05

188 10 0
                                    

ARCADE
--

Renon

“How about this? Kailangan mo ba ng ganito sa school?” Tanong nito habang pinapakita ang hawak na index card na may 1/8 na size, wala pa itong bawas dahil naka-seal pa ito. Tumango naman ako sa kaniya at inilagay ang index card sa dala kong asul na cart.

Narito na kami ngayon sa isang National Bookstore sa loob ng mall. Pagkapasok ay cart agad ang kinuha ko upang lagyan ng mga bibilhin naming gamit at tumungo sa school supplies section.

Hindi na muna ako naglibot-libot sa loob ng lugar upang tumingin ng mga babasahing libro dahil kailangan kong unahin ang mga kailangan ko sa school.

Hindi man halata pero mahilig akong magbasa ng mga nobela, lalo na ang mga wattpad books. Nakaka-engganyo kasing magbasa ng isang nobela, lalo na kung bibigyan mo ng emosyon ang binabasa mo.

Napatingin naman ako sa hawak kong cart upang i-check kung ano pa ang bibilhin ko.

Ano pa nga ba ang kailangan ko?

Nalagay ko na sa cart ‘yung yellow pad, at pad paper. May inilagay na rin akong ilang notebook, dahil hindi naman masyadong kailangan magsulat sa senior high ay iilan lang ang kinuha ko. Mayroon na rin na index card na pinakakailangan ko, may correction tape na--ay! Ballpen pa pala ang kailangan ko. Kumuha ako ng correction tape pero wala pa pala akong nakuhang ballpen.

Saan ko ‘yun gagamitin, sa lapis?

“Ano? Kumpleto na ba? O may kulang pa?” Tanong ng kasama ko nang mapansing tinitingnan ko ang laman ng cart.

Tumingin ako sa kaniya at tumango, “Kailangan ko ng ballpen, kaso wala akong nakitang naka-display ro’n sa school supplies section,” sabi ko rito.

Tumango naman ito, “Let's check the counter, mostly kasi roon dinidisplay ang mga pens,” sabi nito bago tumungo sa counter, ‘yung bayaran ba ng kinukuha mo, doon.

Sumunod naman ako sa kaniya. At doon ko nga nakita ang hindi mabilang na mga ballpen. Agad akong lumapit doon at nagsimulang pumili. Kulay itim at pulang ballpen ang kailangan ko. Pagkatapos kong pumili ay lumapit na ako sa kasama ko upang sabihing tapos na ako.

“Okay na? Wala ka ng kailangan?” Umiling naman ako bilang sagot. Wala na akong kailangan pa.

Kinuha na nito ang hawak kong cart at ipinatong doon sa counter upang ma-check na kung magkano lahat. Hindi naman umabot ng isang libo ang mga gamit na binili ko kaya napansin kong kumuha lang siya ng cash sa kaniyang wallet. Isang libo.

Pagkatapos makabayad ay lumabas na kami sa lugar na ‘yon. Ako na ang humawak ng mga pinamili namin dahil nakakahiya naman kung siya pa ang magdala ‘di ba? Ako naman ang gagamit nito.

“Nagugutom ka na ba? Pwede tayong huminto muna sa isang fast food restaurant, tutal marami naman dito. Just tell me if your hungr--” hindi pa man nito natatapos ang kaniyang sinasabi ay biglang tumunog ang tiyan ko. Natigil ito sa pagsasalita at natawa. Ako naman hiyang-hiya.

“Mukhang hindi ko na kailangan ng sagot, nagsalita na ‘yung tiyan mo, haha,” napayuko naman ako sa sinabi nito.

Inasar pa nga ako. Bakit ba gustong-gusto ko akong pinapahiya ng mga nasa paligid ko?!

Naramdaman ko ang pagtapik nito sa balikat ko na para bang sinasabing sumunod ako sa kaniya dahil nagsimula na itong maglakad patungo sa isang kainan sa loob ng mall. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapatingin sa likuran niya. Isa-isang pumasok sa isip ko ang mga reyalisasyon, na hindi naman pala masama ang nobyo ni mama, mukha lang siyang masungit pero mabait. Tapos siya pa ang nagbayad ng mga pinamiling mga gamit na kakailanganin ko. Naisip ko tuloy...

His Forbidden DesiresWhere stories live. Discover now