Nakangiti sa akin tinanong ni Fabian kung ano sa tingin ko ang reason bakit umaarte pa din siya kung may successful na business.

"Sa career at business ko. Kahit hindi na magtrabaho ang anak at magiging mga apo natin in future hindi sila naghihirap," dagdag ni Fabian. Bahagya ako napangiti dahil doon. Tama naman si Fabian.

Tinapik ni Fabian ang taas ng ulo ko. Napatingin ako sa kaniya ng diretso.

"Huwag ka magsalita na tapos na ang career mo dahil naniniwala ako na hindi ka pa nagsisimula. Siguro wala ka pa interes ngayon bumalik pero naniniwala ako na darating ang araw  mape-feel mo din na bumalik sa industriya."

Napangiti ako at nagbiro. Sinabi ko na kapag nangyari iyon since si Fabian na din nagsabi baka maagaw ko dito ang ranking nito.

"I don't mind. Walang bagay na hindi ko posible na i-share sa iyo," ani ni Fabian na nakangisi. Napatigil ako bahagya doon.

"Isa na doon iyong ngiti at saya, Sonia."

Hindi ko alam ngunit 'nong marinig ko iyon bigla na lang tumulo ang luha ko. Naramdaman ko na lang na pinupunasan ni Fabian ang pisngi ko at matama ako tinitigan sa mata.

"Hindi ba sabi mo tatlong lugar lang naman naiisip mo na puntahan? Ako na pipili ng pangatlo," ani ni Fabian after niya ilayo ang mainit na mga palad niya sa pisngi ko.

Hinawakan ni Fabian ang kamay ko then ini-start na niya ang sasakyan. Hindi ko mapigilan ang luha ko. Naiinis ako kaya ayoko umiiyak eh.

Sa inis ko mas lalo ako umiyak. Naiirita na ako. Narinig ko tunawa lang si Fabian kaya nilingon ko siya.

"Bakit ka natatawa?"

Napatigil ako 'nong ilapit ni Fabian ang kamay ko sa mga labi niya at hinalikan ang likod ng palad ko habang nakapako pa din ang tingin sa kalsada.

"Kapag hindi ka tumigil sa pag-iyak hahalikan na talaga kita. Hindi ko matanggap na ako ang fiancee mo at nandito ako— umiiyak ka dahil sa ibang lalaki."

Naitikom ko ang bibig ko at pilit ko pinipigilan na umiyak. Hindi ako huminga at nanatili nakatingin kay Fabian. Bahagya lumingon si Fabian then napatigil siya tapos bigla siya humagalpak ng tawa.

"What! Pinipigilan ko na umiyak. Ikaw may kasalanan bakit ako umiiyak eh!"

Napatigil ako 'nong biglang itabi ni Fabian ang sasakyan. Tumingin ako sa bintana dahil baka nandoon na nga kami sa destinasyon namin ngunit— narinig ko pag-click ng seatbelt at mga palad ni Fabian sa panga ko.

Hinarap niya ang mukha ko sa side niya at bigla na lang ako hinalikan sa labi. Napasinghap ako sa gulat. Bahagya ko siya tinulak at lumayo naman siya. Half ng katawan niya nasa side ko— isang kamay niya nasa panga ko then ang kanang kamay niya nakatungkod sa bintana ng sasakyan sa side ko. Napakurap ako then ngumisi siya.

"Then i'll take the responsibility para patigilin ka," bulong ni Fabian then magaan ako hinalikan sa labi. Bigla yata nanuyo ang mga luha ko sa tear gland ko dahil sa init ng pisngi ko ngayon.

This is so unfair. Ginamit na naman ni Fabian mukha niya. Noong nakita niya na mukhang tumigil na ako sa pag-iyak umayos na siya ng upo. May mga bumubusina na din kasi sa likod tapos may kumatok sa pintuan ng driver seat.

Noong ibaba ni Fabian ang bintana ay mabilis ko inangat ang dulo ng neck line ng suot ko na hood at tinakpan ang kalahati ng mukha ko.

Bigla ko gusto lumubog na lang sa upuan 'nong tinanong ng police bakit sila bigla huminto.

"Sorry, officer. Umiiyak kasi asawa ko. Need ko i-comfort ng kaunti," ani ni Fabian. Babae iyong officer at natawa na lang sa sinabi ni Fabian na mukhang naintindihan nito.

The Billionaire's Ugly WifeWhere stories live. Discover now