Prologue

17 8 2
                                    

PROLOGUE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PROLOGUE

Hell

"Okay, please introduce yourself. And tell me why you chose BS Accountancy as your program?"

In my whole entire life, being asked by this question was probably the hardest one to answer. It was like, choosing this program is like we're entering hell.

Unang salita pa lang iyon mula sa matanda naming instructor, parang nahilo agad ako. Partida, wala pang discussion 'yan, pa'no na lang kung meron na?

I aggressively sighed as my brows furrowed in annoyance. Unang araw sa college, stress agad ako.

". . . I chose this program because it's really my dream. I want to become a CPA and to top the board."

Napangiwi ako, halos hindi mapinta ang mukha dahil sa naririnig na sagot mula sa mga kaklase.

". . . I chose accountancy because it's my mother's dream. I just want to fulfill her childhood dream and aside from that, I can also see myself having a great future in this program."

Edi, ikaw na. Tangina.

". . . Wala lang po. Kasi ano, maganda pong pakinggan 'yong program namin, malakas makatalino kaya ayun."

And everybody laughed with that. Napangisi ako. Well, may point naman. Agree ako dun. Pero anong magagawa ng isang katulad kong bobo sa program na 'to? Tsk.

Marami pa akong narinig na sagot. Most of them, say that it's their dream. Gusto nilang maging CPA at ang iba, nag-asam pang maging abogado. Edi, wow, sila na may pangarap.

Kaya no'ng ako na, lahat sila ay napabaling sa pwesto ko. Nakangiwi lang ako na parang walang pakialam sa mundo. Kung pwede lang, lumabas na ako dahil sobrang boring ng klase, tangina.

"Ano?" walanghiya kong tanong nung hindi pa rin nila ako tinatantanan ng tingin. I scoffed once more. Nung napatingin sa harapan, agad akong napaayos ng tayo dahil nanlilisik na ang mata ng matandang instructor namin.

"Tatayo ka pala, eh," she whispered that was heard by everyone causing them to laugh.

Tangina niyo, tingnan natin kung ilang kayong matira dito hanggang fourth year. Pangarap pala, ah.

Our instructor cleared her throat as her eyes bore into mine. Halos malaglag na din ang salamin sa mata niya.

"Introduce yourself and tell us why you chose this program."

Huminga ako ng malalim. Inisip ang tamang salitang sasabihin. Langhiya, ano 'tong napasok ko?

"Hiraya Aguilar at your service," maangas kong sabi. When I heard some of my classmates chuckled, my forehead creased in annoyance. Anong tinatawa-tawa nila?!

Kumunot ang noo ng instructor. "Why did you choose this program?"

Kumunot ang noo ko. Bakit nga ba? Sa pagkakaalala ko, hindi na dapat ako mag-aaral pero heto ako ngayon. Ah kasi. . .

Line Between The BordersWhere stories live. Discover now