Chapter 1

12 5 0
                                    

CHAPTER 1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 1

Neighbor

2.5

Halos manlaki ang mata ko. Wow... just wow. How did I even get this grade? Sa pagkakaalala ko, wala naman akong ginawa, ah. Natulog lang ako buong sem pero nakapasa ako? The hell?

How did I get that passing grade? Ibigsabihin, mag-se-second year ako? Wow, that's amazing.

Buong bakasyon, naging laman 'yon ng isip ko. Naalala ko kasi kung paano nagmakaawa ang mga kaklase ko na bigyan ng chance pero wala talaga. I even remembered how they focused themselves in reviewing and almost don't sleep at night just to review but still end up having that not so passing grade.

Pero siguro ganun talaga kasi kalimitan silang bagsak sa mga quizzes. Hindi ko nga alam kung bakit. Ako ngang walang review at hindi man lang nagbabasa ng notes nakakapasa, sila pa kaya na halos memorize na buong libro? That's absurd.

Naging palaisipan 'yon sa 'kin na pinagsawalang bahala ko na lang.

"Ilagay mo nga 'to dun, Hiraya."

Halos tumaas ang kilay ko nung sinabi iyon ng anak ng boss ko. Anak ng tupa naman, siya 'yong inutusan, ah. Kapal naman ng walanghiya.

Pero dahil nga anak ng boss ko, hindi ako nagreklamo kahit sobrang pagod na ako.

"Nagdadabog ka ba?!" bigla nitong sigaw, masama ang tingin sa akin.

I glanced at her and glared. Nanlaki ang mata nito.

"Ay aba! Ma!"

Tangina. Nung bigla niyang tinawag ang Nanay niya, agad akong napamura. I gave her the most fake smile I could give and shook my head.

"Ah, siyempre naman. . . hindi po. Hindi po ako nagdadabog," sabi ko, dinidiin ang po. Potangina niya talaga.

Buong bakasyon, ginugol ko ang sarili sa pagtatatrabaho. I didn't let the day pass without carrying those heavy boxes in the market. Ginagabi sa pag-uwi kahit maaga namang pumapasok. That's my routine. It wasn't tiring. . . well, maybe just a bit.

"Sinong bagong kapit neighbor natin?" tanong ko kay Fernandez pagkapasok ko nang boarding house namin. Nakita ko kasing bukas ang ilaw. Wala namang nagrerenta dun nung nakaraan kaya baka meron na ngayon. And as usual, she's reading her favorite accounting book. Grabe, nakakaputangina nga 'yon.

I immediately took off my shirt and leave my brassiere alone. Humilata ng higa tsaka napahinga ng malalim.

Dahil kaming dalawa lang dito, walang isyu sa amin 'yon. Parehas naman kaming meron nito. Well, ako lang pala ang wala. Mabuti pa kasi 'tong nerd may dibdib, ako tangina halos parehong likod na.

Saglit na dumapo sa akin ang mata niya pero agad na binalik sa librong binabasa. "I don't know."

Okay, what do I expect from her? Eh, taong bahay 'to. Ultimo yata tindahan sa labas hindi niya alam.

Line Between The BordersWhere stories live. Discover now