TRB Special Chapter 1: She is...

74 0 0
                                    

A/N: This special chapter is for Haylee and Kyle story. :) wala munang Trish and Irish POV ^___^ bibigyang pansin ko muna yung ibang characters ko ;) pa-bitin effect muna tayo kila mr. footman. So ayun, Enjoy!

P.S. Nga pala, nagpag isipan ko na gagawin kong mga special chappy nalang yung story nung apat (Brye, Haylee, Irish and Ciara) para masaya >:) Yun lungs!

__________________________________________________________________________

TRB Special Chapter 1: She is...

*HAYFA's POV*

Ah? So, papano ko ba uumpisahan to? Uhmm.. sige papakilala muna ako ^_____^V

Konichiwa mina!~ Watashi wa Hayfa Lehana-san desu. (Hello everyone!~ I am Miss Hayfa Lehana). Haylee for short. Yep! Half Japanese ako ;) Maganda, sexy, mahinhin, tahimik, mayaman, at higit sa lahat matalino!

-- Chos! lang yun syempre. hahaha! Obviously in the past chapter siguro naman nakilala niyo na ako kahit papano at lahat ng katangian na sinabi ko eh-- Opposite side ko. ^____^

Hindi ako ganun kaganda-- actually may pagka boyish pa nga ako eh. Oh diba? ang weird. Nasama ako sa grupo nila Trish kahit ganito ako. well, isa lang ang masasabi ko -- mababait naman talaga kasi sila.

Hindi rin ako mayaman ^____^ hahaha! Sa aming lima ako lang ang poorlalita dito. Nakakahiya nga minsan eh, kasi isang sikat na school ang pinapasukan namin pero nakaka pasok ako ng libre dito. Syempre dahil narin kay Trish yon, ang mas nakakahiya pa hindi manlang ako nakapasok bilang Dean's lister.

Pag may free time kasi ako, nag ttrabaho ako sa bar. -- Oy! Hindi bar na gumigiling at sumasayaw sayaw ah! Music bar ang pinapasukan ko.. Yup! May banda kasi ako at yun ang ginagamit ko para mag side-line :)

"Haylee!!!! Haylee!!!!~"

"Oh? Anu bang sinisigaw-sigaw mo jan? Ano yun?" sagot ko kay Ciara na hingal na hingal na tumatakbo papalapit sakin. Anu naman kayang problema neto.

"Eh kasi naman bat ba ambilis bilis mo mag lakad eh! *hingal* *hingal* ayaw kasi sagutin ni Trish mga tawag ko.. kanina pa kami nag aalala sakaniya. Try mo ngang kontakin baka sakaling sayo sumagot yun!"

Ah, oo nga pala.. yung pangyayari kanina. Nahuli na nga ata kami eh, papano naman kasi bumalik na si Isabelle. At nakakagulat talaga yun para saming lahat lalong lalo na kay Trish na walang ka alam alam na naka balik na talaga yung dalawa dito sa pinas.                

Pero, kung ako rin nasa sitwasyon ni Trish ngayon... malamang sa malamang gusto ko rin mapag isa at makapag isip-isip. Alam kong matapang na tao si Trish pero sa pag kakataong to kailangan niyang mag-isip ng mabuti..        

"Huy! Lee! Nakikinig kaba sakin? sabi ko try mo tawagan si Trish... baka sakaling sumagot siya sa tawag mo..kanina pa kasi kami tawag ng tawag eh pe--"        

"Alam mo Cy.. kailangan mapag-isa ni Trish ngayon. Nabigla siya sa mga nakita niya, kailangan niyang i-process ang sarili niya kahit papano. masyadong malalim ang sugat sakaniya at alam naman nating pare-pareho na hanggang ngayon andun parin yun, pero sa pag kakataong to mas makakadagdag lang tayo sa iisipin niya kung kukulitin natin siya ng kukulitin." Pagpapaliwanag ko kay Cy. wala naman kasi talaga kaming maitutulong kung kukulitin namin si Trish ng kukulitin.. Oo nga, madadamayan namin siya pero hindi parin mawawala nun yung sakit na dala-dala niya.          

THE REAL B*TCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon