09

168 7 0
                                    

DLIS' uniforms is on the multimedia. Ctto.
...

FIRST DAY
--

Renon

"Salamat po, Mang Henry sa paghatid sa 'kin dito sa school," pagpapasalamat ko nang makarating kami sa entrada ng paaralan. Kinuha ko ang aking cellphone sa aking bulsa upang tingnan ang oras. Saktong 6:19 kami dumating dito.

Hindi pa man ako nakakababa ng sasakyan pero ang dami nang mga katulad kong estudyante ang papasok sa malaking gate ng DLIS (De Loirr International School).

"Naku, wala 'yon Ser, trabaho ko hong ihatid ka," sabi naman nito habang napahawak pa sa batok. Dahil nga nasa backseat ako, tumingin pa siya sa rear mirror no'ng nagsalita siya upang makita ako.

Ngumiti lang ako rito, "Ikaw pa rin ba ang susundo sa 'kin mamaya pag-uwi ko?" Tinanong ko upang malaman ko at makahanda sa pagcommute mamaya pag-uwi kung walang magsusundo sa 'kin.

Kararating mo lang, uwian agad ang nasa isip mo.

Parang bumulong naman 'yung mga bulate ko sa utak. Napangiwi ako sa kabaliwan ko.

"Oo, Ser, utos ni Ser Lucio kanina," sagot nito. Dahan-dahan akong tumango.

Parang napantig naman 'yung tainga ko nang marinig ang pangalang 'yon. Napangiti ako nang malungkot. Muling bumalik sa aking isipan 'yung mga nangyari kanina. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kalungkutan nang bumalik sa isipan ko ang mga sinabi niya kanina.

Pero agad ko 'yong iwinaksi sa aking isipan. Hindi ngayon ang araw para maging malungkot. Ngayon ang unang araw ko sa paaralan kaya dapat masaya ang bungad ko. Hindi dapat ako mag-isip ng mga negatibong bagay, dapat positibo lang.

Huminga ako nang malalim at inayos ang suot kong blazer. Hinawakan ko ang aking bag sa strap nito at nagpaalam na kay Mang Henry na bababa na ako ng sasakyan.

Isinukbit ko ang aking bag sa aking balikat nang makababa ako. Pinagpag ko muna ang aking suot na blazer nang mapansing may gusot ito at nagsimulang maglakad. Sumabay na ako sa agos ng mga estudyanteng nagsisipasok sa gate. Maraming mga estudyante ang aking nakasabay. Halatang first day na first day talaga.

Pero may isa akong napansin. May ibang mga estudyanteng pumapasok na kulay dark blue ang suot na blazer. Pansin kong mas marami ang mga estudyanteng nakasuot ng gano'ng kulay ng blazer kaysa sa suot kong kulay grey.

Sinimulan ko nang hanapin ang silid-aralan ng mga grade 12. Sumunod ako sa ibang mga estudyante na katulad ko ang suot, naglakad din ako sa isang open-area'ng hallway kagaya nila. Patungo sila sa kaliwang parte ng paaralan, gano'n din ako. Habang 'yung mga dark blue naman ang kulay ng suot ng blazer ay sa kanan patungo. Doon ako pumunta dati no'ng nagpa-enroll ako.

Ilang sandali pa ay nakita ko na ang isang malaking building na may apat na palapag. Nakita kong may mga naglalakad-lakad na roon. Hindi naman ako nagdalawang-isip pa at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa gusaling 'yon.

Ramdam kong pinagtitinginan ako ng ilang estudyanteng nakakasalubong ko pagkatapak ko sa gusaling 'yon. Nakaramdam naman ako ng hiya kaya bahagya akong yumuko habang naglalakad sa pasilyo ng building, at papunta sa kanang parte nito.

Huminto lang ako nang makita ako ang isang elevator. Tama, may elevator nga rito. Siguro kaya nila nilagyan no'n para hindi hassle sa mga kagaya kong estudyante na nasa taas pa ang room. Pero may nakita rin akong hagdan doon sa kaliwa sa dulo.

Ang alam ko kasi, nabasa ko ro'n sa announcement sa page ng school sa facebook. Nasa ikatlo at ikaapat na palapag ang silid ng mga grade 12 na kagaya ko. 'Yung grade 11 naman ay nasa ikalawa at unang palapag.

His Forbidden DesiresWhere stories live. Discover now