"Hindi ko alam Ren, anak. Pero narinig ko kay Ser na susunduin niya 'yung Mama mo mamaya," So, nandito nga talaga siya? Lagot na!

Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Mukhang napansin naman ito ni manang kaya muli itong nagsalita.

"Oh siya, magbihis kana ro'n at para makakain kana. Alam kong gutom kana," pangtataboy nito sa akin. Tumango akong muli sa kaniya at sinunod na 'yung sinabi niya.

Pagka-akyat na pagka-akyat ko ng hagdan ay siya ring pagbukas ng isang pinto sa kwarto. Teka! Kwarto 'yon nina mama!

Hindi ko maiwasang magpanic nang lumabas ang lalaking iniiwasan ko. Hindi nakawala sa tingin ko ang suot nitong manipis na sando at kulay itim na cotton shorts. Yummy talaga ng katawan. Mabilis akong umiwas ng tingin at bahagyang yumuko.

"G-good evenin--"

Pero bigla akong nanigas ginawa niya. Hindi ko na naituloy ang gagawin kong pagbati sana sa kaniya. Para akong nagmistulang hangin dahil sa ginawa niya. Hindi nakikita, pero alam kong nararamdaman niya.

Parang isang-daang karayom ang nagmistulang tumusok sa puso ko nang bigla niya akong lampasan na para bang wala ako sa harapan niya. Nakaramdam ako nang pagkahiya sa ginawa niya.

Ganito pala 'yung pakiramdam 'no? Masakit pala kapag alam mong may umiiwas sa'yong isang tao. Idagdag mo pa na may nararamdaman ka sa taong umiiwas sa'yo.

Gan'to rin kaya ang naramdaman niya nu'ng mga panahong iniiwasan ko siya. Siguro oo, hindi naman siya aakto ng gano'n kaninang umaga kung hindi eh.

Hindi ko na kinaya 'yung nararamdaman ko. Mabilis akong naglakad papunta sa aking kwarto. Pagkasara ko nang pinto ay tila nanlambot ang mga tuhod ko. Napaupo ako at napasandal sa likod ng pinto.

Tangina, Renon! Ba't ka naiiyak?! 'Di ba ito ang gusto mo? 'Di ba gusto mong mag-iwasan kayong dalawa? Bakit ka nasasaktan? Ha? Bakit?!

Hindi ko kinaya 'yung ginawa niyang pag-ignora sa 'kin. Ganito pala kasakit. Pa'no ko pa mapipigilan ang sarili ko kung ganito ang mangyayari sa araw-araw sa tuwing magkakasalubong kami. Baka mamatay na ako no'n sa sakit.

Cause of Death: Hindi kinaya 'yung sakit sa ginagawang pag-iwas sa kaniya ng crush niya.

Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa mga naiisip ko. Nagmumukha akong baliw sa ginagawa ko pero wala akong pakialam.

Ganito talaga ako kapag nasasaktan. Naalala ko pa nga noong bata ako, kapag nasugatan ako sa tuhod ay iyak ako nang iyak na para bang wala nang bukas.

Ilang minuto pa akong nanatiling nakaupo sa sahig ng aking kwarto. Nakayuko at hindi alam ang gagawin. Parang bigla akong tinamad sa buhay ko ngayon. Kung hindi ko lang narinig ang boses ni manang sa labas ng aking pinto ay hindi ako kikilos.

"Ren, hijo? Bilisan mo na r'yan at hinihintay ka na ni Ser Lucio sa baba," at talagang may gana pa siyang hintayin ako ah. Matapos niya akong hindi pansinin kanina.

Ano hindi niya ba kayang kumain nang mag-isa? Gusto ba niyang subuan ko siya? Gano'n ba 'yon kaya niya ako hinihintay? Bwisit na 'yan.

"O-opo! Bababa na lang po ako!" Sigaw ko naman mula sa loob ng aking kwarto.

Pumunta na ako sa walk-in closet upang kumuha ng pambahay na damit na pamapit. Pinili ko ang kulay asul na t-shirt na pambahay at isang kulay grey na pajama.

Pagkatapos pumili ay tumungo na ako sa banyo upang magpalit. Isa-isa kong hinubad ang aking saplot na nakatakip sa aking katawan at tiningnan ang repleksyon sa salamin.

Napatingin ako sa mga mata ko at nakita itong bahagyang namumula dahil sa pag-iyak kanina. Tangina ano 'yon, Renon? Ang bakla mo kanina ah.

Dapat strong ka! 'Wag kang magpapa-apekto ro'n. Siguro ay dapat kong ibaling ang atensyon ko sa iba. Biglang pumasok sa isip ko 'yung calling card na binigay sa 'kin ni Antoinette dati sa mall.

His Forbidden DesiresWhere stories live. Discover now