Three

0 0 0
                                    


Faye Dela Cruz

INAANTOK na pumasok ako sa school dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Palagi kasing pumapasok sa isip ko ang kahihiyan na iyon hindi ako pinapatulog.

Nakakainis na pumasok talaga sa isip ko na baka visible lang sa akin ang post na iyon ni Markus. Hindi nga kami magkakilala at lalo'y hindi pa namin nakikita ang isa't isa sa personal.

Sa social media lang talaga.

Mas lalo pa akong nainis ng bumungad si Rina sa akin sa gate kasama nito sila Shaina at Bea. Himala at nandito si Shaina na laging wala nitong nakaraang araw. Pilya akong nginitian ni Rina nagsisimula na naman ang gaga sa pang-iinis.

“Hello Faye did you sleep well kagabi?” Rina greeted me happily, nakalimotan niya sigurong naka block siya sa kin.

Inirapan ko lang siya at lumapit kay Bea na ngayon ay kumakain ng Ice cream na cookis and cream ang flavour, Iba rin talaga itong buntis na ito it's 8:45 in the morning tapos nag i-ice cream.

“It's too early para diyan bea.” kunot noo kong saad kay Bea na tinignan lang talaga ako nito at para bang sinasabi nitong 'anong pake mo?'

Isang malalim na buntong hininga nalang ang pinakawalan ko nakakainis talaga.

Tinawanan ako ni Rina kaya pinagsingkitan ko nalang siya ng mata. “How's your sleep faye siguro sarap na sarap ka dahil napanaginipan mo si ma-ahhh!” hindi ko na pinatapos pa ang walang hiya na si Rina dahil kinuha ko ang kinakain na ice cream ni bea na napatulala sa bigla kong pagkuha noon at nilagay ko sa bibig ni Rina.

“Masarap?” tanong ko kay Rina na ngayon ay masama ang tingin sa akin.

“Hey! That's mine.” reklamo ni bea na parang ngayon lang na realized na wala na yung ice cream na hawak at nagmamakdol na tinignan ako.

“Gusto raw ni Rina kaya binigay ko.” pang bwebwesit ko pa lalo kay Rina. Hindi na maipinta ang mukha nito kaya alam kong babawi ito sa akin.

Nginitian ko siya ng pagkatamis tamis.

“Para kayong mga bata.” napalingon ako sa kinaroroonan ni Shaina. Seryoso ang tuno ng boses pero hindi naman galit, I know naman na natutuwa ito kapag ganito kami bangayan ng bangayan.

“By the way faye, i saw your name sa post ni Markus. Nangunguna ka pa talaga with HAHA reaction.” Shaina said.

Seriously? Pati ba naman siya!

“Who's Markus? Iyong archi student ba? Yung nag post ng video without doing anything?” Maarteng sabi ni bea.

“Yes! I think Faye has a crush on him!” Rina said while clapping her hands. Aba! Ginawan pa ako ng kwento ng bruha.

“Bwesit ka! Hindi ko iyon gusto naiinis ako sa pagmumukha ng badoy na iyon.” humalukipkip kong saad.

Tinignan naman ako ni Shaina na para ba akong tinubuan ng dalawang mukha pero wala naman itong sinabi maliban sa dalawang gaga na gumagawa na ng kwento.

“Oh my god! What if na love at first sight pala si Faye ano?” Bea said at parang na nanaginip pa itong gising.

“I knew it! Ganun ang mga type ni Faye gosh.” ani ni rina na parang mahihimatay at ito naman si Bea ay kunwaring pinapaypayan si Rina. 

Kahit kailan ay mga lokang loka talaga. Ang inis ko kanina ay nawala dahil sa dalawang ito.

Hindi na ako nakatiis ay tumawa ako sa pinaggagawa nila tangina.

Co-Love-boration Where stories live. Discover now