pulutanin ka ng mga pating don! ".  Inis kong sagot dito. Nakita ko ang pagdaan ng takot sa mukha nya ngunit napalitan agad ito ng ngisi.

" Haha you cant do that im a tourist here". Sagot nito.

" Oh yes i can and i dont care if your a tourist or even a student in our University. I can pay your life if i wanted". Ngisi kong sagot sa kanya na ikina tahimik nito. Halatang natakot.
"So dont dare me Travis Santillian dahil isang piltik ko lang sa kamay ko ay makikita mo ang impiyerno". Dagdag ko pa dito tsaka ito inirapan at umalis.

Kinamusta ako nitong dalawa kung okay lang ba ako na sinagot ko naman ng tango.

-𝘏𝘮𝘮 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢 𝘯𝘢𝘪𝘴𝘪𝘴𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘵𝘢𝘰𝘣 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯.  Pwera na lang sa misis ko.

Ilang minuto pa kaming nag usap at sinamahan nitong dalawa bago magpasyang kumuha ulit ng maiinom namin. Panay ang linga ko sa paligid upang hanapin ang babaeng gustong gusto ko ng makita pa. Hindi ko kasi nagawang mabati ito kahapon at kanina naman at busy kami sa feeding program na ginawa namin.

Match Made in HeavenWhere stories live. Discover now