Back to Trishia’s world na :)) so, yung set up ng story babalik sa pag ka ospital niya. Ok? Don’t be confused kung bakit bumalik ulit. ‘yun lang ^^
_____________________________________________________________________________
TRB 10: Hell day with them
*Trishia’s POV
O_ -
-__-
-_O
-__-
O_O
Pag mulat na pag mulat ko ‘eh hindi naman na ako na shock kung bakit ako nandito sa ospital. Eh malamang sa malamang ano bang ginagawa dito? Alangan naman dinala ako dito para lang matulog, eh ang ganda ganda ng bahay ko.
Ang ikinagulat ko lang ‘eh kung bakit nandito tong lalaking ‘to sa tabi ng kama ko at natutulog habang naka upo. Anong ginagawa niya rito? Aba’t talagang hindi na ko nilayuan ng malas sa mundo ah!
Sinubukan kong gumalaw pero ang bigat ng pakiramadam ko at biglang sumakit ang ulo ko. Shet naman oh! Ano ba naman ‘to,, ano bang ngyari sakin at nandito ako?!
“aray!” sigaw ko sabay hawak sa ulo ko. Eh sa masakit nga eh’ bakit ba!
Hindi naman ganun kalakas ‘yung pag sigaw ko pero nagising naman ‘tong si SAM este, Jared pala.
“Oh, finally nagising ka na rin.” Sambit niya sabay tumayo at nag inat inat pa.
“grabe naman maka react! Bakit? Halos isang taon ba ‘kong tulog dito?!” reklamo ko sakaniya. papano, OA masyado eh.
“tsss.. ewan ko sayo, kahit na nag kasakit ka nagagawa mo parin mag sungit jan. Pasalamat ka nga binantayan kita dito eh.” Sabi niya sabay umupo ulit sa sofa.
aba’t talagang nagawa niya pang mambuwisit huh?! Duh?! Ang sakit kaya ng ulo ko dito! Pero hindi ‘to rason para hindi ako gumanti sa pang iinis niya no.
“So, mister pinalalabas mo na dapat mag pasalamat pa ‘ko sayo dahil binantayan mo ako habang ang sarap ng tulog ko, ganun ba??” pang asar na tanong ko sakaniya.
“Ikaw, kung willing kabang mag pasalamat sakin tatanggapin ko naman eh.” Mapang asar niya ring sagot at ngumiti pa ng nakakaloko.
sinusubok talaga ako nitong hampas langit na lalaking ‘to eh!
“in-your-dreams!!! Duh?! Hindi ko sinabing bantayan mo ko! pwedeng pwede mo naman akong iwanan dito eh. Hindi kita kailangan noh! At isa pa – aaaaah!! Shet, ang sakit talaga!”
Napasigaw na talaga akong ng bongga sa sakit ng ulo ko. Ano ba naman ‘to oh!!! Bakit ba ang sakit sakit >.<
“hey Trish! Bakit anong ngyari?” tanong sakin ni Jared, nilapitan niya ako at pilit tinitingnan kung anong ngyari sakin.
“wait lang, tatawag ako ng doktor sa labas” sabi niya pero bigla ko naman siyang pinigilan, hindi dahil ayokong iwanan niya ko, kundi dahil ayoko ng mag tagal dito sa ospital.
Kapag nalaman pa ng doktor na di talaga ako maayos, ‘eh baka ma-extend pa ko ng ilang araw dito! Ayoko nga noh! NO WAY!
“bakit?” tanong niya sakin at binigyan ako ng bakit-mo-ako-pinigilan-look,, at dahil madali naman akong makuha sa tingin eh naitindihan ko naman agad ‘yun. Matalino ako eh diba?
YOU ARE READING
THE REAL B*TCH
Teen Fictionsa mga storya laging hindi nawawalan ng tinatawag nilang 'KONTRABIDA' kakambal na ata ng storya ang mga katulad nila. syempre, kung wala nga naman kasing 'KONTRABIDA' walang matatawag na "BIDA". pero papano kung ang storya ay mag karoon ng "BIDA" pe...