TRB 8: The moment of truth

77 1 0
                                    

TRB 8: The moment of truth

*TRISHIA's POV*

It's saturday and It's my free day! HAHAHA!!!

time check: 7:00 am

Uhmm.. parang good mood ako ngayon ah! Aga ko ata nagising >:) Iba talaga ang gising kapag alam mong wala kang mga creatures na makikita sa paligid hohohoh!

katulad ng daily routines... idling konte, inat-inat, bangon, ligo, ayos ng sarili...and then I'm DONE!

lumabas na ako ng kwarto ko para mag breakfast...habang bumababa ako ng hagdanan napansin kong may lalaking naka upo sa couch sa may salas. Hindi ko napansin ang mukah niya kasi nakatalikod siya sa direksyon ko.

napadaan naman ako sa kwarto nila mama at saktong may lumabas galing sa loob.

=___= malamang Trish! may lumalabas ba galing sa labas? engot lang?

"oh Trish, gising ka na pala...tamang tama anak, sabay-sabay na tayong mag breakfast" sabi sakin ni mama habang palabas siya ng kwarto at pababa narin ng hagdan.

"Ma? anong meron at nandito kayo? teka... hindi ko naman kayo napansin na umuwi kagabi ah??" pag tatakang tanong ko kay mama. Nakakapag taka kasi na andito siya ngayon. kadalasan naman kasi pag uuwi sila ng bahay eh, halos sandali lang sila umaalis din agad. minsan kumukuha lang sila ng importanteng mga gamit nila tapos ayun fly fly away na ulit.

"Ah! Oo nga, pag uwi namin kagabi tulog na tulog ka na kaya hindi na kita ginising pa. Alam ko naman kasi pagod ka sa school...tara na sa baba, nag hahantay na ang papa mo dun." yaya niya sakin saka ako hinila pababa.. ang papa na tinutukoy niya eh yung step-dad ko.

=___= anong meron? Magugunaw na ba ang mother earth at ngyayari tong mga ganitong bagay? Shet huh?! hindi pa ko prepared mamatay! wag muna no! madami pa kong pahihirapan na mga buhay..

Ng makababa kami ng hagdan, napansin ko ulit yung lalaking naka upo dun sa salas..

"Eh ma, teka muna. may bisita ba kayong dadating?? May lalaki kasi dun oh." sabay turo ko dun sa direksyon nung creature na nakita ko.

"Ah, oo nga noh? teka sandali." sabi niya sakin saka nilapitan yung lalaki.

"Drake? Ay iho.. ikaw pala yan. Akala ko hindi ka na darating eh, halika dun na tayo para maka kain na tayo." pagyayaya ni mama kay Drake

teka?

si DRAKE?!!!! OoO

shet!!! waaaaa!!! bakit andito rin yang baklang yan?!!! SHOCKS!!! >/////<

At eto na nga..kumakain kami ng breakfast ng sabay-sabay!

wow huh? =__= ang korni! happy family ang peg namin ngayon? tsss.. ano ba talagang meron? hindi naman pasko, hindi ko rin naman birthday at lalong hindi ko pa naman graduation day..

bigla namang binasag ni step-dad ang katahimikan namin.

"Oh, Trish... siya nga pala kamusta ang school?" tanong niya sakin na may kasamang seryosong mukah..

=__= ano ba naman to oh! like duh?! Siya kaya may-ari ng school bakit hindi niya alam kung anong lagay ko dun? sus! As if di naman niya nababalitaan mga ginagawa kong kalokohan dun.

"Ah, so far so good naman dad." plain na sagot ko sakaniya. di ko na pinahaba dahil baka kung san lang mapadpad ang usapan na to.

THE REAL B*TCHWhere stories live. Discover now